Chapter 4

168 9 2
                                    

Shreya's POV

Faven??

Ilang beses ko na bang narinig ang pangalan na Faven? At tsaka bakit ba nila akong tinatawag na Faven? Ang pangalan ko ay Shreya

"Elphina Grail, queen of the Pluganem." Nakangiti nyang sabi sakin.

Naguguluhan man ngumiti din ako sakanya bago nagpakilala.

"Shreya Sullivan."

Tumawa sya ng mahina bago sinenyasan na umupo.

"Batid ko na ika'y nagtataka kung bakit ka nandito, tama ba ako?"

Tumango ako sa sinabi nya.

"Ayokong biglain ka sa mga pangyayari pero ngayon ang takdang panahon para malaman mo ang katotohanan."

Naging seryoso yung muka nya dahilan para kabahan ako.

"Sa loob ng 50 years naghintay ang Pluganem sa pagdating ng liwanag na muling magbabalik pagkatapos mawala ng napakatagal. Ito ang pinaka matagal naming hinihintay, ang liwanag. "

"Liwanag?"

Wala ba silang araw dito?

"You see Shreya, maraming pinag daanan ang Pluganem sa nakalipas na mga taon, maraming namatay at maraming nag buwis ng buhay para sa mga tao. Bawat tao ay may iisang hiling, at iyon ay ang dumating ang tagapag ligtas ng Pluganem."


"Hi-hindi ko maintindihan..."

Lumapit sakin si Elphina at hinawakan ang aking mga kamay.

"Shreya ikaw..... ikaw ang liwanag"

"Ako?"

Teka ano ba tong pinag sasabi nya? Naguguluhan ako. At ako? Liwanag? Ano?

"Shreya ikaw ang tagapag ligtas na matagal ng hinihintay ng Pluganem."

"Ano?" Bigla akong napatayo dahil sa narinig ko.

Malungkot akong tinignan ni Elphina.

"Shreya...."

"Ano ba tong pinagsasabi mo? Pinag loloko mo ba ako? Bakit ba kasi ako nandito ibalik nyo ako sa magulang ko!"

Napatigil si Elphina dahil sa pagsigaw ko.

"Shreya, alam kong mabilis ang mga pangyayari pero Shreya totoo ang mga sinabi ko--"

"Hindi!"

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok dito si Oma.

"Oma.....ano bang......ano ba tong nangyayari?"

Naguguluhan na ako, bakit ba ganito....

Nagkatinginan ni Oma at si Elphina. "Alam kong mangyayari to." Sabi ni Oma bago ako inilabas sa kwarto.

"Oma sabihin mo nga sakin bakit ba ako nandito?"

"Shreya huminahon ka muna, sa ngayon pumunta muna tayo sa tutuluyan mo."

"Tutuluyan? Anong--"

"Mamaya kana mag react, tara na."

Mabilis akong nakaladkad ni Oma kaya wala na akong nagawa pa.

Pumasok kami sa isang kwarto na nasa loob padin ng palasyo. Ngayon ko lang napansin na may mga damit ako dito.

"Oma....dito na ako titira?"

"Oo, wag kang mag alala alam to nila Hilaya."

Ohh so now Oma knows my parents, this is really so confusing.

"Ang sakit sa ulo Oma, sobra. Its too much information to handle." Sabi ko bago humiga sa kama.

"Unfortunately lahat ng narinig mo kay Elphina ay totoo."

Tinignan ko ng may pagtataka si Oma. "Hindi ko talaga maintindihan kung pano at bakit."

"Nung nakita kita na naglalakad alam ko na agad na ikaw ang chosen one dahil nakita ko mismo sa aking mga mata. Nung nagkaroon ako ng pagkakataon na malapitan ka, naramdaman ko na ikaw na nga talaga. Ikaw si Faven, Shreya."

"Faven...... ano ba yung Faven?"

"A light has returned to favor in a big way after being out of the sight for a long time."  Sabi nya sakin.

"So.... ako yung light? Yung liwanag?"

Tumango naman si Oma sa sinabi ko.

Ibig sabihin, ako yung tagapag ligtas na matagal na nilang hinihintay? Pero paano? Eh isang normal na tao lang naman ako.

"Kung ganon Oma.... paano? Isang normal na tao lang ako."

"Yun ang akala mo Shreya....."

Tumayo si Oma at lumapit sa harap ko bago hinawakan ang mga kamay ko.

"You will enherit great power."


"You will be the strongest among all the chosen ones."


"You will be the most powerful."


"You will be the 7th Mythical One."


"You will be called.... Faven."

Habang sinasabi ni Oma ang mga salitang iyon, naramdaman ko ang init na nanggagaling sa aking mga kamay. Para bang may inerhiya na pumapasok sa aking katawan.

Onti onti akong nanghihina, lumalabo ang aking paningin, onti onting umiikot ang kapaligiran.

Anong nangyayari......bakit sobrang bigat ng pakiramdam ko....

"Omaa......"

"With the great power, Faven will be the most destructive and the most fearful of all the Mythical Ones. Thou shalt deceive but thee shall save and be wise. Faven will conquer and thee shall win."


At tuluyan ng nagdilim ang aking paningin.






FAVEN: The 7th Mythical OneWhere stories live. Discover now