Chapter 25

211 7 2
                                    


Chapter 25: Enchanted.

"Wala na ba talagang ibang damit d'yan?" Halos manlumo ako matapos kong maisuot ang gown na binigay ni Mom.

"Miss Keely, bagay naman po ang dress sa'yo! I mean, hubong na hubong 'yung curves niyo. Tsaka isa pa, ang ganda niyo po!" Mahabang lintaya ni Jude, isa sa mga baklang nag-ayos sa akin. "Look at you!"

Hinawakan ni Jude ang magkabilang balikat ko at pinaharap sa salamin. Napasinghap ako ng tuluyang maaninag ang aking repleksyon.

"I-Is this me?"

Tumawa lamang si Jude sa naging reaksyon ko.

I did not meant to boastful myself, but, the orange fancy dress suits perfectly to me! It was a spaghetti strapped with a high slit. It wasn't typical an orange dress. Perhaps, the dress has a dashling gems- na ewan ko ba kung too o hindi. May mga feathers ding nagkalat sa iba't ibang parte.

Tumalikod ako upang pagmasdan ang backless na disenyo rin ng kahel na bestidang suot ko.

This dress revealing to much of my skin but I guess it wasn't bad to wear this kind of dress after all...

"And for the finishing touch..."

May ibinigay na katernong kulay ng dress na stilettos si Jude. I stared at it. It was so beautiful. I can't take my eyes off. May strap pa ito na mas nagpapadepina sa ganda nito.

Boy, I suddenly feel like I'm Cinderella attending a magical ball.

"Ano ba! Sabing ayaw kong mag-heels e!"

Agad akong napalingon kay Jane. Panay ang pagpupumiglas niya sa dalawang baklang pilit pinapasuot sa kanya ang isang kulay nude na heels.

"Miss Jane, sige na po--"

Hinawi ni Jane ang kamay ng isang bakla. "Aba! Aba! Sumusobra na yata kayo. Pumayag na nga akong magsuot ng malaswang bestidang ito... tapos ano! Pati ba naman ang letseng takong na 'yan ay susuotin ko!"

Napabuntong hininga na lamang ako sa aking kaibigan.

Sa huli walang nagawa si Jane kundi suotin ang takong pinakakaayaw niya. Napailing na lamang ako at tumawa sa kanya.

Greyzelle Jane Reyes, my bestfriend since diapers, was wearing a sweetheart top nude dress that exposing her hour glass curves. Her brown hair was tied into a french twist at light make-up lang din ang nilagay na kalurete sa kanya, tulad ko.

Matapos kaming ayusan ng mga baklang napag-utusan ni Mommy, sinabihan kami ni Jude na kakausapin daw kami ni Mom.

It was already 5:00 pm, one hour before the party, nang pumunta kami sa receiving area ng buong apartment para kausapin si Mommy. I was confused at first. Bakit dito kami mag-uusap kung pwede namang doon na na lang sa unit namin ni Jane? At mas lalo pa akong nagtataka kung saan kumuha ng budget si Mom para makapag-ayos kami ng ganito ni Jane?

We aren't that rich. Simple lamang ang pamumuhay namin noon sa Batanes kahit pa OFW si Mom. But tonight, it was strange.

Habang unti-unti kaming papalapit sa receiving area ay siya namang pag-usbong ng kaba sa aking dibdib.

Ibinubuntong hininga ko na lamang ito.

"Mommy..."

Nakaupo sa isang couch malapit sa bintana si Mommy. Kumunot ang noo ko nang makita ang bihis na bihis na si Mommy at ang isang maleta sa kanyang tabi.

"Aalis kayo, Tita Kassy?" Tanong ni Jane. Tulad ko rin ay nagtataka sa mga nangyayari.

Tipid na ngumiti sa amin si Mom. Bumaling siya kay Jane. "I'm so grateful that my daughter had a friend like you, Jane..." Ani Mom. "Having a great friend is so hard to find in this world full of two faces."

When Destiny's Failed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon