Chapter 18

214 9 1
                                    


Chapter 18:


Calling...

Khalil



"Hello, apo? Ikaw ba 'to? Khalil sigurado ka bang number ito ng ate Keely mo?"



"Ako nga 'to, Lola Soleng." Malungkot akong napangiti. "Kamusta na po kayo? Si Lolo Peter ayos na po siya? Si Khalil po? Hindi naman siguro ho siya pasaway d'yan sa inyo?" Sunod - sunod kong tanong. Nakaramdam ako ng pagkagalak sa pagtawag ni Lola. I miss them.



"Maayos na ang kalagayan ng Lolo Peter mo, Keely. Kakalabas lang namin sa ospital no'ng nakaraang araw. Ito namang si Peter, e, gusto agad mangisda. Napakapasaway talaga." Nakarinig ako ng reklamo kay Lolo sa kabilang linya. Tumawa naman si Khalil. "Aba, totoo naman ang sinasabi ko, Peter, a."



Mahina akong natawa. Si Lolo talaga.




"Keely, apo. Gusto ka raw kausapin ng Lolo mo." Ani Lola Soleng. Mababakas sa tono ng boses niya ang pagtatampo kay Lolo Peter.




"Sige po, sige po."




Umaayos ako ng upo. Malayo akong napatingin sa labas ng bintana. Bandang alas syete na ng gabi. Dagsa na ang mga butuin at nagbibigay liwanang na ang buwan sa madilim na kalangitan. Suddenly, I feel cold. The way the cold, icy breeze of night blown, gives me a shiver.





"Hello, Keely? Kamusta na d'yan? Hindi ka ba inaapi ng mga sosyalerang mong kaklase? Aba, h'wag kang matakot kapag may nang - aapi diyan sa'yo, ha, ipapakain ko talaga sila sa mga pating."




"Lolo naman." Mahina akong natawa. "Wala pong nag - aaway sa'kin dito. Diba po tinuro niya sa'kin na 'walang inaapi kung walang magpapaapi'. Lagi ko po 'yung tinatandaan, Lolo."





"Basta, Keely, apo. H'wag kang matakot na sabihin sa'min kapag may nang - away sa'yo o kung may problema ka. Lagi kaming nandito ng Lola Soleng mo. Maiba ako, nakita mo ba ulit si Dylan diyan?"




Bigla akong natigilan sa tanong ni Lolo. Hindi ko pa pala sinasabi sa kanila na isang Del Vega si Dylan. Ano na lang ang magiging reaksyon nila kung sakali. Ayaw kong masaktan sila. Alam kong napamahal na sila kay Dylan. Tinuring na nga nilang parang tunay na apo siya.




"H-Hindi po eh." I lied.





"Ganoon ba. Nasa'n na kaya iyong batang 'yun? Na - mi - miss ko na siya. Hinding - hindi ko makakalimutan 'yung mga araw na tinutulungan niya akong mangisda at magdeliver. Lagi kaming sentro ng atensyon no'n eh. Isa ba naman kasing napakagwapong bata si Dylan. Binata pa. Syempre maraming babae ang magkakarandapa sa kan'ya."





Sang - ayon ako sa sinabi ni Lolo Peter. Kahit nga sa Merrington, maraming nagkakagusto kay Dylan. But for me. He's a beast disguise into an oh-so-called prince charming. Parang si Daoming Si lang ng meteor garden.




"Alam mo ba, Keely, lagi kang tinatanong ni Dylan sa'kin kapag nagdedeliver kami. Ewan ko ba sa batang 'yun. Interesadong malaman ang tungkol sa'yo." Pagkukwento ni Lolo. "Ang bait at ang sipag niyang bata, Keely. Bunos pa ang kagwapuhan niya. Kaya nga butong - boto ako sa kanya para sa'yo--"




Halos mapaubo ako sa sinabi ni Lolo. "Lolo naman. Ano bang pinagsasabi niyo. Kaibigan lang po kasi kami ni Dylan." Well, kahit hindi na ngayon. "Tsaka isa pa po, may girlfriend na po si Dylan." Paliwanag ko.





"Pa'no mo nasabi?"




"Basta po! Ang playboy kaya niya. Mahangin pa. Dinaig pa niya si Bagyong Yolanda sa lakas ng hangin!"




When Destiny's Failed Where stories live. Discover now