Chapter 11

90 6 0
                                    

Shreya's POV

Pagpatak ng 4 ng madaling araw, lahat kami ay sabay sabay na gumising at ginawa ang mga dapat naming gawin.

"I wonder kung sino yung ipapasama satin ni Elphina." Sabi ni Agnes habang nakain.

"Whoever it is, sana hindi sya takot na mamatay."

Bigla namang binato ng unan ni Alex si Boman dahil dun sa sinabi nya.

"Wag ka ngang mag salita ng ganyan, nandito si Shreya." Galit na sabi ni Alex.

Natawa naman ako dahil sa sinabi ni Alex.

"Guys, okay lang ako." Sabi ko sa kanila at ngumiti.

Bigla naman bumukas yung pintuan at pumasok dito si Ethan.

I still remember kung ano yung sinasabi nya sakin kanina. Siguro mas mabuti nga na hindi na muna kami mag-usap.

"Elphina is wating for us, lets go." Sabi nya samin bago sya muling lumabas.

"Good luck Vigilantes." Sigaw ni Lacey bago kami lumabas lahat.

Nakarating na kami sa may gate at bumungad saamin ang dalawang itim na kotse.

"Good morning Vigilantes." Bungad na pag bati saamin ni Elphina.

"So, nasaan na yung makakasama namin?" Tanong ni Boman.

Sakto naman yung pag tanong ni Boman dahil biglang may dumating na apat.

Nanlaki naman ang mata ko ng makita ko kung sino yung isa, si Natalia.

"Oh well, here they are. Well of course they're 2nd markers." Sabi ni Elphina.

"So Vigilantes, I would like you to meet Erika, Natalia, Francis and Patrick."

Tinignan ko ang reaksyon ng mga kasama ko at nakita kong nanlilisik ang tingin ni Agnes kay Natalia. Kilala kaya nila ang isat-isa?

"Para mas mapadali ang mission nyo, ipapagamit ko sainyo itong dalawang sasakyan, but unfortunately hanggang Neariadin nyo lang itong pwedeng gamitin, pag dating nyo sa Neariadin iiwan nyo na ang mga kotse."

"As always." Sabi ni Agnes.

"Im giving you all my trust." Sabi samin ni Elphina

Bumuntong hininga si Elphina bago sya muling nagsalita.

"I still have another mission for you guys to accomplish, lahat kayo kailangang makabalik dito, lahat."

Halata ang pag-aalala sa muka ni Elphina.

Now I can really feel na delikado nga talaga ito.

Isa isa kaming niyakap ni Elphina bago nag paalam.

Tag-isa kami na kotse na gagamitin, isa para sa Vigilantes at isa para sa mga kasama namin.

Sakto na papasok palang ako ng kotse nakita ko na nilapitan ni Natalia si Ethan, hinawakan ni Natalia si Ethan sa braso bago nag salita.

Nilihis ko na yung tingin ko sa kanila at pumasok na lang sa loob ng kotse.

Hindi din naman nag tagal at pumasok nadin si Ethan, sya ang mag mamaneho ng sasakyan.

Naka upo sa passenger's seat si Alex samantalang kaming apat ay nasa likod.

Naunang umalis ang sinasakyan namin para kami ang susundan nila.

FAVEN: The 7th Mythical OneWhere stories live. Discover now