Chapter 13

182 10 0
                                    


Chapter 13


Napatingin ako sa bagong dating na si Leigh. Nanlaki naman ang mga mata ni Jane habang tahimik lamang na nakamasid sa'min si Ella.





"Hannie Leigh!" Tili ni Jane at niyakap si Leigh.







"Can't... breath, Jane."






Napabitaw si Jane kay Leigh. "Ikaw bruha ka wala ka nang paramdam sa'min. Nakakatampo ka." Parang naiiyak si Jane.





"Ano ka ba, Jane, wala ka pa ring pinagbago. Isip bata ka pa rin." Tumawa si Leigh. Bigla siyang napatingin kay Ella. "Eh? Bago uling transferee?" Nagtatakang tanong niya.







Tipid na ngumiti si Ella sa kanya. "Hi, I'm Ella Ocampo, the new student." Pakilala ni Ella.






Mapanuring napatingin si Leigh kay Ella. Magsasalita na sana siya nang biglang tumunog ang bell. Sa huli, nagpaalam na kami sa isa't isa. Ito namang si Jane ay panay hampas at batok kay Leigh. Napailing na lamang ako. Sa aming tatlo, si Jane ata ang may pagka - amazona. Si Leigh naman itong tahimik pero mapanganib. At ako? Hmm. Sabihin nating palaban.






Nagsimula kaming maglakad papunta sa unang subject namin. Habang naglalakad kami, hindi ko mapigilang mapansin ang mapanuring tingin ng mga estudyante sa dalawa kong kasama. Nagkataon kasing kaklase ko si Jane at Ella sa first period. And the worst thing is, I am in the middle of these two beautiful young ladies.






Napailing ako.






"Business Administration kinuha mo?" Tanong ni Jane kay Ella nang huminto kami sa tapat ng aming classroom sa may third floor. Business Communication ang unang subject namin.






Nakangiting tumango si Ella. "Yes. My father had a small company. He owns a restobar. At gusto ko ring mag - aral ng business." Kwento niya.






Napangiti ako kay Ella. Noong bata ako, pangarap kong maging isa artist. I dream to become a jewelry maker. Siguro dahil na rin sa galing ako sa pamilya ng magagawa ng alahas kaya ako naimpluwensiyahan. Kaya ako kumuha ng business degree dahil pangarap kong bumuo ng kompanya.






"So, magkaklase pala tayo." Ani Jane. "Ah, hindi pa pala ako pormal na nagpapakilala. I'm Greyzelle Jane Reyes, Jane for short. Accountancy 'yong course ko. At 'yung babae kanina na may Brown na buhok ay kaibigan namin ni Keely. Siya si Hannie Leigh Gizon. Second year college sa kursong Political Science. Balak daw niyang maging abogado eh."







Ngumiti si Ella kay Jane. Pumasok na kami sa loob. Halos lahat ng mga kaklase namin ay babae. Tumingin ako sa buong paligid. The whole room is a spacious one. It has a modern design of arm chairs. Elevated kasi ang bawat school desk. Nasa limang column ang bawat school desk na nahahati sa tatlo, at kasya ang apat na tao sa bawat mesa. Sa may white board, may mukhang mini stage at mesa.






Sa ikatlong column kami naupo nina Ella at Jane. Napapagitnaan nila akong dalawa. Habang, may isang pang babae ang naupo sa'ming table. The girl has a short bleached blonde hair. Katabi niya si Ella.






"Hi!" Bati niya kay Ella. Mukhang magkakilala naman pala sila.







"Tina!" Napayakap si Ella sa babae. "God, I miss you."






Hindi ko na nasundan ang pag - uusap nila. Dumating na rin kasi ang instructor namin.






Walang masyadong nangyari sa unang period at second period. Puro subject orientation lang at getting to know each other.






When Destiny's Failed Where stories live. Discover now