Chapter 13

73 5 0
                                    


Shreya's POV


"Shreya!"


Hingal na hingal na ako sa kakatakbo. Umaapaw na ang pawis sa buong katawan ko.


Nararamdaman ko na ang pamamanhid ng binti ko.


Hindi kona kaya...


"Shreya bilisan mo!"


Muli kong narinig ang sigaw saaking likuran.


Muli akong napatakbo ng marinig ko muli ang pag sabog.


Saan ba ako pupunta? Saan ako magtatago?


Napasalubsob ako sa lupa ng biglang may sumabog na napaka lakas dahilan para yumanig ang lupa.


"Ahh"


Ramdam kong nagdurugo ang binti ko dahil sa may tumusok na kahoy.


Tinignan ko ang aking likuran kung nandoon paba sila Lacey.


Pero wala sila.....


Pinilit kong maka tayo at isinigaw ang mga pangalan nila.


"Lacey! Agnes! Nasan kayo?!"


Paano nga ba nagsimula ito? Basta ang natatandaan ko lang pag kagising ko ay puro pagsabog na agad ang naririnig ko.


Nilapitan ako ni Lacey na nahabol daw kami ng mga Arriamel.


Tapos ngayon nandito na ako sa sitwasyon kong to.


Tumatakbo, at hindi lumalaban.


"Lacey! Agnes! Nasaan kayo?!" Muli kong sigaw.


Nakarinig ako ng kaluskos sa likod ng puno dahilan para mapatigil ako.


Hinawakan ko ng mahigpit ang hawak kong espada, naghahanda para sa pag atake.


Mas lalong lumakas yung kaluskos sa pag lapit ko.


May naaninag akong tao na naka suot ng itim.


"Shreya!"


Mabilis akong umatras ng marinig ko ang pag sigaw ni Lacey.


"Lacey! Anong nangyari sayo?"


Punong-puno ng dugo ang katawan ni Lacey at puro galos din sya.


Hinabol nya muna ang kanyang hininga bago ako sagutin.


"Naiwan ko sila Agnes, hindi kona makita sila Ethan." Kasabay noon ay ang pag bagsak ni Lacey sa lupa.


Inalalayan ko si Lacey na maka sandal sa may puno para sya ay makapag pahinga.


Tinignan ko ang parte kung saan nanggaling si Lacey. Nababalutan ito ng apoy at usok.


Tumayo ako pero bigla akong pinigilan ni Lacey.


"Shreya masyadong delikado doon."


"Pero kailangan nating malaman kung ano ang lagay nila."


Dahan dahang tumayo si Lacey. "Ako na ang pupunta."


"Pero Lacey hindi maganda ang kalagayan mo."


"Mas lalong hindi maganda kapag ikaw pa ang pumunta doon. Dito ka nalang muna at hintayin mo akong makabalik." Hinawakan ni Lacey ang dalawa kong kamay bago muling bumalik para hanapin sila Agnes.


FAVEN: The 7th Mythical OneWhere stories live. Discover now