Chapter 15

73 6 0
                                    

Shreya's POV

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nung ginawa namin yung mission.

Hanggang ngayon hindi ko padin alam kung sino at kung ano ako. Naiinis na ako sa sarili ko. Kahit anong pag eensayo ko, wala din namang nangyayari.

"Nawawalan ka naba ng pag-asa?"

Malungkot kong tinignan si Lacey bago bumuntong hininga.

"Ewan ko..."

Bumukas ang pinto at pumasok dito si Agnes na may dalang bow at arrow.

"Maybe dito magiging kampante ka gamitin." Nakangiti nyang sabi.

Nahihirapan na kasi ako sa paggamit ng espada. Magaling naman mag turo si Alex sadyang ako lang talaga yung may problema.

Binigay sakin ni Agnes yung pana at pinuwesto ko ang sarili ko sa pag tira.

Huminga muna ako ng malalim bago ko tinutukan yung target.

"Yown!" Bigla namang napasigaw si Boman. "Unang tira palang wasak na agad." Sarkastiko nitong sabi.

"Magtigil ka nga, hayaan mo syang mag ensayo." Pag-awat ni Agnes kay Boman.

Patuloy lang ako sa pag-eensayo hanggang sa naisipan nila na dalin ako sa labas kung saan pwede akong tumakbo sa damuhan at tirahin ang mga lumilipad na target.

Nakakailang beses akong natutumba at panay din ang subsob ko sa lupa.

Puro sugat nadin yung braso at hita ko dahil sa ilang beses din akong nagagasgas sa puno at mga bato.

"Okay that's enough!" Sigaw ni Lacey.

"Hindi Lacey okay lang ako, gusto ko pang---"

"You dont have to push yourself."

Hindi kona natuloy ang sinasabi ko dahil sa biglang pag singit ni Ethan.

Tumayo sya sa pagkaka-upo at seryosong tinignan sila Agnes.

"You know she cant survive with that kind of body, so weak and vulnerable." Agad din syang umalis pagkatapos nyang sabihin yun.

Dahan-dahan akong lumapit kila Lacey at binigay yung pana.

"Ah sige, sa susunod nalang ulit." Nakangiti kong sambit sa kanila.

"Masanay ka na." Sabi sakin ni Lacey at nginitian ko naman sya.

**************


2 na ng madaling araw pero hindi padin ako makatulog. Paulit-ulit na umiikot sa utak ko yung sinabi ni Ethan.

"Ganun naba ako kahina...." bulong ko sa sarili ko.

Tumayo ako sa pagkakahiga at kinuha yung jacket ko bago lumabas ng kwarto.


Dahan-dahan akong lumabas sa bahay namin at nag punta sa training room.

Binuksan ko yung ilaw kaya nabalot ng liwanag ang madilim na kwarto.

Naglakad ako papunta sa lamesa kung saan nakalagay ang mga kagamitan pang laban.

Hinawakan ko yung pana na ginamit ko kanina at tinignan ito.

"Hanggang dito nalang ba ang kaya ko?"

"You can do better."

Agad akong napalingon sa likod ko ng may marinig akong mag salita.

"Oma!" Masigla kong bati. Lumapit ako sakanya at nginitian sya.

"Hi sweetie. Something telling me na may taong nangangailangan ng tulong ko dito, at tama nga ako." Nakangiti nyang sabi.

"Oma naman, nahihirapan lang ako."

Lumapit si Oma sa may bintana at tumingin sa kalangitan.

"Alam mo ba, sinasabi nila na wala raw akong kinakatakutan, pero nagkakamali sila. Because there is something that I am afraid of."

"Ano yun?"

"Kapag dumating na yung panahon na mapagod ka at piliin na huwag ipaglaban ang Pluganem." Seryosong tumingin sakin si Oma at hinawakan ang kamay ko. "That is my greatest fear."

"Natatakot din ako Oma..."

Bigla ko nalang naramdaman ang mainit na likido sa pisngi ko.

"You, the chosen one, the mythical one of all the mythical ones. Faven is your name. Dont be afraid to shine, because Faven is the brightness star among all the stars."

Muling tumingin si Oma sa binatana. "Nakikita mo ba ang mga bituwin na yan? Nawawala na yung isa dyan." Muli syang tumingin sakin. "Because you're here."

Matamis na ngiti ang binigay sakin ni Oma bago ako sinabihan na bumalik na sa bahay.


***************

"Elphina said pumunta tayo sa Magic hall." Sabi sakin ni Agnes habang hatak hatak ako.

"Bakit daw?"

"Who knows."

Tumigil kami sa tapat ng malaking pinto. Bumukas ito at bumungad saamin ang kadiliman.

"We're here." Nakangiting sabi sakin ni Agnes. "Go inside."

Tinaasan ko sya ng kilay at pinanlakihan ng mata. "Wait how do you expect me to go inside eh napaka dilim sa--"

"Just go!"

Isang mabigat na buntong hininga ang binigay ko sakanya bago pinikit ang mga mata ko at pumasok sa loob.

Rinig ko ang pagsara ng pinto kaya dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.

Agad akong napanganga dahil sa nakita ko.

"Welcome to the wonderland."

FAVEN: The 7th Mythical OneWhere stories live. Discover now