Chaptef 25

24 2 0
                                    

Espen's POV

DALAWANG LINGGO na ang nakakalipas pero ang cold pa rin sakin ni Nate. Nagkikita kami kapag inaabot kami ng ala una sa Resto pero kapag maaga kami umuuwi, wala. Pagnagkita kami saglet lang, wala pang isang oras aalis na siya.

Mas lalo ko siyang namimiss dahil hindi man lang kami nag uusap na dalawa. Nagngingitian kami at nagtatabi pero hindi kami nag uusap. Ang galing 'no? Taena ayun ang pinakaayaw ko.

"Si Caleb Bartolome naman ang naghatid sainyo?" Mataray na sabi ni Blossom

"Anong meron?" Malamig na sabi ko habang kinukuha sa locker ko ang libro

"Malandi ka! May girlfriend na siya! " Sabi nung nakapink na headband

"Si Jaycee, bakit?" Sabi ko

"At kilala mo si ate Jaycee?" Sabi ni Blossom

"Bakit naman hindi? Girlfriend ni Caleb yun e." Sabi ko at nagsimulang maglakad

Hinawakan ako ni Blossom sa braso ng madiin "Ano bang alam mo sakanila?"

"Bitawan mo ko." Kalmadong sabi ko

"Bakit? Nasasaktan ka ba?" Sabi niya

"Dodoble pa ang nararamdaman ko kapag ginawa ko sayo." Sabi ko

Magsasalita pa sana siya pero agad kong hinawakan ang braso niya at diniinan 'yon. Halos mapaiyak siya sa sakit. Ang kaliwang kamay niya ay akmang tatanggalin ang kamay ko pero agad kong hinawakan ang apat na daliri niya saka diniin diin yin. Nung nabitawan na niya yung braso ko hindi ko pa rin tinitigil ang ginagawa ko sakanya.

"Espen!" Boses ng babae, si Patricia

"Espen baka mapilayan siya!" Rinig ko sa Familiar na boses

Natigilan ako at napatingin kung sino yon. Hindi ko alam ang nangyare pero mabilis na tumulo ang luha ko habang nakatingin sa lalakeng pinakagusto ko. Agad namang lumapit sakin si Patricia.

"E-Espen.. Y-yung mata mo." Sabi ni Patricia

"Ano bang nanyare?" Tanong ni Nate

Dalawang araw kitang hindi nakita tas ganyan ka pa rin?

Dahil sa sobrang inis ko. Diresto pa rin akong nakatingin sa mata niya at pinunasan ang pisngi ko. Tumayo ako ng maayos.

"Walang nangyare." Sabi ko, double meaning 'yan pero hindi niya ata napansin

"Bakit mo siya pipilayan?" Sabi ni Nate

"Dahil trip ko lang?" Sabi ko at ngumiwi

Patigasan ba, Nate? Sige.

"Hindi pwedeng trip mo lang, Espen." Sabi niya

"Eh alam mo naman na pa lang may rason, bakit mo pa ko tinatanong?"

"Kaya kita tinatanong para malaman yung totoong nangyare--"

"Tinawag niya kong malandi, okay ka na?" Inis na sabi ko "Si Caleb ang naghatid saamin dito. Bakit? Dahil pinasuyo lang ni Luis. Alis na ko dahil mukhang wala na kayong tanong.."

Pagkaalis ko pumunta nanlang ulit ako sa room namin. Akala ko titigilan niya na konpero hindi, pumasok suya sa room at pumunta sa harap habang magkasalubong ang kilay na nakatingin sakin.

"Oh my gosh."
"Is that.."
"Ang gwapo niya!" Sabi ng mga babae

"Espen Morales." Sabi ni Nate

Tumayo ako "Ano bang ginagawa mo dito?"

"I want to talk to you." Sabi ni Nate

"Paano kung ayaw ko? Pwede ba? Tigilan mo na lang ako." Sabi ko

Back at OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon