Chapter 17

67 5 0
                                    

Shreya's POV

"Whats with the rush?" Tanong ko kay Lacey dahil nag mamadali syang mamili ng dress nya.

"We have no time." Agad syang pumunta sa iba pang mga dress upang mag tingin.

Pano ba kami napunta dito? Ganto kasi yun, kanina kasi bigla nalang syang pumasok sa kwarto ko at niyaya akong lumabas at pumunta sa shop para bumili sya ng dress. Pumayag naman ako, ay hindi pala napilit lang pala ako kahit hindi ko alam kung para saan yung dress na bibilin nya.

Saglit na napatigil sa pag tingin si Lacey at tinignan ang nakatayong bored na itsura ko.

"Hindi ka bibili ng dress mo?" Tanong nito.

"For what? I have no reason to buy."

Napa buntong hininga sya at lumapit sakin. "I guess hindi mo pa alam, so I am here to save you." Kumunot naman yung noo ko sa sinabi nya. "Mamayang gabi may magaganap na event sa grand hall. Elphina just announced it earlier this morning, haven't you heard about it?" Nag kibit balikat naman ako sa tanong nya.

"Then ngayon alam mo na so go ahead pick a dress para naman presentable tayo tignan mamaya."

Natapos na kaming mamili ni Lacey ng dress and I pick a black dress na above the knee. Ayoko ng masyadong magarbo, its too gorgeous for me.

"Oo nga pala, nasan si Agnes?" Tanong ko kay Lacey habang inaayos yung pinamili namin tsaka yung mga gagamitin namin para mamaya.

"May inaasikaso lang yun, you know she's one of the representative of Vigilantes kapag wala sina Ethan at Alex."

Napa tango tango nalang ako sa sinabi ni Lacey. Ano naman kaya yung inaasikaso ni Agnes?

************

"Wow Agnes is so damn gorgeous."

Napatingin ako kay Boman ng marinig ko yung mahinang wika nya. Napangiti naman ako habang tinitignan si Agnes na nag aayos ng buhok nya. She really is a beauty.

"Im jealous." Naka pout na sabi ni Lacey.

Nakangisi ko syang tinignan.

"What?" Naka kunot noo nitong tanong.

"Gusto mo din ba na purihin ka ni Alex?" Nakangiti kong tanong at bahagyang tumawa.

Nakatanggap naman ako ng hampas galing kay Lacey. Mas lalo akong natawa ng makita kong nag blush ito.

"Tumigil ka nga sa pag tawa!" Panay padin ang pag hampas nya saakin at ganun din ang pag tawa ko.

Bigla naman kaming napatigil parehas ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Ethan. Saglit kaming nag katinginan ni Ethan pero agad din akong umiwas ng tingin.

"So, lets go?" Pagtatanong ni Alex na sinang-ayunan naman ng lahat.

**********

Punong-puno ng mga palamuti ang grand hall. Napapalibutan ng mga kumikinang na chandelier ang kisame at puro malalaking bintana na sinuotan ng magagandang kurtina. Napaka ganda ng ayos ngayon ng grand hall.

Napapalibutan kami ngayon ng mga magaganda at gwapong nilalang. Ngayon ko maiisip na karaniwang tao lamang ang mga kasama ko ngayon dahil walang halong mahika ang paligid.

"Its been a while." Sabi ni Agnes na ngayon ay nasa tabi ko na.

"Bakit? Matagal naba nung huli kayong nag karoon ng ganto?" Tanong ko sakanya.

FAVEN: The 7th Mythical OneWhere stories live. Discover now