Chapter 14

68 7 0
                                    

Shreya's POV

Nakarating na kami sa bayan ng Cinnajan. Kumpara sa Pluganem at Neariadin, tahimik ang lugar na ito.

"Sa dulong bahagi ng Cinnajan naninirahan ang mga Carphatia." Sabi ni Alex.

Naglakad kami papunta sa lugar kung saan nandoon ang mga Carphatia.

Tinignan ko si Ethan at nakita ko syang nakatingin sa sugat ko sa ulo.

Mabilis ko itong tinakpan kaya napatingin sya sakin, umiwas din naman agad sya ng tingin ng magkatinginan kami.

"Mag handa na kayo, malapit na tayo." Pag papaalala saamin ni Ethan.

Kahit nasa Cinnajan kami, delikado padin ang dulong bahagi nito dahil lugar na ito ng mga Carphatia.

Malapit din ito sa gubat na magdadala sa lugar ng Arriamel kaya mas lalong mapanganib.

Kung kanina nasa gubat palang kami papunta sa Cinnjan may mga umatake na agad saamin, paano pa kaya na malapit na kami sa gubat ng Arriamel.

"Maging alerto ka." Sabi sakin ni Agnes.

Hinawakan ko ng mahigpit ng makarating na kami sa dulong bahagi ng Cinnajan.

Nakakarinig kami ng pag tawa sa paligid, nakakatakot ang lugar na ito kumpara sa unahan na tahimik lang.

Nag lakad ulit si Ethan at sinundan naman namin sya.

Punong puno ako ng kaba dahil sa maaaring may biglaang umatake saamin.

Nakarating kami sa isang bahay, dahan dahang kumatok si Ethan.

"Ito ang pinaka main ng mga Carphatia." Bulong sakin ni Lacey.

Saglit na tumigil si Ethan at hindi nag tagal ay mabilis syang sumigaw.

"Yuko!"

Mabilis kaming yumuko at sakto na may mga lumipad na mga matutulis na kahoy sa may pwesto namin kanina.

Maingay na bumukas ang pinto at bumungad saamin ang babaeng may hawak na malaking walis.

"How sweet of you, grasya na mismo ang lumalapit saakin." Natatawa nyang sabi.

Dahan dahang tumayo si Ethan.

"We're not here to fight, nandito lang kami para humingi ng tulong."

"Tulong? Paano naman kayo nakakasiguro na tutulungan nga namin kayo?"

"Please." Mabilis akong tumayo. "We've lost a friend on our way here, unti unti nang kumakalat ang epidemiya, ang kailangan lang namin ay ang tulong nyo. Please nahihirapan na ang mga tao saamin, tulungan nyo kami." Pag mamakaawa ko.

"Shreya...." mahinang sabi ni Lacey.

Ito nalang ang kaya kong gawin para makatulong.

"At sino ka naman?"

"Shreya...."

Lumapit saakin yung babae at saglit na pumikit.

"May nararamdaman akong kakaibang kapangyarihan sayo." Sabi nya at minulat ang kanyang mata. "Maaaring ikaw ang sinasabi nila."

"Na alin?" Tumayo nadin ngayon si Agnes.

"Ang Faven."

Napatigil ako dahil sa sinabi nya. Mas lalo akong kinabahan ngayon na may hinala sya na ako si Faven.

Nag si tayuan nadin yung iba. 

"Nag kaka mali ka." Sabi ni Alex. "Hindi sya si Faven."

"Ganun ba. Siguro malakas lang talaga ang kapangyarihan na meron ka. Katulad nitong kasama nyo." Sabi nung babae at tumingin kay Ethan.

"Nag lalaban ang enerhiya nyong dalawa." Dagdag pa nito.

Hindi ko masabi kung ano ang nararamdaman ngayon ni Ethan dahil blanko ang kanyang expresyon.

"May dinala kaming mga potion, bilang kapalit sa pag bibigay mo saamin ng pang lunas para sa epidemiya." Sabi ni Ethan sabay labas nung bag.

Yun pala yung dahilan ng pag hingi ni Ethan kay Miss Yula.

Ngumiti yung babae. "Pasok kayo."

Nag katinginan kaming lahat bago tumango si Ethan at pumasok nadin kami.

"Mas maganda sana kung ang kapalit ng lunas ay ang kalahati ng inyong kapangyarihan." Nakangiting sabi saamin nung babae. "Lalo na ang kapangyarihan mo Shreya."

Nararamdaman ko ang pag himas ni Lacey sa likod ko. Alam kong pati sya ay kinakabahan.

"Paumanhin, pero hindi namin iyon magagawa. Tanging mga potions lang ang kaya naming ibigay." Sabi ni Ethan.

"Kung ganon, wala na akong magagawa pa."

Biglang may inabot saamin yung babae na isang maliit na garapon na may dugo.

"Painumin nyo yan sa mga taong may epidemiya."

Lumabas nadin kami sa bahay nung babae pero bago pa kami maka alis muli syang nag salita.

"Mag-ingat kayo, may panganib akong nararamdaman sa kasama nyo."

Umalis kaming may pag tataka dahil sa sinabi nung babae.

"Sabi na nga ba, tama ako na panganib lang ang dala saatin ng babaeng yan!" Muling pag sigaw ni Natalia.

"Natalia hindi na oras para sa mga pag sigaw mo, mas mabuti kung babalik na tayo sa Pluganem." Sabi ni Alex.

Makalipas ang halos isang araw na muling pag lalakbay, nakabalik na kaming 9 sa Pluganem.

Pumunta kami agad sa office ni Elphina at ibinigay ni Ethan ang pang lunas.

"Maraming salamat, buong pusong tatanawin na utang ng loob ng mga mamamayan ang inyong kabayanihan." Nakangiting sabi saamin ni Elphina.

Ngunit hindi nag tagal ay napalitan ng lungkot ang kanyang muka.

"Nasaan si Francis?" Pagtatanong nya.

Mabilis akong napayuko. Rinig ko ang muling pag iyak ni Erika.

"Inialay nya ang kanyang buhay para sa mga tao." Malungkot na sabi ni Patrick.

"Ikina lulungkot ko ang nangyari. Kayo ay nabigo sa pag tupad ng aking ikalawang misyon. Gayunpaman, maraming salamat sa inyong kabayahinan."

Lumabas na kami sa office ni Elphina.

"Thank you, dahil sayo nag kulang na kami ng isa." Huling sabi sakin ni Natalia bago silang umalis.

"Hindi mo kasalanan." Rinig kong sabi ni Ethan bago sya umalis.

"Wag kang mag alala, noon pa man mainit nadin ang dugo ko dun sa Natalia na yon." Sabi sakin ni Agnes.

Bumalik na kami sa bahay at nag kulong lang ako buong mag damag sa kwarto.

Unang beses kong makasaksi ng ganong pangyayari.

Sana hindi na ulit maulit yun.....




FAVEN: The 7th Mythical OneWhere stories live. Discover now