Chapter 1

26 6 0
                                    

Ngumiti ako nang may sumigaw na naman. Tumingin ako sa gitara ko at sinimulan ang paggitara sa intro. Tumingin ako sakanila at ngumiti saglet. Ipinikit ko ang mata ko at kumanta.

"Wish on a rainbow is all i can do,

Dream of the good times that we never knew,

No late nights alone in your arms,

I'll dream on,"

Iminulat ko ang mata ko at napansin kong may isang lalakeng titig na titig sakin. Agad ko naman siyang hinanap at nakita ko siya sa malapit sa pintuan kasama ang tatlo pang lalake. Tumatawa ang mga kasama niya habang siya ay nakatingin pa rin sakin. Pasalamat na lang ako at part na ni Patricia yung sumunod. Ipinikit ko ang mata ko ng ako na ang kakanta.

"If i could change the way of the world,"

Iminulat ko ang mata ko at tumingin sakanya ulit.

"I'd be your girl."

Hindi ko siya pinansin at tumingin na lang kay Patricia na kanina pa pala nakatingin sakin. Sinenyasan ko siya na siya na ang kumanta ng buong chorus at nagets naman niya 'yon. Tumingin uli ako sa lalakeng nakahoody na kanina pa nakatingin sakin. Familiar talaga ang mukha niya sakin. Hindi ko na lang siya pinansin at dinama ang kanta.

"Watching the other chances drift by,

Though they'll never discover theses feelings I hide,

Deep inside i'm falling apart,

All alone with a broken heart,"

Tumingin ako saglet kay Patricia pero nahagip na naman ng lalakeng yon ang mata ko. Kumunot ang noo ko saglet at napatingin na lang sa mga taong nakangiti samin habang kumakanta. Nang ako na ang kakanta hindi na ako pumikit pa at tumingin na lang sakanila.

"My time has yet to come,

Until then

Within ooh yeah.."

Pumikit ako at ipinagpatuloy ang pagkanta.

"Too many walls have been built between us

Too many dreams have been shattered around us

If i seem to give up they'll still never win,

Deep in my heart i know the strength is within."

Pagkatapos ko kumanta ay ngumiti ako sakanila. Nilapit ko ang mukha ko sa mic.

"Maraming salamat po." Nakangiting sabi ko at tumayo

"Goodnight!" Sabi ni Patricia bago kami makaalis sa stage

Pagkapunta namin sa likod ng stage nakangiti saamin ang mga waiter at waitress. Napatingin naman ako kay Edren at Kiray na nag uusap. Agad namang pumunta doon si Patricia para kausapin sila.

"Nakakawala talaga ng pagod ang boses niyo, girl!" Sabi ni Edren

"Nako, hindi na ko magtataka kung bakit pabalik balik ang costumers mo, bakla." Sabi ni Kiray

Tumawa ako "Doon muna ako sa labas."

Tumango sila sakin at pinagpatuloy ang pag aasaran nilang tatlo. Dwti ay medyo takot pa kami kay Edren dahil baka sisantihin kami pero ngayon, magkakaibigan na kami at tinutulungan niya kami kapag wala na talaga kaming pera. Inaamin naman namin ni Patricia na magastos talaga kami sa pera kaya minsan walang wala na talaga kami.

Pagkalabas ko sa likod ng stage nakangiti sakin ang mga tao at binabati ako. Binabati ko rin naman sila pero natigilan ako sa pagbati ng makita ko ang lalake na nakahoody. Familiar talaga ang mukha niya sakin.

"Hi, Miss." Nakangiting sabi nung katabi niyang lalake

"Hello po." Nakangiting sabi ko at aalis na sana ng bigla ulit magsalita ang lalake

"Pwede bang magpicture sayo?" Nakangiting sabi nung lalake

"P-po? S-saakin po?" Nagtatakang sabi ko

Masyado siyang gwapo para magpapicture sakin.

"Oo. Pwede ba?" Nakangiting sabi niya

Dahan dahan naman akong tumango sakanya. Natigilan ako ng biglang sumama ang dalawa pa niyang kaibigan maliban na lang doon sa nakahoody. Napatingin ako sakanya at kumunot ang noo ko dahil hindi ko talaga alam kung saan ko siya nakita.

"Dude, picture-an mo kami." Sabi nung nag aya sakin magpapicture

"I'm not your P.A, okay?" Inis na sabi nung nakahoody

"Dude, dali na! Baka magbago isip niya." Sabi nung nag aya sakin

"Oo nga!" Sabi nung dalawa na nasa gilid ko

Tamad na tumayo yung nakahoody at kinuha ang phone niya sa bulsa. Ngumiti ako ng ipwesto na niya ang phone niya sa harap namin. Natigilan naman ako ng hakbayan ako nung isang lalake pero di ko na lang pinansin yon. Hakbay lang naman e, sila Paolo naman hinahakbayan rin ako.

"Salamat, Miss." Nakangiting sabi nung nag aya sakin magpapicture

"Thank you rin. Goodnight--" Sabi ko

"What's your name?" Tanong nung nakahoody

Natigilan ako saglet at ngumiti "Espen po, Sir."

"Can i have your number?" Tanong nung humakbay sakin

Umiling ako habang nakangiti "Pasensya na po, Sir, hindi po ako basta basta namimigay ng number."

"Pero binigay mo ang pangalan mo samin." Sabi nung isang lalake at ngumiwi

"Pangalan lang naman po 'yon, Sir. Iba po ang number sa pangalan kung alam niyo po." Sabi ko at nakita kong natigilan sila "Salamat po sa panonood, magandang gabi."

Tuluyan akong lumabas at umupo sa gilid para magyosi. Hindi naman ako adik magyosi pero napagtripan ko lang talaga magyosi ngayong araw. Nasa ganoong pwesto ako ng bigla na lang may magsalita sa likod ko.

"Hey."

Ngumiti ako "A-anong ginagawa mo dito?"

Umupo siya sa tabi ko "Sorry sa mga kaibigan ko."

Napangiti ako "Okay lang po 'yon, Sir. Bumalik na po kayo sa loob."

"No-- hmm.. Actually i was about to go to my car. Then i saw you kaya napag isipan kong magsorry dahil sa mga kaibigan ko." Nakangiting sabi niya

Ngumiti ako "Okay lang po 'yon, Sir. Umuwi na po kayo dahil gabi na."

"Are you going home? I can drive you." Sabi niya

"Hindi na po. Salamat na lang." Sabi ko

"Okay." Sabi niya at tatalikod na sana ng bigla siyang humarap sakin "I love your voice, by the way."

"T-thank you po." Sabi ko

"See you again, Espen." Nakangiting sabi niya at tuluyang umalis

Napakurapkurap ako saglet at inisip ulit ang nakangiti niyang mukha. Aaminin ko na gwapo siya pero hindi dapat ako magkagusto sa kakikilala ko lang saka ngayon lang naman kayo magkikita non o kaya makita ko siya dyaan habang kumakanta ako dahil costumer siya dito. Napabuntong hininga ako at tinapos na ang yosi ko saka pumasok sa loob.

Back at OneWhere stories live. Discover now