Chapter 9

16 5 0
                                    

Nathan Torres


Pagkatapos kong kantahin 'yon alam ko na namang namumula ako. Mabuti na lang at pinaalis na rin kami nung emcee. Ilang oras pa ang nakalipas at sakto hindi na ko kakanta. Nakaramdam kasi ako nang sakit ng lalamunan kaya sila Patricia muna ang kumanta.

Dahil sila Patricia na ang kumakanta pumunta muna ako sa labas para magpahangin. Marami akong problema at iniisip pero kapag nakikita ko ang picture ni Nathan nakakalimutan ko yon, nga lang walang picture si Nathan dito. Napanguso ako at umupo sa hagdan.

Bumuntong hininga ako at ipinatong ang kamay ko sa tuhod kong nakataas. Pagkatapos naman ay ipinatong ko ang baba ko sa kamay ko. Sinubukan kong lumunok at sumakit na naman ang lalamunan ko, para bang may nakabara doon at tumutusok.

Seriously?

"Hi."

Napatingin ako sa likod ko ng may magsalita. Umupo siya sa tabi ko kaya napaiwas agad ako ng tingin sakanya dahil namumula ako.

"Hi." Sabi ko habang nakatingin sa malayo

"Espen, right?" Nakangiting sabi niya

"Hmmm.. O-opo." Sabi ko at tumingin sakanya

"You look sad, i wonder why?" Sabi niya

"H-hindi p-po." Nahihiyang sabi ko

"Bakit hindi ka nga pala kumakanta?" Tanong niya

"Uh.. Yung lalamunan ko.. Uhm.. Masakit na kasi." Sabi ko at ngumiti

"Ah. Kumain ka ng matamis?" Sabi niya "O uminom ka ng malamig na malamig na tubig?"

"A-ah! H-hindi po. P-puyat kasi." Sabi ko

"That's bad." Natatawang sabi niya "Buti nakarating ka pa dito? Ang aga pa naman nung kasal.. Tsk, ginising nga nila ako kaya naiinis ako. Alam namang puyat rin ako--"

"Mas masama sayo ang magpuyat." Tumawa ako "Dahil singer ka at marami kang fans."

"Singer ka rin naman a?" Sabi niya

Natawa naman kaming dalawa. Late ko na lang napansin na hindi na ko namumula. Napatikom ako ng bibig at tumingin sa malayo ulit. Nalungkot naman ako ng maisip na ngayon lang mangyayari 'to. Ngayon ko lang siya makakasama at makikita ng malapitan.

Sana hindi na matapos 'to.

"I'm Nathan Torres." Sabi niya kaya napatingin ako

Hindi ko nagawang ngitian siya "Alam ko."

"Seryoso mo naman." Sabi niya

"May naisip lang." Sabi ko

"Ano?" Sabi niya

Tumingin ako sakanya ng seryoso. Nakita kong nawala ang mga ngiti niya sa labi at napatitig sakin. Tinitigan ko siya mula buhok hanggang adams apple. Napangiti ako pero napansin ko ring tumulo ang luha ko.

Shit! Shit! Shit! Bakit hindi mo pinigilan?!

"H-hey.. B-bakit ka umiiyak?" Sabi niya at mabilis na pinunasan ang pisngi ko

Ganto ako kasaya. Dahil nakita ko yung idol ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi siya yakapin ng mahigpit. Isang taon ko na siyang idol, simula ng umuwi ako dito sa Pilipinas ay siya na agad ang napansin ko. Ang daming singers at artista sa buong mundo. Isang taon ko pa lang siyang idol pero nakita ko na siya. Yung ibang fans nga ilang taon na nila idol 'yon hindi pa rin nila nakikita.

May kpop na sobrang kilala at hindi ko naman maidedeny na gwapo sila at magaganda ang kanta at boses nila. Maraming mga babae na katulad kong pinapangarap na makasama at makita ang iniidolo nila. Sa concert nga swerte ka na kapag nahawakan ka nung idol mo.

Back at OneWhere stories live. Discover now