Chapter 8

17 5 0
                                    

"Hoy! Bakit ka tumigil?" Sigaw ni Patricia

Napakurap kurap pa rin ako sakanya.

"Espen!" Tawag ni Patricia

Napatikom ako ng bibig at mabilis na binaba ang gitara ko sa sahig at umalis doon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya sa cr na lang. Habang nakatinginnsa salamin ay nakita kong namumula ang mukha ko. Napakagat ako ng labi at sinampal ang mukha.

Paano ako kakanta nito? Kainis.

Nakapikit pa ko kanina mukha akong tanga. Tsk!

Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili. Sakto naman nung lumabas ako galing cr nandon si Patricia. Hinila niya agad ako papunta doon sa table namin at nakita kong marami ng tao at nandon na ang bagong kasal. Nang nagpalakpakan sila pumalakpak na lang rin ako kahit hindi ko alam.

"Hija, pagkatapos magsalita ng mga kaibigan ng groom at bride kakanta na kayo." Sabi sakin ni ate Isay

"O-opo." Sabi ko

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Patricia

"O-oo naman." Sabi ko

"Ano ba kasing nangyare sayo kanina?" Sabi ni Patricia

"Pat.." Sabi ko at inalala ang mukha niya

Ang gwapo niya. Ang pink ng mga labi, ang ayos ng buhok niya, ang tangos ng ilong, ang kapal ng kilay niya, ang hot niya tignan sa suot niya at ang ganda ng mga mata niya. Napangiti ako ng wala sa sarili.

"Huy!" Tawag ni Patricia sakin "Para kang baliw! Ngumingiti ka mag isa."

"Dream come true, Patricia." Nakangiting sabi ko

"H-ha? Ano bang pinagsasasabi mo?" Tanong niya

"Nakita ko si Nathan.." Nakangiting sabi ko

"H-ha? S-saan? Dito? N-nasaan siya? Oh my gosh!" Sunod sunod na sabi niya

Ngumuso ako at luminga linga "Hidni ko na alam kung nasaan siya e."

"Kaya ba tumigil ka sa pgkanta kanina?" Tanong niya

"Oo." Nakangiting sabi ko

"Sana makita ko rin siya." Sabi ni Patricia

"Nakita mo? Ang gwapo 'no?" Sabi ni Paolo kay Rev at umupo silang dalawa sa tabi ko

"Sino?" Sabi ko

"Anong pinag uusapan niyo?" Tanong ni Patricia

"Sila Kenshin nandito!" Sabi ni Paolo "Ang gwagwapo nila. Halatang mayaman!"

"N-nandito sila?" Sabi ko

"Oo! Nakita nga rin namin yung singer e!" Sabi ni Rev

"Sino? Si Nathan?" Excited na sabi ni Patricia

"Hindi! Si Lorrence ata 'yon?" Sabi ni Rev

"Ah." Sabi ni Patricia

"Ang gwapo talaga ni Lorrence 'no?" Rinig kong sabi nung waitress doon sa kasama niya

"Oo nga, parang hindi siya mukhang thirty." Kinikilig na sabi nung kasama niya

Napanguso ako at luminga linga ulit. Hindi ko na siya makita! Isa't kalahating oras pa bago kami kumanta. Habang nasa stage ay tumingin tingin ako sa bawat table pero wala talaga siya. Nakaanim na kanta ata kami ta's nagsalita na naman yung emcee.

Isa't kalahating oras uli kaming nakaupo at nakikinig. Pagkatapos ay umakyat na kami ulit sa stage. Ngumingiti ako sakanila kapag napapatingin sila sakin. Kumakain na kasi sila. Hindi ko na mabilang ang kinakanta namin pero marami rami na rin. Last na kanta namin ay A thousand Years

"Ang galing ng mga singers natin 'no?" Sabi nung emcee at hinawakan ako sa braso

Ngumiti ako at tumingin sakanya saglet bago tumingin sa mga tao "Thank you."

