Chapter 30

18 2 0
                                    

Espen's POV

Isang linggo na mula ng malaman ko na si Nathan ay si Nate. Masaya ako dahil sa ginawa niya at masaya rin ako dahil yung idol ko pala e matagal ng nasa harap ko at ang mas masaya don.. Mahal niya ko at mahal ko siya. Ang hindi lang maganda doon ay yung marami ng nakakaalam kung sino ako. Laging tumitingin si Patricia sa social media at buti na lang ay hindi nila ako mahanap.

Alam nilang lahat na pinsan ako ni Luis at hindi ko alam kung saan nila nakukuha ang mga ganon. Tuwing lalabas ako para na rin akong si Nate. Lalong lalo na sa Resto, marami ng kumakain at nanonood saamin. Medyo nahihiya lang ako dahil halos minsan hindi na sila magkasya sa Resto. Ganon karami ang mga tao!

"Tignan mo sabi sayo.. Ang ganda ganda daw ng boses mo, nakakainlove daw." Sabi ni Patricia

"Pat, tama na 'yan." Sabi ko at nilipat ang channel ng tv

"Kyaaa!" Tili niya "Sabi sayo bagay daw ako ni Nathan!"

"Patricia, hindi ako natutuwa." Sabi ko

Ngumuso siya "Bakit naman?"

"Paano kung mahanap ako? Hindi ko alam kung buong mundo pero mukhang ganon na nga dahil kilala si Nathan!" Inis na sabi ko

"Nandito naman yung kapatid mo e! Di niya hahayaan yon." Sabi niya

Pagkasabi na pagkasabi niya non biglang may kumatok kaya nagkatinginan kami. Sinenyasan niya ko na ako na magbukas kaya tamad akong tumayo. Pagkabukas ko ng pinto para akong nabuhayan dahil nakita ko si Nathan. Hindi na siya nakamask.

"Hey." Sabi niya at niyakap ako

"B-bakit ka nandito? Akala ko matagal ka pa mawawala?" Sabi ko at niyakap rin siya

"Can i talk to you for a minute?" Sabi niya at hinarap ako "Alone?"

"S-sige. Doon tayo sa kwarto ko." Sabi ko

Habang nakikipag usap siya kay Patricia ramdam ko ang pagiging malamya niya. Ramdam ko ang pagos ng mga mata niya kaya parang nanghihina na rin ako. Hindi ko alam kung bakit ganto ang nararamdaman ko kapag nararamdaman kong malungkot o di kaya pagod siya.

Ganto ba talaga kapag mahal mo?

"Espen.." Sa wakas at nagsalita siya

"Hmm?" Tumingin ako sakanya, nandito na kami sa kwarto ko kanina pa

Hinawakan niya ang kamay ko "Are you mad?"

Ngumiti ako at pinisil ang pisngi niya "Hindi 'no."

"Bakit ang lungkot mo?" Tanong niya

"Kasi malungkot ka." Sabi ko "Yakapin mo nga ako." Umupo ako sa harap niya, nakatalikod ako habang niyayakap niya ako. Pinagsiklop ko ang mga daliri namin

"Ang swerte ko sayo." Mahinang sabi niya

Ngumiti ako at tumingin sakanya "Me too. Sobra."

Kiniss niya ang pisngi ko at tumahimik na naman. Dahil hindi ko na kayang patagalin ang katahimikan niya, humarap ako sakanya at dinampian ng halik.

"Kausapin mo naman ako." Nakangusong sabi ko "Ikaw ata ang galit satin e."

"Pagod lang ako." Sabi niya at pinilit na ngumiti

"Bakit ka pa dumiretso dito?"

"Para makita ka."

"Pwede mo naman akong puntahan bukas."

"Hindi ko na kaya e."

Napangiti ako at pinulupot ang braso ko sakanya "Dito ka na lang matulog.."

Back at OneΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα