Chapter 28

19 2 0
                                    

Espen's POV

Nandito kami sa kwarto ko ngayon nakahiga. Nagulat siya nung una dahil wala na yung mga poster ni Nathan.

"Wala ka bang trabaho ngayon?" Tanong ko maya maya

"Wala.."

"Ah.."

"Espen?"

"Hmmm?"

"Aalis ako."

Agad akong napatingin sakanya "S-saan ka pupunta?"

Nilaro laro niya ang daliri ko "Kaya ako nandito para magpaalam sayo.. One week ako mawawala dahil sa ginagawa kong project."

"S-saan ang punta mo?" Tanong ko

"Sa Mindanao.." Sabi niya

"One week ka doon?"

"Yeah."

"Ingat."

"P-pinapayagan mo ko?"

"Trabaho mo 'yun. At saka.. Sinabi mo na rin naman sakin na busy ka talaga di ba? Mukhang busy ka nga talaga." Ngumiti ako

"Sorry, Espen." Sabi niya at hinalikan ang noo ko

"Anong sabi ko? Okay lang kapag trabaho wag lang mangbabae."

"Paranoid ka masyado." Tumawa siya saglet "Bakit hindi mo sinabi na may kapatid ka?"

"Sorry. May galit kasi ako sa mga magulang ko.." Sabi ko at napayuko

"Kaya ba hindi ka masyadong nagkwekwento tungkol sa magulang mo?"

"Oo. Ayoko kasi silang maalala." Sabi ko at umupo saka humarap sakanya "Nate.. T-tumakas lang kasi ako sakanila. I-i mean, naglayas ako."

"Bakit ka naglayas? Kaya ba ikaw na yung nagtratrabaho para sa sarili mo?"

"Oo. Eto rin yung rason kung bakit.. Hindi ko masabi sayo, yung kay Luis.. Hindi ko talaga alam na pinsan ko siya, ang alam ko lang familiar yung apelyido niya saakin. Nalaman ko na lang dahil kumanta kami sa wedding event tas nakita ko si Tita Rov."

"May.. Hindi ka pa ba sinasabi sakin, Espen?"

Dahil nagtititigan kami sa mata. Bigla akong kinabahan kahit na normal lang yung mukha niya.

"Uhmm.."

"Espen, girlfriend na kita.. At gusto kong ako yung may kilalang kilala sayo. Hindi si Luis kahit na pinsan mo. Hindi si Patricia na kaibigan mo. Gusto ako."

"Meron akong Ate. Si Ate Faun at hindi talaga Espen ang tunay kong pangalan." Sabi ko dahil sa takot na magalit siya sakin

"Anong totoo mong pangalan kung ganon?"

"Beatrice Faunespen Morales."

Tumawa siya "Beatrice, huh?"

"Beatrice ang tawag sakin nila Rounzel. Pati na rin nila Patricia."

"Ako rin may tinatago sayo.." Sabi niya

"H-ha?"

Ngumiti siya at hinalikan ang ilong ko "Pero hindi ko pa pwedeng sabihin sayo. Surprise."

"A-ano?"

"Surprise nga, Espen e."

"B-bakit Espen pa rin ang tawag mo sakin?"

"Maiba. Gusto mo Faunespen--"

"Ayoko! Ayoko non!" Sabi ko

Tumawa siya "Matulog na tayo.."

Back at OneKde žijí příběhy. Začni objevovat