Chapter 9

86 7 0
                                    

Shreya's POV

"Hindi ito ang tamang panahon para malaman mo, Shreya."

Tumayo si Oma bago humarap saakin. "Mas maganda siguro kung ipalibot kita kila Agnes sa labas ng palasyo."

Niyaya ako ni Oma na bumalik sa loob ng palasyo para puntahan sila Agnes.

Nabahala ako sa sinabi ni Oma na hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ko kung ano ang kapangyarihan na meron sya.

"Oma..."

"Lets go inside."

Wala na akong nagawa kundi sundin si Oma na pumasok sa loob ng bahay.

"Oma?" Biglaang bungad ni Boman.

"Vigilantes, gusto ko sanang itour nyo si Shreya sa labas ng palasyo. Para naman hindi puro ginto ang nakikita nya."

Natawa naman ako bigla sa sinabi ni Oma.

"My pleasure, Oma." Nakangiting sabi ni Lacey.

Saktong palabas na kami ng palasyo ng bigla kaming tinawag ni Oma.

"Oh wait Vigilantes."

"Sa ngayon wala muna kayong pagsasabihan tungkol sa identity ni Shreya."

Tumango naman kaming lahat bago nag patuloy sa pag lalakad.

Naiintindihan ko naman kung bakit hindi pa pwedeng sabihin kung sino talaga ako, hindi ko pa naman din kasi kayang dalin ang pangalan na Faven.

"Dito sa labas ng palasyo malayang nakaka gamit ang mga tao ng kanilang mga kapangyarihan, pero syempre may limitasyon padin." Sabi ni Lacey.

Napangiti ako ng muli kong makita yung batang lumilipad.

Nilapitan ko ito kaya napatigil yung bata sa pag lipad.

"Hi." Nakangiti kong sabi.

"Hello po."

"Ang galing mo lumipad ah." Natatawa kong sabi.

Bigla namang napakamot sa ulo yung bata habang namumula yung pisngi.

"Hehe thank you po."

"Ano nga palang pangalan mo?"

"Fatima po."

Wow, ang ganda naman ng pangalan nya.

"Anong tawag dun sa kapangyarihan mo?"

Okay mag mumuka ba akong bago lang talaga dahil sa tanong kung yon?

"Levitation po."

"Ikaw po ate, ano pong pangalan mo?"

"Shreya."

Bigla namang lumapit sa tabi ko si Lacey habang nakangiti kay Fatima.

"At ako naman si Lacey, magka ibigan kami." Sabi nya ng nakangiti.

"Ano pong kapangyarihan mo ate Lacey?"

Bigla namang may pinalabas na maliit na ipo ipo si Lacey sa palad nya. "Air holder."

Halata naman sa bata ang pagka mangha bago tumingin sakin.

"Eh ikaw po ate Shreya, ano pong kapangyarihan mo?"


Natigilan naman ako sa tanong ni Fatima.

Kahit ako din mismo tanong ko yun saaking sarili. Ano ba kasing kapangyarihan na meron ako? Meron nga ba talaga?

"Ahh Fatima kailangan na namin umalis ni ate Shreya mo. Hayaan mo pag lumabas kami ulit pupuntahan ka namin."

Tinitigan ko lang si Lacey habang nagsasalita dahil miski sya hindi nya din alam ang kapangyarihan na meron ako.

"Sige po, bye po!"

"Bye, Fatima."

Muli kaming bumalik sa loob ng palasyo.

"Okay ka lang?" Biglang pagtanong sakin ni Lacey.

Tumango naman ako sakanya bago ngumiti.

"Uy guys, anyare sainyo kanina? Bigla kayong nawala sa tabi namin eh." Sabi ni Boman.

"Nag sarili kami bakit ba, ayaw kasi namin makita yang pagmumuka mo." Pang aasar ni Lacey.

Napangiti naman ako ng biglang sumimangot yung muka ni Boman.

Napatigil ang lahat sa pag tawa ng biglang dumaan sa harap namin si Ethan.

Pansin ko lang, hindi sya nasama saamin.

"Uy Ethan pare." Bigla naman syang inakbayan ni Boman.

"Una na kayo sa bahay, susunod nalang kami." Sabi ni Alex.

"Sige."

Sabay sabay kami nila Agnes at Lacey na bumalik sa bahay.

"Bakit ganun, hindi nasama satin si Ethan diba part din sya ng Vigilantes?" Pagtatanong ko sa kanila.

"Bibihira lang talaga sya sumama kapag galaan, pero kapag sasabak sa labanan asahan mo na laging nandun yun." Sagot sakin ni Agnes.

"Eh bakit kahit sa bahay man lang hindi sya napunta?"

"Napunta yun, hindi mo lang nakikita." Sabi ni Lacey bago tumawa.

Madami pa talaga akong kailangan malaman sa kanila, tulad ng kung paano sila napunta dito sa loob ng palasyo.

Mga ilang oras din kami nag hintay sa bahay bago dumating yung dalawang lalaki.

"Kamusta bonding?" Natatawang sabi ni Agnes.

"Same as always." Natatawa ding sabi ni Boman.

"Vigilantes."

Nagulat naman ako ng may biglang mag salita. Teka wala ng ibang tao sa bahay bukod kami ah?

"Uy welcome back!" Nagbibirong sigaw ni Boman.

"Bukas ng umaga pumunta kayo sa opisina ko, may importante akong ipapagawa sainyo."

"Woaahhhhhh."

"Tagal na nung huli ko yun narinig kay Elphina ah." Sabi ni Alex.

So si Elphina yung nag salita?

Nakita ko naman na nag aalalang nakatingin sakin si Lacey.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

Bumuntong hininga sya bago tumayo.

"Kailangan mong mag handa para bukas." Sabi nya bago umalis.

Bigla naman akong nakaramdam ng takot at kaba. Ano ba yung importanteng ipapagawa samin ni Elphina?




FAVEN: The 7th Mythical OneWhere stories live. Discover now