Chapter 5

148 8 0
                                    

Shreya's POV

"Faven, wake up darling."

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, si Oma...

Akala ko panaginip lang ang lahat, pero totoo pala.

"Oma can you not please call me Faven? Shreya ang pangalan ko." Sabi ko kay Oma bago tumayo.

Tumawa si Oma bago nag salita. "Masasanay ka din."

"Come, ililibot kita." Nakangiting sabi sakin ni Oma.

Lumabas kami sa kwarto at nag simula ng maglakad.

Kung hindi pa ako inilabas ni Oma edi hindi ko pa makikita kung gano kaganda ang loob ng palasyo.

"So.....ito yung palasyo ni Elphina?" Pagtatanong ko.

"Well.... palasyo ni Elphina at ni Firion."

Firion? Sya kaya yung asawa ni Elphina? Malamang....

Habang naglalakad kami sa palasyo, hindi ko maiwasan na dumungaw sa mga bintana. Nakikita ko ang labas ng palasyo.

Lumapit ako sa bintana para tuluyang makita ang labas. Biglang lumaki yung mata ko sa nakita ko...

MAY BATANG LUMILIPAD?!!

"Oma!" Mabilis ko syang tinawag at nilapitan.

"Oma may lumilipad na bata sa labas!" Pagnananik ko sakanya.

"Normal lang yan darling."

"Normal anong normal don--"

"Madame."

Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang may lumapit na lalaki kay Oma.

"Yes?"

"The team is ready."

Tumango si Oma bago lumapit sakin. "Come, ill introduce you to your team."

"Team?" Pagtatanong ko.

"The Vigilantes."

Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Oma hanggang sa makarating kami sa tapat ng malaking pinto. Iba ito sa pinto ng kwarto ni Elphina.

Binuksan ni Oma ang pinto at pumasok kaming parehas.

Katahimikan ang bumungad saamin pagkapasok.

Sa gitna ay may malaking lamesa at naka upo dito ang apat na tao.

"Hello everyone." Pagbati sakanila ni Oma.

"Hi Oma!" Pagbati sakanya ng isang babae.

Sinenyasan ako ni Oma na lumapit sa tabi nya at sinunod ko naman iyon.

"Shreya, i want you to meet the Vigilantes."

Nagkatinginan kami ng mga tao na nasa harap ko. Dalawang lalaki at dalawang babae.

Unang tumayo ang babae na bumati kanina kay Oma. "Hi Im Lacey, air holder."

Tumayo naman yung isang lalaki. "Boman, nature holder."

At sumunod yung isang babae. "Agnes, water holder." Sabi nya at nginitian ako.

"Alexander, psychokinesis holder."

"She-shreya..."

Ano daw? Holder? Ano yun?

"Ohh mmm, si Ethan nga pala nasa labas mahiyain yun eh hehe." Sabi ni Lacey habang natawa.

"So ngayon kilala nyo na ang isat-isa kaya its time para sabihin kung bakit ko kayo pinatawag."

Bigla akong kinabahan, ito naba yung oras na kakainin na ako ng lupa?

"Vigilantes, I would like you to meet......Faven.."

Kitang kita sa muka nila ang pagkagulat dahil sa lahat sila ay nanlaki ang mga mata at yung iba ay napatakip pa ng bibig.

"Omayghad." Sabi ni Agnes.

"Faven....." sabi ni Boman

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kahit ako din mismo ay gulat ng malaman ko na ako si Faven.

"Shreya, you will be part of the Vigilantes. Sa bahay kana din nila titira."

Ni isa ay walang nagsalita dahil lahat padin sila ay gulat.

"Please tell me hindi ito panaginip." Sabi ni Alex ng makarating na kami sa bahay nila.

Binatukan naman sya ni Agnes. "Gaga, gising ka." Pabiro nyang sabi.

Tumabi sakin si Lacey habang nakangiti. "I cant believe katabi ko ang 7th Mythical One!!!!!" Sigaw nya.

"Make yourself at home." Nakangiting sabi sakin ni Boman.

"Okay, ituro nyo sakanya ang lahat ng dapat nyang malaman." Sabi ni Oma sakanila at tumango naman sila.

"Teka asan nga ba si Ethan?" Pagtatanong ni Oma.

"Who knows, mamaya naglalaro lang ng apoy." Pagbibiro ni Agnes.

Bumuntong hininga naman ni Oma bago humarap sakin. "Shreya, just call me kapag may kailangan ka ha?"

"Pano naman kita matatawag eh hindi ko naman alam kung nasan ka."

"You'll know."

Umalis na si Oma sa kwarto kaya naiwan kaming "Vigilantes" sa kwarto.

"Soo Shreya...." tumabi nadin sakin si Agnes.

"What power do you hold?"


FAVEN: The 7th Mythical OneWhere stories live. Discover now