Simula

46 6 0
                                    

Simula

Bakit nga ba tayo naiinlove sa hindi natin kilala? Katulad na lang ng mga kpop fans. Para saakin iniidolo nila ang mga boy group at girl group dahil sa mga talent. Yung iba namang fans talagang nahuhulog sa iniidolo. Crush.. or love?

Alam ba nila ang ibig sabihin ng 'iniidolo' at 'minamahal'? Hindi ba nila alam na magkaiba 'yon?

"'Te, tulala ka na naman!" Sabi sakin ni Patricia

Napabuntong hininga ako "Halika na nga, malalate na tayo sa trabaho natin."

"Te, wag kang atat ala singko pa lang." Sabi niya at tinapon ang plastic cup sa tapunan

"Hindi ba pwedeng magtrabaho na tayo agad?" Sabi ko

"Nababaliw ka na ba, Espen? Isang taon na tayong nagtratrabaho don at wala tayong pahinga dahil pati linggo ay isinama mo!" Inis na sabi niya sakin

Nasa rooftop kaming dalawa ngayon dahil wala ang prof namin. Nakaupo kami sa lapag habang kumakain ng kung anu-anong tsitserya na binili niya. Kanina kasi hindi na ko sumama sakanyang bumili dahil may ginagawa pa ako.

"Sana hindi ka pumayag, di ba?" Sabi ko at inirapan siya

"Paanong hindi ako papayag, 'te, ikaw ang nagdesisyon." Sabi niya

"Ah ganon? Bakit ka pa sumama sakin kung--" Sabi ko at natigilan ng yakapin niya ako

"Charot lang!" Sabi niya at humarap sakin "Eto naman di mabiro!"

Seryoso akong tumingin sakanya "Pat, kung napipilitan ka lang--"

"Heh! Heh! Heh! Wala akong marinig!" Sabi niya

Natawa ako "Bat di ka nagtakip ng tainga?"

"Ano naman sayo?" Mataray na sabi niya "Alam mo ikaw, kanina ka pa may iniisip e. Ano ba 'yang iniisip mo?"

Tumingin ako sa malayo "Wala."

"Alam kong meron. Ano ba 'yon, maprend?" Tanong niya

Tumawa ako "Maprend? Siraulo."

"Ano nga kase yon!" Sabi niya

"Wala naman 'yon. Nagiimagine lang ako kasama si Nathan Torres." Sabi ko

Si Nathan Torres ay isang singer at dancer dito sa syudad. Kilala siya at mayaman rin. Ang mga magulang niya kasi ang may ari ng pagawaan ng sardinas dito sa syudad at kilala ang sardinas na 'yon. Gwapo siya at half american kaya maraming nagkakagusto sakanya. Ang alam ko ay may gagawin na siyang kauna unahang palabas.

"Nathan Torres ka na naman!" Nakangiting sabi niya "Palibhasa, gwapo rin naman ang lalakeng 'yon."

"Gwapo talaga." Nakangiwing sabi ko

"Nga lang malabong maging kayo." Sabi niya kaya nawala ang ngiti ko

"E kung batukan kaya kita?" Sabi ko

"Joke lang!" Sabi niya

Sa totoo lang, hindi naman na talaga ako aasa pa na makita ko sa personal si Nathan Torres dahil wala akong pera para bumili ng ticket para sa concert niya. Alam ko rin na sa magagandang lugar lang siya nagpupunta.

Pagkatapos naming magpahinga sa rooftop pumunta na kami sa restaurant. Nang makarating kami sa restaurant hinanda na namin ni Patricia ang boses namin saka ang gitara. Habang nasa likod kami ng stage dumating ang ibang kabanda namin.

"Astig ng suot niyo ngayon a?" Sabi ni Rev

"Mukhang alam ko na yung mga kantahan natin." Sabi ni Paolo

"Oy, mga bakla!" Kararating na sabi ni Kiray, bakla siya

"Di kami bakla. Baka ikaw yon." Cold na sabi ni Rev

"Alam mo, sayang ka talaga e! Pangit lang talaga ugali mo." Sabi ni Kiray kay Rev at sumimangot

"Ayoko sa mga bakla. Nakakadiri." Sabi ni Rev at umalis

"Sunod na ko." Sabi ni Paolo at umalis na rin

"Pagpasensyahan mo na." Sabi ko

"Sanay na ko, 'te!" Sabi ni Kiray

Kinuha ko ang gitara at isinabit yon sa balikat ko "Bakit ka nga pala nandito?"

