Chapter 3

211 12 0
                                    

Shreya's POV

"Shreya anak, kailangan mong maging matapang. Maging matatag ka anak. I love you sweetie."







Nagising ako dahil sa pag alog na nararamdaman ko. Mabilis akong napabangon ng malaman ko kung nasaan ako.

NASA LOOB AKO NG ISANG KOTSE!!

"What the?!"

Anong ginagawa ko dito?!

Tinignan ko kung sino yung nag dadrive at ito yung babaeng nasunod sakin sa school.

"Bakit ako nandito?" Mabilis kong tanong sakanya.

"Ohh, gising kana pala." Nakangiti nyang sabi

Teka? Bakit parang bumata ata yung muka nya?

Ay hindi na importante yon ang mahalaga malaman ko kung bakit ako nandito.

Tumingin ako sa paligid pero bale wala din dahil puro kadiliman lang ang nakikita ko.

"Pwede mo bang sabihin sakin kung bakit ako nandito? At nasan ba tayo?" Muli kong pagtatanong sakanya.

"Ako nga pala si Oma."

"Nasaan akooooooo?????"

"Nice to meet you too."

Tinignan ko sya ng masama dahil sa hindi sya pag sagot sa mga tanong ko.

Mabilis kong kinapa yung bulsa ng pantalon ko para kunin ang cellphone ko pero wala ito.

"Nasan ang cellphone ko?"

"Shreya kumalma ka nga."

Napa buntong hininga nalang ako sa sinabi nya. Wait ano nga ulit pangalan nya? Ama??

"At pano naman ako kakalma Ama--?"

"Oma"

"At pano naman ako kakalma Oma?"

"Pinayagan ako ng magulang mo na sumama sakin"

"Ano?!"

Teka alam nila mama at papa na sinusundan ako ng babaeng to ah? Pano sila pumayag na isama ako sakanya?

Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Oma.

"You'll know when we get there."

Napakunot naman yung noo ko. "Saan?"

"Pluganem."

Halos sampung oras din akong naghintay na makarating kami sa sinabi ni Oma na "pluganem".

Tumigil kami sa tapat ng malaki at mahabang pader na gawa sa bato. Puro puno din yung nasa paligid namin, nasa gubat ata kami.

"Open the gate." Rinig kong sabi ni Oma

Gate? Wala naman akong nakikitang gate ah?

Nagulat ako ng biglang paandarin ni Oma yung sasakyan.

TEKA OMA BABANGGA TAYO SA BATO!!!

Kinakabahan ako sa ginagawa ni Oma, balak nya ba akong patayin?

Onti nalang malapit na kaming bumangga sa bato kaya napasigaw na talaga ako habang nakapikit.

"Oma babangga tayo sa bato!!---"

Napadilat ako ng may masinagan akong liwanag.

"Wow."

Bumungad sakin ang malawak na lupain, maaliwalas na kapaligiran, malinis na hangin at napaka gandang kalangitan.
Nakikita ko din ang mga bundok sa kalayuan.

Ito naba yung sinasabi ni Oma na "pluganem"? Kung ito nga yun, sobrang ganda naman dito.

"Oma..."

"Welcome to Pluganem, the God World." Nakangiting sabi sakin ni Oma bago lumabas ng sasakyan.

Sinenyasan nya ako na bumaba at sinunod ko naman ito.

"Oma ang ganda." Namamangha kong sabi.

Tumawa naman si Oma habang nakatingin sakin.

Sobrang aliwalas ng kapaligiran, ang simoy ng hangin sobrang gaan sa pakiramdam. Para akong nasa langit.

"Ang ganda ng Pluganem." Muli kong sambit.

"Tara na." Pag yaya sakin ni Oma at sumunod naman ako sakanya.

Habang naglalakad onti onti kong natatanaw ang malaking palasyo sa aking harapan. Sobrang ganda nito at sobrang laki.

Mas lalo akong namangha ng tuluyan na kaming makalapit. Sobrang kintab at sobrang ganda ng palasyo, palasyo nga ba? Sobrang laki nito


"Palasyo ba ito Oma?"

"White kingdom." Sagot nya saakin

Pumasok na kami sa loob at tumambad saakin ang mga bahay at mga nakangiting at masasayang mga tao.

Para akong nasa isang paraiso, ang ganda.

Ginabayan ako ni Oma sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa tapat ng palasyo. Masasabi ko na palasyo na ito dahil nasa loob ito ng kaharian.

Pumasok kami sa loob ni Oma at dinala nya ako sa kwarto na may malaking pinto.

Kung sa labas maganda, dito naman sa loob ng palasyo sobrang ganda. Feeling ko sobrang mahal ng mga kagamitan na ginamit dito.

"Hanggang dito nalang ako Shreya, babalikan kita pagkatapos." Nakangiting sabi sakin ni Oma.

Kumatok muna si Oma sa malaking pinto bago ako nginitian at umalis.

Dahan dahang bumukas ang pinto kaya pumasok nadin ako.

Para akong nasa principal's office pero mas bongga at di hamak na mas malaki.

Nakarinig ako ng yabag ng sapatos kaya napatingin ako kung sino ito.

Isang maganda at matangkad na babae ang nakita ko. Sobrang ganda ng mga mata nya, at ang kanyang kutis ay sobrang kinis. Perfect kumbaga

"Welcome to Pluganem, Faven."


FAVEN: The 7th Mythical OneWhere stories live. Discover now