Chapter 24

22 3 0
                                    

Espen's POV

"Ang lungkot mo?" Tanong ni Luis

"Ano bang nararamdaman mo kapag wala si Mariane sa tabi mo?" Sabi ko at pinagpatuloy ang pagtugtog

"Ngayon? Hindi na ako nalulungkot dahil kasal at may anak na kami. Siguro noon, nung hindi pa kami kasal, namimiss ko siya agad." Sabi ni Luis

Sana ganon rin siya.

"Ah." Nasabi ko na lang at tumugtog ulit

"Busy lang talaga siya, Espen." Sabi ni Luis

"Alam ko naman 'yon." Sabi ko

Hindi ko lang talaga mapigilan

"Baka mamaya humabol 'yon. Isa pa 'yong lalakeng yun e, baliw sayo." Natatawang sabi ni Luis

"Hayaan mo na siya. Kung sa trabaho naman niya 'yon okay lang sakin. Pero kapag nambabae siya baka hindi lang suntok ang abutin niya sakin." Sabi ko

"Gusto mo na talaga siya 'no?" Sabi ni Luis

"Oo." Walang pag aalinlangan na sabi ko

Mas lumaki ang ngiti niya "I'm happy for you."

"I'm afraid but.. Happy." Sabi ko

"Hindi mo pa ba sasabihin sakanya?" Tanong niya

Umiling ako habang malungkot na ngumiti "Hindi pa ako ready e."

Tinapik niya ang balikat ko "Okay lang 'yan pero sana, Espen, masabi mo ng mas maaga habang hindi pa kayo. Mas mahirap kasi kung kayo na tas may sikreto pa rin kayo sa isa't-isa."

Kumunot ang noo ko "Anong ibig mong sabihin?"

"Malay niyo mah hindi pa kayo sinasabi sa isa't isa.. Mahirap yun."

Tumango tango ako at itinayo ang gitara saka nagsindi ng yosi. Nag iisip kasi ako kapag nagyoyosi. Tumingin ako sakanya at kinunotan ulot siya ng noo.

"Bakit ka pa nandito?"

"Espen, hindi matutuwa si Nate sayo kung ganyan ang ginagawa mo."

"Nag iisip isip lang naman ako, bawal ba? Hindi ko naman araw araw na ginagawa 'to."

"Pero bawal mo pa ring gawin 'yan kahit na papayagan ka ni Nate."

"Luis, pwede ba? Hayaan mo na lang ako."

"Oh! Nagyoyosi ka pala, Espen?" Nakangiting sabi ni Caleb

Tumingin ako kay Caleb "Minsan lang."

"Ang cool mo talaga." Natatawang sabi ni Kenshin

"Para siyang si Ate." Sabi ni Caleb at ngumiwi

"May Ate ka?" Tanong ko

"Wala. Only child lang ako." Tumayo siya ng maayos at ipinasok sa bulsa ang kamay "Pinsan ko yun na malapit sakin. Parang Ate ko na kumbaga."

"She's cool.. Like you." Sabi ni Luis

Tumayo ako "Hmmm.. Maybe sometimes i'll meet her." Saka pumunta sa stage

10 na nang gabi at pwede na kaming kumanta. Actually kanina pa dapat. Isang kanta lang ang kinanta ko mag isa saka ako bumaba at kumuha ng San Mig Light. Gusto ko muna ngayon uminom.

"Hoy, babae--- ano ka ba naman! Espen!" Pigil sakin ni Patricia dahil ininom ko ng diretso yung San Mig, nakalahati ko lang naman

"Espen, you're being stubborn today." Madiing sabi ni Luis

Back at OneWhere stories live. Discover now