Chapter 7

101 7 0
                                    


Shreya's POV


Ilang oras din akong nanatili sa loob ng training room. Ayokong lumabas, ayokong makita nila kung gano ako kahina.


Tumigil na sa pagtulo ang dugo ko sa hita at braso pero bakas padin sa sahig ang mga tumulong dugo.


"Shreya....." mahinang sabi ko.


Pinaghahampas ko ang ulo ko. "Bakit ba kasi ang hina hina mo?"


Hindi nagtagal bumukas ang pintuan ng training room at pumasok dito si Lacey at Agnes.


"Shreya?!" Nag aalalang sigaw ni Lacey.


"Anong nangyari sayo? Bakit puro dugo yang katawan mo?" Pagtatanong ni Agnes.


"Wala lang to, nadaplisan lang ako." Sabi ko sa kanila.


Inalalayan nila akong makatayo bago dalin sa clinic.


"Ano ba kasing nangyari?" Pagtatanong sakin ni Lacey.


"Nakipag laban ako kay Ethan, pero syempre natalo nya ako."


"Ano?" Hindi makapaniwalang sabi ni Agnes. "At talagang hinamon ka pa ni Ethan ng labanan kahit alam nya na hindi kapa handa?" Galit nyang sabi.


"Hindi....kasalanan ko din naman eh, masyado akong mahina."


Tumabi sakin si Lacey bago hinawakan ang kamay ko.


"Shreya hindi ka mahina, kailangan mo lang mag ensayo."


"Mula ngayon kami na ang mag eensayo sayo, hindi ako papayag na si Ethan ulit ang mag ensayo sayo." Sabi ni Agnes bago lumabas ng clinic.


Narinig ko naman ang pag buntong hininga ni Lacey.


"Noong baguhan palang kami dito si Ethan din ang nag ensayo samin." Sabi nya bago ako tinignan sa mata. "Ganyan na ganyan din ang nangyari noon kay Agnes, napuruhan din sya ni Ethan pero alam mo, lumaban si Agnes kasi ayaw nyang natatalo sya." Nginitian nya ako bago hinimas ang kamay ko.


"Kaya mo yan Shreya, may tiwala kami sayo."


Hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko. Natatakot ako sa tiwala na meron sila saakin.


"Salamat Lacey."


Lumabas na kami ng clinic at dumiretso sa bahay.


"Sya nga pala Shreya, mamaya pupunta tayo sa hall para naman makilala mo yung iba pang tao dito." Tumango naman ako sa sinabi ni Lacey.


Pagod akong humiga sa kama at pumikit.


Grabe, hindi ako makapaniwala na nangyari sakin yun. Parang kelan lang nakahiga ako sa kama ko sa bahay tapos ngayon nasa kwarto ng Pluganem ako.


Sobrang bilis padin para sakin ng mga pangyayari. Kung pano ako naging chosen one, at kung pano pumayag sila mama at papa na isama nila ako dito.


Speaking of.....puntahan ko kaya si Oma?


"Ah Lacey."


"Hmm?"


"Alam mo ba kung saan ko mapupuntahan si Oma?"


Ngumiti naman sakin si Lacey. "Malalaman mo din yun."


"Ha? Pano?"


"Basta, labas ka try mo."


Nasa labas na ako ng bahay namin. Tumingin tingin ako sa paligid baka sakaling makita ko si Oma, pero wala sya.


FAVEN: The 7th Mythical OneWhere stories live. Discover now