Chapter 10

95 5 0
                                    

Shreya's POV

"Matagal na itong problema ng Pluganem. Noon paman nangyayari na ito simula nung huling umatake ang mga taga Arriamel." Bumuntong hininga si Elphina bago muling tumingin saamin.

"Muling kumakalat ang epidemiya na iniwan ng mga Carphatia." Malungkot na sabi ni Elphina.

"Diba nalutas na ito noon?" Naka kunot noong sabi ni Agnes.

"Oo nalutas na ito, pero hindi ko alam kung bakit biglang bumalik."

"Anong kailangan naming gawin?" Seryosong sabi ni Alex.

"Kailangan nyong pumunta sa Cinnajan, hanapin nyo ang mga Carphatia at humingi ng pang lunas."

"Paano? Kalaban natin ang mga Carphatia." Hindi makapaniwalang sabi ni Lacey.

Hindi ko man alam ang nangyari pero ngayon palang nakakaramdam na ako ng takot. Ano yung epidemiya na iniwan ng mga Carphatia? At ano yung Carphatia?

"Vigilantes may tiwala ako sainyo, kayo lang ang maaasahan ko sa pag kakataong ito." Malungkot na sabi ni Elphina.

"Wag kayong mag alala, mag papadala ako ng ilan sa mga 2nd markers para may makasama din kayong iba. Mapanganib ang misyon na ito, sana magawa nyo."

Lumapit sakin si Elphina at hinawakan ang aking mga kamay. "Shreya, gusto mo ba silang samahan?"

"Hindi!" Sigaw ni Lacey. "Masyado itong mapanganib hindi nya pa kaya."

Halata sa muka ni Lacey ang pag aalala sakin, nginitian ko si Lacey bago muling humarap kay Elphina.

"Sasama ako sa kanila."

Tumango saakin si Elphina bago muling humarap sa lahat.

"Bukas ng umaga ang inyong pag-alis. Paumanhin kung biglaan pero kailangan mauna kayo bago pa tuluyang kumalat ang epidemiya sa buong Pluganem."

Habang naglalakad kami pabalik ng bahay biglang nag salita si Boman.

"Itratrain ka namin Shreya." Nakangiti nyang sabi sakin.

"Salamat."

Nandito na kami ngayong lima sa loob ng training room. Nag-aayos sila ng mga armas na kakailangin ko at para nadin bukas.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon gagamitin namin ang aming kapangyarihan kaya gagamit din kami ng mga sandata." Sabi ni Alex bago ako binigyan ng espada. "Pero in your case, sandata lang muna ang magagamit mo sa pakikipag laban."

"Sorry Shreya kung hindi pa namin maikwento sayo kung ano ang nangyari, mas maganda kung mag focus muna tayo sa pag training." Sabi naman sakin ni Lacey.

Tinignan ko ang espadang hawak ko, tandang tanda ko padin kung paano ito pilit na ipina gamit sakin ni Ethan.

"Marunong ka ba nyan?" Pagtatanong sakin ni Alex.

Mahina naman akong tumawa. "Medyo natutunan ko na."

"Huwag kang mag alala, magaling yan si Alex sa paggamit ng espada." Nakangiting sabi ni Boman.

"Kung gusto mo mag pana ka nalang?" Bigla namang lumapit sakin si Agnes habang may hawak hawak na pana.

"Hindi na, okay na ako dito." Sabi ko at nginitian sya.

"Okay, lets start?" Sabi sakin ni Alex at nginitian ko naman sya bago tumango.


















Mga ilang oras din ang inabot namin ni Alex sa pagtuturo nya sakin sa paggamit ng espada. Ngayon masasabi ko na medyo kaya ko na.

"Okay ka lang?" Natatawang tanong sakin ni Alex.

"Oo." Natatawa ko namang sagot sakanya.

Napa upo ako sa sahig dahil sa sobrang pagod. Grabe, umaapaw na yung pawis ko.

"Wow, astig non ah." Sigaw ni Boman.

"Professional yung teacher ko eh hahaha." Sigaw ko pabalik.

Mas madali kong natutunan kung pano gumamit ng espada dahil kay Alex, compared kay Ethan na sobrang bossy.

"Isa pa?" Panghahamon saakin ni Alex.

"Game."

Muli kaming nag batuhan ni Alex ng mga tira. Gamit ang mga natutunan ko sakanya, ginagawa ko iyon para maka ilag sa hawak nyang espada.

"Shreya!" Sigaw ni Alex habang nakikipag laban.

"Mag iiba ako ng paggamit ng espada."

"Ha?---ahh!"

Mabilis kong nabitawan ang espadang hawak ko.

Hindi naman ako nasugatan dahil sa espada ko sya natira.

"This time, skill level ko na ang gagamitin ko."

Huminga muna ako ng malalim bago kami ulit muling nag simula.

Pagkatapos ang dalawang oras, natapos na kami sa pag train kaya bumalik na kami sa bahay.

"Sigurado kabang gusto mong sumama?" Nag aalalang tanong sakin ni Lacey.

"Lacey, okay lang ako." Sabi ko sakanya at nginitian sya.

"Paalala ko lang Shreya, delikadong lugar yung pupuntahan natin." Sabi ni Agnes.

Tumango naman ako sakanya bago pumunta sa kwarto ko.

Nagsimula na akong mag impake ng mga gamit ko para bukas. Sabi nila Alex mahaba haba daw ang lalakbayin namin kaya dapat kumpleto kami sa gamit.

Natapos na akong mag lagay ng mga gamit sa bag ko kaya humiga na ako sa kama ko.

Inaamin ko natatakot ako para sa mangyayari bukas, pero mas magmumuka akong mahina kapag hindi ko nilabanan yung takot ko.

Pinikit ko ang mga mata ko para subukang matulog pero sadyang hindi pa talaga ako maka tulog.

Tinignan ko ang orasan. 2:30 na pala ng madaling araw. 5am ang kitaan namin sa gate para mamaya.

Dahil sa hindi ako maka tulog naisipan kong lumabas ng kwarto.

Bigla naman akong may naaninag na tao sa may veranda. Nanlaki ang mata ko ng malaman ko kung sino yun.

"Ethan?" Mahina kong bigkas.

Nilapitan ko sya at dahan dahang tumabi sakanya.

Nakatingin sya sa malayo, ni hindi nya din ata napansin na nasa tabi nya na ako.

"Bakit ka pa sasama?"

Napatalon naman ako sa gulat dahil sa biglaan nyang pagsasalita.

"Gusto kong tumulong." Sagot ko sakanya.

Bigla syang tumingin sakin na ikina gulat ko. Halata sa mga mata nya ang pagka galit.

"Alam mo bang delikado don? Bakit ba ang tigas ng ulo mo at naisipan mo pang sumama?"

"Gusto ko lang naman makatulong--"

"Mapapahamak ka lang doon hindi mo ba naisip yon?"

"Ano bang problema mo at ganyan ka kung maka pag salita sakin?" Tanong ko sakanya.

"Sinasabi ko lang ang totoo." Sabi nya at lumapit ng isang hakbang sakin. "Sige kung gusto mo talagang mamatay, edi sumama ka."

Yun ang huli nyang sinasabi bago ako iniwang mag isa sa veranda.

"Ganun naba kalaki ang galit nya sakin? Ano bang nagawa ko sakanya?" Sabi ko sa sarili ko.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago bumalik sa kwarto ko.

Sa gusto man nya o hindi, sasama padin ako.





FAVEN: The 7th Mythical OneUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum