Chapter 12

25 3 0
                                    

Magiging


Dahil mga chismosa at chismoso ang nasa school namin.. Nakatingin sila kay Luis na ihahatid kami sa room. Ayaw kong ihatid niya kami pero dito rin daw siya nag aral nung college siya kaya okay lang. Napapatingin ako sa mga babae kapag tumitili at tumatalon talom ng makota si Luis.

"Mukhang famous ka dito a?" Sabi ni Patricia

"Hindi naman ganyan dati ang mga estudyante dito." Natatawang sabi ni Luis

"Iba talaga kapag gwapo 'no?" Sabi ni Patricia

Ngumiwi si Luis "Saan ba ang room niyo?"

"Dito na." Sabi ko at tumigil

"Thank you sa paghatid." Sabi ni Patricia

"Don't mention it." Nakangiting sabi ni Luis

"Wag mo na gagawin ulit 'to. Tignan mo yung power puff girls doon ang sama na ng tingin samin." Sabi ko

Tumingin siya doon sa tinuro ko at tumawa "Araw araw ko na 'tong gagawin."

"Hindi na--" Sabi ko

"Bye." Sabi niya at umalis

Napabuntong hininga ako at binuksan ang pinto "Bakit may pinsan akong ganon?" Saka tuluyang pumasok

"Pareho lang naman kayo." Sabi ni Patricia

PAGKATAPOS ng klase namin kahit maggagabi na ay pumunta pa rin kami sa rooftop dahil doon talaga kami nagpapahinga ni Patricia. Mahigit isang oras na kami ditoat tumatawag na saamin sila Edren at Luis pero binababa ko yon.

Umupo si Patricia sa tabi ko habang kumakain ng tsitserya.

"Kanina pa sila tumatawag.. Hindi pa ba tayo aalis?" Tanong niya

"Hmmm.. Ayaw ko pa." Sabi ko

"Tinatamad ka 'no?" Nakangiting sabi niya at binigyan ako ng tsitserya

"Medyo. At saka.. Masakit kasi yung lalamunan ko, pakiramdam ko papausin ako." Sabi ko

"Edi ako na lang kakanta o kaya si Paolo at Rev. Maggitara ka na lang muna." Sabi niya

Napabuntong hininga ako at tumingin uli sa phone ko na tumutunog.

Edren's calling...

"Tara na nga." Sabi ko at tumayo "Basta ikaw ang kakanta, ha?"

"Oo ba." Nakangiting sabi niya at tumayo na rin

PAGKARATING namin sa resto nandon sila Luis. Agad niya akong nilapitan..

"Where the hell did you go?" Inis na sabi ni Luis

"Sa school." Sabi ko

"Wala kayo sa school." Sabi ni Luis

"Sinundo mo kami?" Tanong ni Patricia

"Kanina pa ako tumatawag sainyo at hindi niyo sinasagot kaya pumunta na ko sa school niyo. Hinanap ko kayo pero wala naman." Sabi ni Luis

"Nasa rooftop kami." Simpleng sagot ko at binaba ang bag

Pagkatingin ko agad sakanila nakita ko sila Kenshin, Elliott at Nate. Naalala ko naman agadyung nangyare kanina. Nagkatinginan kami at nakita ko ang nakasalubong niyang kilay kaya kumunot ang noo ko.

"Si Edren?" Tanong ko

"Yes, girl?" Sabi ni Edren na kararating lang

"Si Pat muna ang kakanta. Magigitara lang ako." Sabi ko

"Okay, girl." Sabi ni Edren at umalis

"Tara. Simulan na natin." Sabi ko at aakyat na sana sa stage

Napatingin ako sa humawak sa braso ko. Nakita ko ang walang ekspresyon na mukha ni Nate kaya kumunot na naman ang noo ko. Si Patricia naman ay nauna na sa stage.

"Let's talk." Sabi niya

Wala akong sinagot at umakyat na sa stage. Kinuha ko ang electric guitar at umupo saka ipinatong yon sa hita ko. Si Patricia ang kakanta at aasahan ko na na ang mga kantahan niya ay maiingay. Ako ang tumutugtog ng base kaya ang daliri ko ang maraming nagagawa.

