Chapter 1

436 14 0
                                    

"Sweetie, wake up baby."

Naramdaman ko yung mahinang pag himas sa buhok.

Hinawakan ko yung kamay at niyakap ito.

Narinig ko yung malambing na pag tawa nya. "Sweetie gising na papasok ka pa sa school."

"5 more minutes please" mahina kong sabi

"5 minutes pero mamaya tuloy tuloy na. Gumising kana bago pa kita sipain dyan sa kama mo."

Mabilis akong bumangon ng marinig ko yung boses nya

"Papa naman." Sabi ko sakanya

Tinignan ko yung mama ko na nasa tabi ko na natawa

"Pa wag ka namang ganyan sa anak mo." Sabi nya habang natawa

Bumaba na kaming lahat sa sala para kumain ng almusal

"Anak bilisan mong kumain dahil malalate kana." Sabi sakin ni papa

Mabilis akong napatingin sa relo ko, 10 minutes bago mag pasukan.

Nag babye na ako kila mama at papa bago lumabas ng bahay para pumunta sa school.

Since late na ako hindi kona naabutan yung bus, isang oras pa bago ulit dumating yung isa kaya no choice ako kundi ang mag lakad.

Medyo nakakatakot kasi kailangan kong dumaan sa lugar kung saan tahimik ang paligid at puro puno.

Hinigpitan ko yung pagkakahawak ko sa bag ko ng biglang lumamig yung paligid.

Lagi namang malamig dito pero bakit parang iba yata yung pakiramdam ko ngayon?

Bigla naman akong nakaramdam ng presensya ng tao sa likod ko, takot man pero lumingon padin ako.

May nakita akong babae na naka sandal sa pader. Naka itim na dress sya.

Creepy....

Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng hindi ko pag-alis sa kinatatayuan ko.

Lalapitan ko na sana sya ng biglang....

*kringggg.....kringgg*

Shit.

Mabilis akong tumakbo sa school ng biglang tumunog yung bell. Late nanaman ako.

Dali dali akong pumasok sa classroom umaasa na hindi galit sakin yung teacher namin pero...

"Miss Sullivan, you're late..again."

"Im so sorry for being late." Sabi ko at yumuko bago umupo sa upuan ko.

Mabilis na natapos ang klase at sabay kami ng kaibigan ko na si Isabelle lumabas ng school.

Saktong pag dating namin sa gate muli ko nanamang nakita yung babae, this time kitang kita kona yung muka nya.

Ngayon ko lang napansin na medyo matanda na pala sya, not literally old pero mga nasa mid 30s.

"Hey Isabelle" sabi ko sa kaibigan ko

"Hmm?"

"Kilala mo ba yung babaeng yon?"

"Huh? Saan?"

Tinuro ko kung nasaan yung babae. "Doon oh"

"Ha? Meron ba? Wala namang babae ah? Gurl ang creepy mo ah."

Kumunot yung noo ko sa sinabi ni Isabelle. Meron talagang babae na nakatayo sa gilid ng puno, kitang kita ko sya na nakatingin sa banda namin.

Ako lang ba ang nakakakita sakanya? This is so confusing.




Naka uwi na ako sa bahay at sabay sabay kaming nag dinner nila papa at mama.

"So sweetie, how's your day?" Nakangiting pagtatanong sakin ni mama.

"Okay lang, pero may kakaibang nangyari kanina."

Tumigil naman sa pagkain si papa at tumingin sakin. "Ano yun?"

"Meron kasing babae na sumusunod sakin kanina pag pasok ko sa school, even nung bago ako makalabas ng school nakita ko sya."

"Really? Anong itsura nya?" Nagaalalang pagtatanong sakin ni mama

"Naka itim na dress sya, the weird thing is hindi sya nakikita ni Isabelle."

Sabay na nagkatinginan si mama at si papa sa sinabi ko.

Bakit kaya ganun? Sino ba yung babae yun?

Weird....

FAVEN: The 7th Mythical OneDove le storie prendono vita. Scoprilo ora