Chapter 19

65 4 0
                                    

Shreya's POV

Argh!

Mabilis akong yumuko ng pinaulanan nila ako ng bato.  Ni hindi ko man lang magamit yung bow and arrow ko dahil sa panay takbo lang ako.

"Ahh!" Agad akong napasubsob sa lupa ng biglang may pumulupot na baging sa paa ko at hinatak ako.

Humurap ako sa mga kalaban at bumungad saakin ang lalaking nanlilisik ang mata habang nagpapalabas ng baging sa kanyang kamay at pinupulupot saking katawan.

Shit. Pilit akong tumayo at hinanda ang bow and arrow ko pero may biglang lubid na kumuha sa bow and arrow na hawak ko.

Sunod sunod na ang pumupulupot na baging saking katawan kaya nahihirapan nadin akong makahinga.

Nakarinig ako ng tawa mula sa madilim na parte ng gubat.

"You look so hopeless." Natatawa nitong sabi.

"Pakawalan nyo ako dito!" Malakas kong sigaw.

"Too bad we cant." Sagot nito.

"Show yourself you coward!"

Agad akong nagkaroon ng hiwa sa may leeg ko dahilan para dumugo ito. Sunod akong nagkaroon ng hiwa sa may bandang likod ko.

"Argh!"

"Matapang ka, I admire your bravery kahit na malapit ka ng mamatay."

Mas lalong humigpit ang kapit saakin ng baging at natatamaan nito ang mga sugat ko kaya mas lalo itong dumudugo.

"Stop. Spare her life, baka makatulong pa sya sa gagawin nating experiment." Lumabas ang lalaki mula sa madilim na bahagi ng gubat.

Teka, sya ba yung kaninang nagsasalita? Pero hindi pwede.... balak akong patayin nung kanina pero sya hindi.

Dahan dahang lumapit sakin ang lalaki. Buong pwersa nyang hinablot ang buhok ko bago ako tignan sa mata.

Biglang nag anyong kulay pula ang kanyang mga mata na syang ikinagulat ko. May parang kung anong humahatak saakin papasok sa kanyang mata.

Muling bumalik sa dating kulay ang kanyang mata at tinignan ako ng may pagtataka.

"Its impossible." Mahinang banggit nito.

"What--"

Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko at biglang nandilim na ang paningin ko.


*************

Nagising ako dahil sa tunog ng kadena na binabalibag. Pag mulat ng mga mata ko ay natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakatali at nakakulong sa isang maliit na kulungan.

"Ahhh!!!!" Malakas kong sigaw.

Walang sumagot bagkus ay namayani lamang ang katahimikan.

Nakakapagtaka, ni wala man lang akong takot na nararamdaman. Alam ko na sa oras na ito ay maaring kunin nila ang buhay ko.

Napaka yuko ako ng maisip ko si Ethan. Nasan na kaya sya?

Muli akong nakarinig ng kalampog ng kadena at pagbukas ng gate na gawa sa bakal.

Mula sa pintuan ng aking kulungan ay lumitaw ang isang lalaki na ikina laki ng mata ko.

"Ikaw...."

Isang ngiti lamang ang binigay nya saakin. Hindi ako pwedeng magkamali, sya yung lalaki na pumatay kay Francis!

FAVEN: The 7th Mythical OneTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang