Chapter 11

22 5 0
                                    

"All eyes on us, stupid." Madiing sabi ko

Umalis ako sa harap nila at kinalabit si Luis para sumama sakin sa labas. Alam kong lalabas si Patricia kahit na hindi ko pa sinabi.. At lumabas nga siya.

"Patricia, you make a damn mess!" Tumaas ang boses ko at kumuyom ang kamao

"Espen." Awat sakin ni Paolo

Pumikit ako ng madiin saglet "He's my cousin."

"W-what?" Gulat na sabi ni Patricia

"He's my cousin." Pag uulit ko

"H-how?" Sabi ni Patricia

"Nakita ko si Tita Rov kanina at anak niya si Luis. You know i can't tell the truth to them kaya sinabi muna ni Luis na magkaibigan lang kami. I know you undersand." Sabi ko

"S-syempre naman. P-pero.. P-paano 'yon? May nakakita sayo." Sabi ni Patricia

"Bahala na--" Sabi ko

"I'm not gonna tell anyone." Napatingin kami kay Luis "Kung.. Wala kayong tiwala sakin."

"Thank you for that, Luis, but we don't need your help. Hindi ko alam ang mga iniisip mo pero kung magtangka ka man na sabihin-- i'll tell you in advance that i'm not afraid of facing the problems i will have. I'm not afraid of going back. I'm not afraid to face them." Sabi ko

"O-okay." Natatakot na sabi niya

"Tinatakot mo siya. Ganyan ka ba takaga sa pinsan mo?" Sabi ni Patricia

"'Don't know. This is the first time that i have a cousin with." Sabi ko at pumasok ulit

Pagkadating ko doon nakita ko na naman silang nagtatawanan. Nang makaupo ako uminom agad ako ng alak habang sila naman ay nakatingin na papalapit na sila Luis at Patricia na nag uusap. Ngumiwi ako ng makita silang ganon.

"Pati na naman si Patricia?" Sabi ni Paolo

"Napakaano ng utak niyo 'no?" Naiinis kong sabi

"Chill." Nakangiting sabi ni Nate sakin

Tumingin ako sakanya at may binulong "You look.. Familiar."

"Really?" Sabi niya at ngumiti

"Ewan ko. Parang.. Nakita na kita." Sabi ko

"Lasing ka lang." Sabi niya "Magpahatid ka na kay Luis."

"H-ha?" Sabi ko

"He's your boyfriend, right? Magpahatid ka na sakanya." Sabi niya at uminom ng alak

Ngumiwi ako "Bakit parang.. Nagseselos ka?"

"Ako? Bakit naman ako magseselos?" Sabi niya

Oo nga naman. Lasing na ata ako.

"Ewan ko." Sabi ko

"Magpahatid ka na sakanya. Saka na lang tayo mag usap kapag hindi ka na nakainom." Sabi niya at tumayo "Alis na ko."

Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya "Nakainom ka rin naman a?"

"Hindi ganyan karami ang nainom ko." Sabi niya at tinuro niya ang apat na bote sa harap ko

"K-kahit na." Sabi ko

"Uuwi na ko. Puntahan na lang kita bukas dito." Sabi niya at tumingin sa mga barkada niya "Alis na ko."

Napanguso naman ako at tumingin sakanya na naglalakad na palabas ng resto.

"Bwisit." Inis na sabi ko

Back at OneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin