Chapter 18

69 3 0
                                    

Shreya's POV

" Argh damn that wolf." Nagpapahinga ako ngayon sa may gilid ng sapa.

Kakatapos ko lang makipag habulan sa isang mabangis na lobo, and damn that wolf manage to attack me kaya may hiwa ako sa hita ko dahil sa kanya.

Its bleeding like hell.

Tinignan ko ang relo ko at alas-4 na pala ng hapon. As far as Im concerned nasa gubat na ako ng pagkalagpas ng Cinnajan. Kahapon pa ako naglalakabay para sa misyon ko.

Inalala ko ang sinabi sakin ni Agnes kahapon, na kapag nakalagpas na ako ng Cinnajan ay mas magiging mapanganib na ang lalakbayin ko dahil papunta na ako sa lugar ng Arriamel.

Gusto ko na agad matapos tong misyon ko para maligtas ko na si Ethan pero bilin nila na huwag akong maglalakbay sa gabi lalo na kapag malapit na ako sa lugar ng mga kalaban.

Sa ngayon mag hahanap muna ako ng matutuluyan ko sa gabi. Muli kong hinugasan ang sugat ko bago nagsimulang maglakad.

Dala-dala ako ang bow and arrow na matagal ko nang ginagamit sa pag eensayo. Wala pa naman akong nakakalaban bukod sa lobo na kanina akong hinahabol.

Nakahanap ako ng isang maliit na kweba at sinilip ko muna ang loob nito para macheck kung ligtas ba ito.

Mga 8 nadin ng gabi nang makaayos na ako sa loob ng kweba. Hinarangan ko ng mga damo ang bukana ng kweba para hindi ako ganun kakita sa loob.

Maya-maya pa ay biglang lumakas ang ihip ng hangin dahilan para gumalaw ang damo na hinarang ko.

Medyo naalarma ako kasi nakaramdam ako ng kakaiba na nanggagaling sa labas.

Lumapit ako sa may bukana at sinilip ang labas, sa di kalayuan ay may nakikita akong liwanag. Hinawakan ko ng mabuti ang bow and arrow ko bago dahan dahang lumabas.

Nagtago ako sa may likod ng puno at mas nagiging malinaw ang nakikita ko. May mga taong nakasuot ng itim na robe, ang ilan sa kanila ay may hawak na torch kaya pala may liwanag.

Habang papalapit sila sa direksyon ko ay may naririnig akong mga salita.

"mortem eius, mortem eius, mortem euis, et illa ablata est."

Paulit-ulit nila itong binibigkas. Mas lalo kong siniksik ang sarili dahil mas lalo silang lumalapit sa direksyon ko.

Teka ngayon ko lang napagtanto na papunta sila sa Arriamel. Napasinghap ako ng may makita akong nakatali na tao sa may bandang likod. Kinakaladkad nila ito. Nakaposas ang mga kamay nito na syang nakakabit sa dalawang may suot na itim na robe. Natatakpan ng sako ang kanyang muka at puro sugat naman ang katawan nito.

Sino ang dala nila?

Dahan dahan akong umatras para makalayo sa kanila dahil sa kakaunti nalang ang pagitan ko at ng mga naka itim na robe.

Dahan dahan akong umatras at pilit na huwag gumawa ng ingay hanggang sa....

Nakagat ako ng ahas dahilan para mapasigaw ako. Mabilis na tumigil ang mga naka itim na robe at agad na tumingin sa direksyon ko.

SHIT!




Lacey's POV

Pangalawang araw na simula nung umalis si Shreya. Natatakot ako para sakanya, hindi ko alam kung paano ko ikakalma ang sarili ko.

"Updates?" Mabilis kong tanong kay Alex ng makapasok sya sa bahay.

"Still nothing."

FAVEN: The 7th Mythical OneDonde viven las historias. Descúbrelo ahora