Chapter 15

36 3 0
                                    

ISANG linggo na simula ng halikan ako ni Nate. Oo, aaminin kong  hindi ko makalimutan 'yon lalo na dahil parang nararamdaman ko pa ang lqbi niya sa labi ko. Sobrang lambot non.

"Tubig." Sabi ni Nate sakin

Kinuha ko yon at umupo sa tabi niya "Thanks."

"First time 'to." Nakangiting sabi niya

"H-ha?"

"First time na tinanggap mo ang alok ko."

"Wala naman akong magagawa. Kung patitigilin naman kita ganon pa rin. Di ka pa rin naman titigil." At uminom

"Paano kung tumigil na ko?"

Natigilan ako at tumingin sakanya "Edi mas okay."

Mula nung araw na hinalikan niya ako wala na kong nagawa pa. Nung gabing 'yon pagkapasok namin sa Ed's Resto nandoon na agad siya kasama si Luis. Nung pagkauwi naman namin ni Patricia non binungangaan na naman niya ako at sinabihan ng kung ano ano kaya naisip ko na hayaan na lang si Nate.

Kung ganto rin naman ang normal na buhay..

Titiisin ko na lang.

"Pwede bang.. Mahiram ko yung gitara mo?" Tanong niya

Tumango ako at ibinigay sakanya 'yon "Marunong ka?"

"Medyo.." Sabi niya

"Ano ang kaya mong tugtugin?" Tanong ko

Ngumiti siya sakin at nagstrum..

"Swaying room as the music starts--"

"Wait." Pigil ko sakanya ng may maalala ako sa kanta

"What?" Tanong niya

"W-wala. Continue." Sabi ko

"Stangers making the most of the dark

Two by two their bodies become one,"

Dahil sa kanta niya naalala ko ang unang pagkita namin ni Nathan. Ayan kasi yung kanta na kinakanta ko ng makita ko siya. Napailing ako at nakinig na lang sa kanta niya..

"I see you through smokey air

Can't you feel the weight of my stare,"

Ang ganda ng boses niya. Binabaan niya ang pagkakakanta dahil mataas talaga ang kanta na 'yon dahil babae ang kumanta. Napatingin ako sakanya..

"You're so close but still a world away

And what i'm dying to say,"

Tumingin ako sa mata niya pababa sa ilong niya hanggang sa labi.. Natigilan ako nay naalala na naman akong familiar na tao sakanya.

"I'm crazy for you

Touch me once and you'll know it's true,"

Tumingin siya sakin at nakangiting kumakanta. Hindi ko nagawang ngumiti sakanya pabalik dahil naalala ko si Nathan Torres sakanya. Napailing ako.

Mali! Ang layo!

"I never wanted anyone like this

It's all brand new, you'll feel it in my kiss

I'm crazy for you,"

Hininto niya ang pagstrustrum na napatingin sakin. Ganon rin ako. Tumingin ako sa mata niya, ilong niya at labi niya.. Naalala ko tuloy yung paghahalikan namin sa rooftop.

Back at Oneحيث تعيش القصص. اكتشف الآن