"Ipinatatawag kasi kayo ni Bakla! Mukhang may magandang offer sainyo!" Excited na sabi ni Kiray

Nagkatinginan naman kami ni Patricia at sumilay ang ngiti namin dahil sa sinabi ni Kiray. Kulang pa kasi ang isinisweldo namin dito para sa pang araw-araw namin ni Patricia at sa pag aaral namin. Nasa isang University kasi kami nag aral. Pasalamat na lang kami dahil may scholarship.

Pagkatapos namin mag-usap nila Kiray ay lumabas na rin kami sa likod ng stage at tumingin ako sa mga tao. Ang ibang kumakain doon ay iba ang mukha. Ngumiti ako sakanilang lahat.

"Magandang gabi po sainyong lahat." Sabi ko

Nakita ko ang pagtigil nila sa kinakain nila at tumingin saakin. Ngumiti ako sakanila at tumingin saglet kay Patricia.

"Ang unang una po naming kakantahin ngayon ay Fight Song by Rachel Platten." Nakangiting sabi ko

"Hooo!" Sigaw ng iba kaya napangiti ako

Si Patricia ang nagsimula at ako ang sumunod hanggang chorus. Limang beses pa kaming nagduet at tumigil muna kami saglet. Pagkapunta namin sa likod ng stage nakita namin si Edren na naghihintay.

"Girls!" Sabi niya

"Bakla!" Sabi ni Patricia kaya siniko ko siya

"Boss natin 'yan." Pabulong na sabi ko

"Nako! Mga girls, matutuwa kayo sasabihin ko!" Masayang sabi niya at hinila kaming dalawa papunta sa office niya

"Pwedeng sabihin mo na lang agad para mas matuwa kami?" Inis na sabi ni Patricia at tumigil sa paglalakad saka humiwalay sa pagkakahila ni Edren

"Baka gusto mong mawalan ng trabaho." Sabi ni Edren at tumaray 

"Subukan mo--" Sabi ni Patricia pero pinigilan ko siya

"Ano ba ang sasabihin mo?" Pagtigil ko sakanila

"Ganto kasi 'yan, girl, kahapon napanood kayo ni Mister Bartolome na kumakanta at gusto niyang kayo na ang kumanta sa kasal ng kaibigan niya dahil magaganda ang boses niyo." Sabi ni Edren

Kumunot ang noo ko saglet "T-talaga?"

"Oo, girl! At ang mas maganda pa non ay sixty thousand agad ang ibibigay sainyo." Nakangiting sabi ni Edren "Syempre may hati ako doon, 'no!"

"Hoy! Ang kapal ng mukha mo--" Sabi ni Patricia

"Ten thousand. Okay na sayo 'yon?" Sabi ko habang nakangiti, alam kong napatulala sa gilid ko si Patricia

"Ay! Oo naman, girl!" Sabi niya at niyakap ako "Thank you, girl!" At tinarayan si Patricia

"Salamat rin." Nakangiting sabi ko

"Magpahinga na muna kayo. Mamaya na natin pag usapan ang tungkol doon dahil baka mawalan kayo ng boses sa isang araw pa naman na ang kasal." Sabi ni Edren

Ngumiti ako sakanya "Salamat talaga."

"Walang anuman, girl." Sabi niya at bineso ako, tumingin siya kay Patricia at tumaray na naman

Ilang minuto pa kami nagpahinga ni Patricia at kumanta na naman kami sa stage. Ngayon ay nakaupo na kami at chill lang ang mga kinakanta namin. Nang malaman namin na sampong oras na lang ay magtwetwelve na ako na ang nagtapos ng kanta namin.

"This is our last song for tonight." Nakangiting sabi ko sakanila "Too many walls by MYMP."

Back at OneWhere stories live. Discover now