Chapter 10

210 10 0
                                    


Chapter 10


Nagising ako dulot ng isang mahinang tapik. I open my eyes. Isang nakakasilaw na liwanag ang tumama sa'king mukha. Luminga - linga ako sa paligid. Tipid akong napangiti. We're finally arrive.






Palinga - linga ako sa paligid habang palabas kami ng pier. Hindi ko mapigilang mamangha sa matatayog na buildings at mga ilang mamahaling sasakyan. Ang ganda. Ngayong lang ako nakapunta ng Maynila!





Huminto kami ni Jane sa tapat ng taxi. Nang maipasok ko ang panghuling bagahe, muli akong napatingala sa mga matataas na mga building. Ganito pala kaganda sa syudad. Ang swerte ng pamumuhay nila dito. Hindi tulad sa islang aking kinalakihan. Dito, halos lahat ng mga tao ay mukhang sopistikado at mayayayaman. Iba sa kinalakihan kong lugar kung saan payak ang pamumuhay.






"Keely, halika ka na!" Tawag ni Jane.






Buong byahe ay sa labas ako nakatingin. Pinupuna ko ang matatayog na gusali. Marami ring mga magagarang sasakyan akong nakita. Mayroon ding mga modernong bus at ilang jeep na nadaanan. 'Yung kalsada naman ay may mga flyovers na ngayon ko lamang nasaksihan. Ang laki ng syudad. Napakalaki para sa isang babaeng taga - isla na kaunti lang ang alam.






Huminto ang sinasakyan naming taxi sa isang bahay. Sa aking palagay, isa itong apartment. May nakita rin akong isang babaeng nakasuot ng bestidang puti at nakangiti sa labas na gate.






"Salamat po sa paghatid."






Hindi ko nasundan ang sinasabi ni Jane dahil nauna akong lumabas. Sumalubong agad ng yakap ang babae kanina.





"No'ng huli tayong nagkita ay napakabata mo pa. Ngayon, isa ka nang ganap na dalaga, Keely!" Nakangiting sambit ni Tita Althea.







Dinala niya kami sa aming magiging kwarto. May kalakihan ang binigay na espasyo sa'min ni Tita. Sa ikalawang palapag kung saan may dalawang magkatabing kwarto at nasa dulo. Sakto lang ang upa. Makakaya naman namin iyong paghatiin ni Jane.






The room is fine to me. Meron itong single bed at may white sheets. May dalawang mini drawer sa gilid ng kama at isang kabinet sa tabi ng bintanang tinatakpan ng puting na kurtina. Meron ding itim na cushion sa gilid.






Hinawakan ko bawat aklat na naroon. Binuklat-buklat ko ito at nang napagod ay umupo sa kama. Inilibot ko ang tingin. Nahagip ng aking mata ang isang gitara at mga hindi ko naayos na mga damit.










Bumuntong hininga ako. Maya - maya pa ay may narinig akong katok. Bumangon ako at binuksan iyon. To my suprise, it was Jane. Malawak siyang nakangiti sa akin at animo'y labis na masaya.





"Keely!" Pakanta niyang sabi.





"Oh ano na naman?"






Pumasok sa kwarto ko bago umupo sa cushion. Napailing na lamang ako at humig sa kama bago napatulala sa kisame.






"My raket ako," si Jane. "You need money right? So grab na!"






"Tapos?" Tanong ko.







Ngumisi siya sa akin ng nakakaloko.






I found myself inside the shuttle bus. I don't know kung bakit ako napapayag ni Jane sa racket kuno niya. Napailing na lamang ako at tumingin sa labas.







When Destiny's Failed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon