Chapter 7

13 5 0
                                    

Oo, hindi talaga ako kinakabahan pero paonti onti ay natatakot ako na baka anong mangyare mamaya kapag nakita ko na ang mga tao. Huminga ako ng malalim at tumingin sa altar. Nandito kami sa gilid at ayos na rin ang make up namin. Nagulat nga si ate Isay dahil pati ang buhok ko ay maayos na rin.

Kalahati lang ng buhok ko ang nakatali at nakaikot 'yon. Naglabas lang ako ng kaonting buhok sa magkabilang gilid at kinulot 'yon. Si Patricia naman nakapony tale pero nakakulot ang dulo ng buhok. Sinenyasan na kami kaya lumabas na kami sa gilid. Tumingin ako sa mga tao at natigilan ako saglet dahil puno ang simbahan.

[Playing: Kailangan ko'y ikaw by Regine Velasquez]

Nagsimula ang piano at gitara.. Saktong bumukas ang pinto ng kantahin ko ang unang stanza.

"Kailangan ko'y ikaw

Dito sa piling ko..

Kailangan kong madama

Ang pag ibig mo,"

Sinara ko ang mata ko..

"Sa mga oras na

Di ka nakikita..

Para bang ka'y bigat

Ng nadarama.."

Huminga ako at tumingin uli saglet sakanila saka pumikit

"O giliw nasan ka?

Bakit lumisan ka?

Paano na ang puso kong..

Nag iisa?"

Tumingin ako sakanila habang hindi pa ako kumakanta. Nahapin ng mata ko ang familiar na tao kaya natigilan ako. Napabuntong hininga ako at tinaasan na ang boses. Malapit na rin kasi yung bride sa altar.

"O giliw nasaan ka?

Bakit lumisan ka?

Paano na ang puso kong nag iisa?"

Tumigil ako saglet dahil huminga ng malalim. Eto na kasi talaga ang pinakamataas na part. Mas tumaas pa. Pinikit ko ulit ang mata ko.

"Kailangan ko'y ikaw

Sa bawat sandali

Kailangan ko ang yakap mo

At iyong halik

Kailangan ko'y ikaw

Dito sa puso ko~

Paano na ang puso kong

Nag iisa..

Kailangan ko'y ikaw.."

Dinilat ko ang mata ko at nakita ko ang pagkatitig ng mga tao sakin. Hindi mapaliwanag ang mga mukha niya nung una pero napalitan 'yon ng ngiti. Pagkatapos namin kumanta ay pumunta na kami sa likod ng simbahan. Ngiting ngiti naman si Patricia.

"Espen! Nakita mo kanina sila? Grabe. Ang galing mo!" Sabi ni Patricia

"Nakita mo sila kanina." Pagtatama ni Paolo

"Hindi ba pwede 'yon?" Sabi ni Patricia

"Hindi pwepwede 'yon." Sabi Paolo "Tagalog na nga lang nagkakamali pa. Sana kung nageenglish ka."

"Sorry na po." Hindi sincere na sabi ni Patricia

"Espen, kumain na muna kayo para mamaya ay tuloy tuloy na ang kanta niyo." Nakangiting sabi ni ate Isay

Back at OneWhere stories live. Discover now