Dalawang oras ang lumipas at nagpahinga na muna kami pero yung pahinga na 'yon ay hindi pahinga para saakin. Kahit na nasa likod kami ng stage naggigitara pa rin ako at nagbabasa ng tabs na ginawa ni Rev at Paolo.

"Kayo na kakanta pagkatapos nito di ba?" Tanong ko kay Paolo

"Oo. Madali na lang naman 'yan dahil natugtog na natin 'yan dati. Pamilyar ka naman, di ba?" Tanong ni Paolo

"Oo." Sabi ko at tinuloy ang paggigitara

Nasa ganong posisyon ako ng biglang may umupo sa harap ko. Napatingin ako kay Nate kaya nainis na naman ako. Nakita ko ang paggalaw ng bagang niya at masamang tumingin sakin.

"Ano?" Sabi ko

"Let's talk." Sabi niya

"Nag uusap na tayo." Sabi ko

"Sa labas." Madiing sabi niya

"A. Yo. Ko. Pwede ba, Nate?" Inis na sabi ko at tumayo

Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya. Nawala ang pagsasalubong ng kilay ko ng makita ang mata niya dshil nakaramdam ako ng kakaiba. Hindi ko alam kung ano.

Natigil lang ako tumingin sakanya ng maramdaman ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Tumingin ako sa paligid at nakita kong nakangiwi sila Patricia sakin at may sinasabi sila Kiray at Edren. Si Luis naman ay nakatingin lang saaming dalawa. Ganon rin sila Kenshin.

"Let's talk.." Malumanay na sabi niya

"A-ayoko." Sabi ko at tumalikod

"Then sing for me." Parang napapaos na sabi niya

Hindi ko siya pinansin at umupo na lang doon sa hagdanan paakyat sa stage. Tumingin ako sakanya saglet at nagsimula ng magstrum. Natigilan lang ako sa pagstrum ng nakita kong nilagpasan niya lang ako.

"Uwi na kami." Sabi ni Kenshin at tumayo na rin

"Oo nga pala, Espen." Sabi ni Elliott at huminto sa harap ko.

"Oh?" Tanong ko

"Magpapaalam na ko sayo." Sabi ni Elliott at ngumuso

"Bakit? May sakit ka?" Natatawang sabi ko

"Gago, hindi!" Sabi ni Elliott "Uuwi na kasi ako sa Mindanao. Nandoon ang girlfriend ko e."

"Ah. Ingat sayo." Sabi ko

"Para ka talagang lalake na minsan babae." Nakangiwing sabi ni Elliott

"Raulo. Umuwi ka na lang doon sa girlfriend mo." Natatawang sabi ko

Naglahad siya ng kamay sakin kaya kinamayan ko siya pero nagulat ako ng hilain niya ako at niyakap.

"Saglet pa lang kita nakilala pero kaibigan na ang turing ko sayo." Sabi niya at hinarap ako

"Kung ganon ay salamat." Nakangiting sabi ko "Wag ka mag alala. Nandito pa ko pag uwi mo."

"Mukha nga, dahil magiging girlfriend ka ng bestfriend namin." Sabi niya at ngumiwi

"H-ha?" Sabi ko

Hinakbayan siya ni Luis "Don't.. Listen to him, Espen. Uuwi na lang kami."

"Sige. Ingat." Sabi ko at tumalikod na sila "Hoy, Elliott! Ingat! Sana bumagsak eroplano mo!"

"Fxck you! Sana maputulan ka ng string!" Sigaw niya sakin pabalik

Natawa ako at umiling iling. Pagkauwi nila ay nagsimula na ulit kami. Sa araw na 'yon hindi ko na nakita pa si Nate. Naiinis ako daahil hindi naman niya ako kilala at saglet lang niya ako nakita nagkagusto na siya sakin.

Ano 'yon? Manloloko?

Wala na talagang lalake na matino ngayon. Kapag nakakita ng babae magugustuhan agad. O kaya naman paniniwalain lang yung mga babae na mahal talaga nila yun. Bakit ba kasi ako nag iisip ng ganito? Ugh! Iisipin ko na lang si Nathan Torres!

Back at OneWhere stories live. Discover now