Chapter 19

32 1 0
                                    

Espen's POV

Habang nasa kwarto ay nakatulog ako. Hindi na rin kasi ako lumabas pa no'n. Tulala akong nakahiga habang nakayakap sa unan. Simula nung nagising ako hindi pa rin ako tumatayo dito sa higaan.

"Espen.." Tawag niya sakin

Hindi ako sumagot at hindi rin ako tumingin sakanya. Nakatalikod kasi ako sakanya. Naramdaman ko ang pag upo niya sa kama.

"Let's eat." Aya niya

Ano ba 'tong nararamdaman ko? Shit.

"Espen, nine pm na. Hindi ka ba nagugutom?" Tanong niya

Hindi ako sumagot at hinigpitan ang yakap sa unan. Natigilan ako nang biglang bumungad ang mukha niya.

"Kumain na tayo.." Malambing na sabi niya at inayos ang pagkakaupo sa kama

"Ehem wala akong gana." Mahinang sabi ko

"Hindi ako kakain hangga't hindi ka kumakain." Sabi niya

Nagsalubong agad ang dalawang kilay ko saka umupo "Kumain ka na."

"Hindi nga ako kakain hangga't hindi ka--" Sabi niya

"Kumain ka na! Hindi ako kakain." Sabi ko

"Espen--" Hahawakan niya sana ang kamay ko ng bigla akong lumayo

"Wag mo kong hawakan." Inis na sabi ko

"Kakain ako, pero dapat kakain ka rin." Nakangusong sabi niya

"Ayoko--" Sabi ko

"Dali na!"

"Ayoko!"

"Espen, please?"

"Wag mo kong madaan dyan sa pagpapacute mo dahil baka masuntok ko ng di oras 'yang nguso--"

"Dami daming sinasabi! Please na!"

"Ayoko nga!"

"Bahala ka hindi ako kakain!"

"Oo na!" Inis na sabi ko at agad naman siyang ngumiti saka hinawakan ang kamay ko at hinila ako

Pagkalabas namin ng kwarto..

"Oh, bati na kayo?" Tanong ni Mariane

Sumimangot ako "Hindi pa." Saka naunang bumaba

Pagkababa naman namin nandoon sila Patricia at ang iingay nila. Nasa lamesa sila nqgkwekwentuhan. Hinawakan ako sa kamay ni Nate habang nakangiti.

"What do you want?" Tanong niya

"Hmm.. Katulad na lang ng sayo." Sabi ko

"Ikukuha na kita." Sabi niya at humiwalay na sakin

Umupo naman ako sa tabi ni Patricia na nakangiwi saakin. Kumunot ang noo ko ng medyo lumapit siya sakin..

"Bati na kayo?" Mahinang tanong niya

"Hindi." Sabi ko

"E bat nagpapahawak ka na sa kamay?" Nakangiwing sabi niya

"Hindi naman niya ako lalayuan kung hindi ako magpapahawak ng kamay di ba?" Inis na sabi ko

Natawa siya "Sige, pagpatuloy mo 'yang ginagawa mo para matuwa ako."

Hindi na ako sumagot pa sakanya kasi umupo na sa tabi ko si Nate. Napatulala ako nang ngumiti siya sakin habang inaayos ang kutsara at tinidor ko. Tumingin ako sa mata niya.

"Hey, kumain ka na. Mamaya na tayo mag usap." Nakangiting sabi niya

"O-okay." Sabi ko at sinimulan ng sumubo

Back at OneWhere stories live. Discover now