Chapter 8

93 5 0
                                    

Shreya's POV

Nasa loob na kami ng clinic at kasalukuyang ginagamot ni Ethan yung sugat ko sa braso.

Medyo naiilang pa ako kasi biglaan syang bumait. Nakalimutan nya ata yung mga masasakit nyang sinasabi sakin kanina.

"Ahh."

Napatigil sya sa paglagay ng gamot dahil sa biglaang pag-aray ko.

Saglit kaming nagkatinginan kaya mabilis akong umiwas ng tingin.

Nang matapos na nyang gamutin yung sugat ko sa braso bigla syang tumayo.

"Nasaan yung isa?"

"Anong isa?"

"Dalawang beses kitang nasugatan diba, nasan na yung isa?"

"Ah......."

Sabihin koba? Nasa hita ko yung isang sugat na ginawa nya?

"Sa.....sa-sa hita......"

Nagulat ako ng bigla syang lumuhod sa harap ko. Dahan dahan nyang inangat yung jogging pants ko hanggang sa hita ko kung saan kita nya na yung sugat ko.

Sinimulan nya ng lagyan ng gamot yung sugat ko sa hita.

May mga pagkakataon na hinihipan nya yung sugat ko dahilan para mamula yung pisngi ko.

Ang awkward naman kasi ng posisyon namin. Kung saktong may tatayo sa harap ko, baka pagkamalan nyang.......

Nakahinga ako ng maluwag ng matapos nya nang gamutin yung sugat ko.

"Bakit kaba nasa labas?" Pagtatanong nya sakin.

"Gusto ko sanang hanapin si Oma."

Binalik nya muna sa lalagyan yung mga ginamit nya sa pag gamot ng sugat ko bago nag salita.

"Sige na, lumabas kana."

Ah?

Lumabas ako ng clinic ng may pagtataka sa muka. So ano yon?

Pagkatapos nya akong sugatan at pagsalitaan ng masasakit na salita bigla syang naging mabait at pinag tanggol ako sa mga babae? Tapos kusa nya pang ginamot yung sugat ko. Tapos ngayon ano bigla nya akong papalabasin na parang walang nangyari?

Ang gulo nya.

Naglakad lakad ulit ako sa loob ng palasyo. Naisip ko yung sinabi nung Natalia, wala daw nakaka alam kung nasaan si Oma?

Kaya ba hindi sakin masabi ni Lacey kung nasaan si Oma?

Napadpad ako sa likod na bahagi ng palasyo. Garden ito at sobrang lawak.

Nanlaki naman ang mata ko ng makita ko kung sino yung nasa tabi ng puno.

"Oma!"

Mabilis akong tumakbo papunta sa kay Oma.

"Ohh Shreya, nahanap mo ako." Nakangiti nyang pagbati sakin.

"Oma kanina pa kita hinahanap." Nakakunot kong sabi sakanya.

"I know." Ngumiti sya sakin bago umupo.

"So, anong gusto mong itanong sakin?"

"Oma bakit sabi nung babae na walang nakaka alam kung nasaan ka?"

Tumawa naman si Oma dahil sa tanong ko.

"Because it's your will na magdadala sakin. Hindi ako nahahanap ng iba dahil hindi sinasabi ng puso nila na kailangan nila akong makita. Ang puso mo ang magdadala sayo sakin. If you really want to see me, then find it on your own."

Medyo hindi ko naintindihan yung sinabi ni Oma pero hindi na ako nagtanong pa tungkol don.

"May gusto ka pabang sabihin?"

"Oma.....5th mark ka din ba katulad ni Elphina?"

Muling tumawa si Oma.

"I dont have any mark sweetie."

Napa isip naman ako sa sinabi ni Oma. Ang alam ko na sabi sakin ni Lacey, mythical one lang ang walang mark, so ibig sabihin ba nun?.......

"Oma may isa pa akong tanong."

"Ano yun?"

"Oma, what power do you hold?"


FAVEN: The 7th Mythical Oneحيث تعيش القصص. اكتشف الآن