Chapter 2

219 11 0
                                    

"Sweetie, be careful okay? Call me kapag nakita mo ulit yung babaeng sumusunod sayo." Nag aalalang sabi sakin ni mama

"Opo ma."

Lumabas na ako ng bahay at tinignan ang paligid. Pumunta ako sa waiting shed at hinintay na dumating yung bus.

5 mins pa bago dumating yung bus.

Mag-isa lang ako sa waiting shed kaya medyo kinakabahan ako.

Ewan ko ba, may something sa babae na nagpapakaba sakin.

Yung feeling na parang familiar, she seems so important para sakin but at the same time shes creeping me out.

Sakto naman na dumating na yung bus kaya sumakay na ako.

Tumingin ako sa labas ng bintana na ikina laki ng mata ko.

Nakita ko ulit sya, yung babae.....

Naka itim na dress padin sya, bakit ba niya ako sinusundan?

Nakarating na ako sa school at ginawa na ang daily routine ko sa school.

After school muli kaming sabay ni Isabelle sa paglabas ng school.

Habang naglalakad muli ko nanamang nakita yung babae. Nagkatinginan kaming parehas.

Bigla syang naglakad palayo, gusto kona talaga malaman kung sino sya.

"Isabelle mauna kana, may pupuntahan lang ako" mabilis kong sabi bago sinundan yung babae.

Nakarating ako sa likod ng school pero wala yung babae. Tumingin tingin ako sa paligid na nagbabasakaling makita yung babae.

"Nasan naba yun--"

"Miss Mavis"

Mabilis akong natingin sa likod ko, nandun yung babae.

"Mavis?" Pagtatanong ko, ako ba yung sinasabi nyang Mavis?

Nginitian ako ng babae bago dahan dahang lumapit sakin dahilan para mapa atras ako.

"Who are you? And why are you following me?!" Sigaw ko sakanya.

Tumigil sya sa paglapit sakin at dahan dahang pumikit.

Napansin kong may sinasabi sya pero sobrang hina nito kaya hindi ko naririnig.

"Please, gusto ko lang malaman kung sino ka" muli kong sambit.

"The chosen one..."

Pagkasabi nya nun biglang nagdilim ang aking paningin.














"The light has come to save us"


"Save us please!"


"Save my daughter please im begging you!" 


Dugo........


Punong-puno ng dugo ang paligid......bakit.....


"Papa! Nasaan ang papa ko?! Pa!!"


"Iligtas mo kami Faven!"


Ano to?.....bakit nangyari to?......nasan ako?.....


"Faven save us!"


"Faven!!"


"FAVEN!!"


"Shreya!!!!"








"Ahh!"

"Shreya!"

Mabilis akong napabangon sa pagkakahiga habang habol habol ang hininga ko.

Mabilis kong niyakap si mama habang umiiyak.

"Shreya anak" mahinang sabi ni mama habang hinihimas ang buhok ko.

Hindi ko alam kung pano ako napunta dito, all i need is my mother's comfort.

Takot na takot ako, bakit ganun ang nasa panaginip ko?

"Anak.." hinawakan ni mama ang muka ko at hinalikan ako sa noo.

"Huwag kang matakot anak, nandito lang ako."

"Mama....."

Onti onti kong nararamdaman ang antok, umiikot ang aking paningin. Tanging mama ko lamang ang maliwanag kong nakikita.

"Mama...."

"Matulog kana anak......"


"Matulog kana...."


FAVEN: The 7th Mythical OneWhere stories live. Discover now