Chapter 16

66 2 0
                                    

Shreya's POV

Ang madilim na kwarto ay ngayo'y nababalutan ng mga makukulay na puno, halaman at mga paru-paro.

Nakakaginhawa ang kapaligiran. Napupuno ito ng makukulay at masasayang bagay.

"Magic...." bigkas ko saking sarili.

Naglakad lakad ako sa paligid, pinagmamasdan ko ang kapaligiran.

Napukaw ng aking mata ang nag-iisang bulaklak sa may gitnang parte ng silid. Kulay rosas ito at kumikinang ang bawat bahagi ng bulaklak.

Dahan dahan ko itong inabot at ikinagulat ko ng biglang nalanta ang bulaklak. Unti unting nabubulok ang lahat ng mga halaman.

Napaatras ako dahil sa nasaksihan ko. Bigla namang yumanig ang lupa kaya mabilis akong tumakbo.

"Tulong!" Malakas kong sigaw.

Patuloy lang akong tumakbo habang hinahabol ako ng nabibiyak na lupa.

"Tulungan nyo ako!" Muli kong sigaw.

Shit! Ano ba to?!

Paliko liko ako sa kung saan saan para hindi ako maabutan ng pagkabiyak ng lupa.

Naalala ko yung pintuan kung saan ako pumasok. Pilit ko itong hinanap habang patuloy na tumatakbo pero hindi ko parin ito makita.

"Agnes!! Tulong!!"

"Ahh!" Agad akong napahinto sa pag takbo ng may punong bumagsak sa harapan ko.

Napatingin ako sa likod ko at malapit na saakin ang nasisirang lupa.

Buong lakas kong tinalunan yung malaking puno at muling tumakbo. Saglit akong napalingon sa likod at nakita ko kung paano kainin ng lupa yung malaking puno.

"Arghh!"

Agad akong napabagsak sa lupa ng bigla akong natapilok. Malakas kong binato yung sanga na humarang sa paa ko.

"Bwiset na sanga naman oh!"

Muli akong tumayo at kahit paika-ika ay pilit padin akong tumatakbo hanggang sa tuluyan na nga akong naabutan ng pagkasira ng lupa.

"Ahhh!!!!"

Buong pwersa kong inabot yung malaking sanga para hatakin ako pataas pero bigla din itong naputol at tuluyan na akong nahulog.

Patuloy lang akong nahuhulog at nakikita ko sa paligid ko ang mga punong nakain din ng lupa.

Madilim ang kapaligiran at puro nahuhulog na bagay lamang ang nakikita ko.

Isang malakas ang pwersang humila sakin pababa at naramdaman ko na lamang ang katawan kong bumagsak sa tubig.

Kung minamalas nga naman oh. HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY!

"TULONHAJABAKABA!"

Pilit kong inaaahon ang sarili ko para makita kung nasaan akong bahagi ng Pluganem o kung nasa Pluganem paba ako.

Onti onti ay nakaya kong makaahon at biglang nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Napakadaming malalaking ibon ang lumilipad ngayon sa harapan ko.

Muli akong lumubog sa tubig ng may biglang lumapit sa ibon sa gawi ko.

Sa muli kong pag-ahon may nakita na akong isla sa may gilid ko. Pilit ko itong nilangoy kahit na nagmumuka akong palaka sa sitwasyon ko.

Nang makaahon na ako sa isla ay agad akong napasapok sa ulo ko. Ano bang nangyayari sakin? Bakit ako nandito? Alam kaya nila Agnes na kinain na ako ng lupa at napunta ako dito?

Napatigil ako sa pag-iisip ng bigla akong nakarinig ng ungol sa may kakahuyan. Ngayon ko lang napansin na puro matataas na puno pala ang isla na ito.

Sa di kalayuan ay may mga pula akong mata na nakikita, mayroon ding mga puti. Teka mga lobo?

Tumama ang hula ko ng may biglang tumalon papunta sakin na lobo.

"Ah!"

Napasigaw ako ng dumapo sakin ang matulis nyang kuko. Ramdam ko ang pag tulo ng dugo ko mula saaking braso.

Tuloy tuloy na lumabas ang mga lobo mula sa kakahuyan.

Dahan dahan akong tumayo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tatalon ba ako sa tubig para hindi ako mahabol ng mga lobo, o hahayaan ko ang sarili ko na magpahabol sa mga lobo kesa sa malunod sa dagat.

Pero wala ni isa sa mga binggat ko ang ginawa ko, bagkus muli akong umupo at binaon ang ulo ko sa tuhod ko at malakas na sumigaw bago ko narinig ang malalakas na ungol ng mga lobo kasabay nadin ng malakas na agos ng tubig sa dagat.

Pinikit ko ang mga mata ko at muling sumigaw.

"ETHAN!!!!"

*clap*clap*clap*

Napakunot ang noo ko ng bigla akong nakarinig ng palakpak. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko at bumungad saakin ang isang lalaking napalakpak.

Tinignan ko ang kapaligiran ko at wala na ako sa isla, nasa isang silid na ako ngayon. Tinignan ko din ang braso ko at wala itong sugat, hindi din basa ang katawan ko kahit na lumusong ako sa dagat kanina.

Nagtataka kong tinignan ang lalaki na ngayon ay nakangiti.

"Nasan ako?!" Malakas kong sigaw sakanya.

"Nasa magic hall." Walang ekspreson nyang sabi.

Mabilis akong tumayo at galit na tumingin sakanya. "Ganyan din ang sinabi ng kaibigan ko kanina at nakapasok na ako sa magic hall at hindi ganito ang itsura non! Ngayon sabihin mo nasan ako?!"

Muling ngumiti yung lalaki at dahan dahang lumakad papalayo sakin.

"Huwag mo akong talikuran kinakausap pa kita!" Para akong isang nanay na pinapagalitan ang kanyang anak.

"Tulad ng sabi ko kanina, nasa magic hall ka."

Mas lalo akong nainis sakanya kaya tinanggal ko yung suot kong sapatos at malakas na binato sakanya na agad din naman nyang naiwasan.

"Huwag mo akong lokohin!" Muli kong sigaw.

"Hindi kita niloloko."

Mabilis akong lumingon at laking gulat ko ng nasa likod ko na sya. Teka kanina lang nasa harap ko sya tapos ngayon nasa likod ko na?

"Arghhh!"

Muli ko syang binato ng natitira kong suot na sapatos at muli nya itong naiwasan.

Hinihingal akong umupo at umiyak.

Lumapit naman sya saakin at lumuhod sa harap ko. "Dont cry, I wont hurt you. I will just make you suffer, really really bad."


FAVEN: The 7th Mythical OneWhere stories live. Discover now