"Ang ganda mo naman, anong pangalan mo?" Nakangiting tanong niya

"Espen." Nakangiting sabi ko

"Sige, dahil singer ka.. Ano yung pinakagusto mong kantahin sa groom at bride natin?" Nakangiting tanong niya

"Siguro po.. Yung ginawa kong kanta na love song." Nakangiting sabi ko

"Wow, gumagawa ka ng kanta.. Sino yung inspirasyon mo?" Tumingin siya sa mga tao "Kasi di ba, ang sabi nila kaya lang nakakagawa ng kanta ang isang tao dahil sa inspirasyon mo at dinadamdam mo?" Tumingin ulit siya sakin

Nahihiya akong ngumiti "Sa totoo lang, idol ko siya."

"Sino ba 'yang idol na 'yan? Nandito si Bryan Lee, si Lorrence Garcia, si Rachel Flores.." Sabi niya at may tinuro sa gilid "Oh, nandito rin si Nathan Torres.."

Napatingin ako sa gilid at nakita kong nakatayo si Nathan na para bang kararating lang. Nagkatinginan kami kaya naramdaman ko na naman ang nag iinit kong pisngi. Nag iwas ako ng tingin sakanila na kahit na alam kong makikita't makikita pa rin nila ako. Narinig ko ang bungisngis ni Patricia.

"Namumula ka na, Espen." Natatawang sabi ni Patricia pero walang mic

"Aba! Mukhang nandito ang idol mo a? Sino ba 'yan?" Sabi nung baklang emcee at lumapit kay Patricia na natatawa pa rin "Sino ba 'yon?"

Sinamaan ko ng tingin si Patricia at pinigilan ang kilig na nararamdaman. Napakagat ako ng labi dahil ang daming taong nakatingin saamin. Lalong lalo na si Sir Joshua!

"Sabihin mo samin, uupakan kita!" Sabi nung emcee

"M-magagalit po 'yan." Natatawang sabi ni Patricia "Namumula na nga po oh."

"Ibulong mo na lang." Sabi nung emcee

Dahil ang tanga ni Patricia, binulungan niya nga yung emcee. Mas lalo akong namula at hindi ko alam ang gagawin ko. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Nakangiting tumingin yung emcee sa mga tao.

"Ah! Sabihin na lang natin na sa N ang first letter." Nakangiting sabi nung emcee

Napaisip ang mga tao saglet at natatawang tumingin kay Nathan. Napatingin ako saglet kay Nathan at nakangiwi siya sakin. Natigilan tuloy ako ng makita ang ngiwi niya. Pakiramdam ko hindi ko lang sa picture at video 'yon nakikita. Pakiramdam ko sa personal ko nakita yon.

Onti onting nawawala ang pamumula ko. Hinarap naman ako nung emcee.

"Anong kanta 'yon?" Nakangiting tanong sakin nung emcee

"A-ayoko na." Nahihiyang sabi ko

"Ayaw mo pa maririnig na ni Nathan!" Sabi ni Partricia habang walang mic

Tumawa naman ang emcee at kinulit ako. Napakagat ako ng labi at nanginginig na hinawakan ang mic.

"Ikaw ang una't huli,

Pag ibig ng buhay ko

Kay tagal mang naghintay

Nandito ka na aking habang buhay

Singlinaw ng langit na bughaw

Hanggang sa dulo ako at ikaw

Iginuhit na ng tadhana

Na tayong dalawa..

Ay maging isa."

"Ikaw ang una't huli,

Mamahalin ng ganto.."

Huminto ako at tumawa saka ibinigay sakanya yung mic.

"Hindi pa tapos."

"Kanta kanta ka di naman pala tapos." Sabi nung baklang emcee kaya nagtawanan ang mga tao

Uminit na naman ang pisngi ko "Busy kasi e. Di ko na natapos."

Back at Oneحيث تعيش القصص. اكتشف الآن