Chapter 4

22 5 0
                                    

Hindi ko alam kung saan kami nagpunta. Basta walang umimik sa loob ng kotse niya. Nang tumigil ang kotse niya tinignan ko kung saan kami pumunta at sa 7/11 'yon kaya napakunot ang noo ko.

"A-ano bang ginagawa natin dito?" Sabi ko

"Stay here. I'll buy you coffee." Sabi niya at mabilis na bumaba

Naiwan akong tulala at inisip kung bakit sumama ako sakanya. Ngumuso ako at sumandal saka pinagcross ang braso.

Ang bobo mo, Espen!

Ilang minuto lang at bumalik na rin siya. Tumingin ako sakanya habang siya ay nakangiti sakin habang binibigay ang kape. Nahihilo na talaga ako.

"I assume na lasing ka na kaya binili kita ng kape." Sabi niya at pinaandar ang kotse

"N-nakainom nga ako." Tinaasan ko siya ng kilay "Kaya ba binili mo 'ko?"

"H-huh?" Nagtatakang tanong niya

"Wag ka nang mag maang maangan pa, Manong. Alam ko 'yang galawan na 'yan at alam ko na rin ang susunod na gagawin mo sakin. Dadalhin mo ko sa Motel?" Tumawa ako "Pasensya na, hindi ako ganong babae." Saka lumabas ng kotse niya

Di pa kalayuan ay natigilan na ko dahil hinawakan niya ang braso ko at hinarap siya. "What the hell are you talking about?"

"Manong--" Sabi ko

"Don't call me manong." Inis na sabi niya

"Basta! Kung hindi mo maintindihan eenglishin ko! I'm not GRO, okay? and to tell you the truth.. I'm not fxcking drunk so stop you're intention! So please? Go away!" Sunod sunod kong sabi at tinalikuran siya

Bahagya akong nakaramdam ng inis nang iharap na naman niya ako sakanya. Nakangisi siya habang tinitignan ako kaya napakunot ang noo ko at umayos ng tayo.

"Why are you smiling?" Nagtatakang tanong ko

"W-wow." Namamanghang sabi niya "You sounds like you're really good at english. Like.. English is your first language. Y-you have an accent."

Dahil sa sinabi niya natigilan ako at inalala ang rules. Inis akong napapikit dahil sa inasta ko at tumingin sakanya. Naisip ko na sakanya lang naman at dahil englishero naman siya ay okay lang. Mukhang normal naman sakanya na makipag usap ng english.

Anyway, bakit kasi issue yung language?

"Bahala ka." Sabi ko at tinalikuran siya saka naglakad

"Hey, may i get your number?" Tanong niya habang sinusundan ako

"Hindi pwede." Madiing sabi ko

"Number lang naman. Wala namang masama doon." Sabi niya

"Hindi pa rin pwede dahil baka mangulit ka." Inis na sabi ko at binilisan ang paglalakad

"Hindi ako ganong klaseng tao, Espen." Sabi niya at hinablot ulit ang braso ko kaya napatingin ako sakanya "I just wanna have communications with you."

Umayos ako ng tingin sakanya "Please stop this? You are our costumer for heaven's sake! I didn't even know your name and you're expecting me to give you my number?"

Hindi ko na kaya!!!!!

"E ano naman kung costumer niyo ko? And my name? I can't tell you that." Sabi niya

"Bakit? Para hindi kita mahanap once na maanakan mo kong hinayupak ka?" Galit na sabi ko

"A-ano bang pinagsasasabi mo, Espen-- wala akong masamang gagawin sayo." Inis na tugon niya

Hay lasing nga ako

"Really, huh? Bakit mo ko hinila at pinunta dito? Dahil bibilhan mo ko ng kape at magkautang na loob sayo? Gosh, please, don't me." Sabi ko at napabuntong hininga

"Alam mo, hindi ko alam sayo kung bakit ganyan ka. Masyado kang maraming iniimagine!" Sabi niya "Ibabalik na kita sa resto." at hinawakan ang braso ko

Tumawa ako "No thanks, kaya ko ang sarili ko." at inalis ang hawak niya

"But you're drunk--" Sabi niya

"Mas pipiliin kong maglakad kesa sumakay sa kotse mo. Hinayupak na 'to.." Sabi ko at binulong ang panghuling sinabi ko

Ilang minuto pa kaming nag away na dalawa at sumuko na rin siya. Napatingin ako sa relo ko at 2:30 na ng madaling araw. Dahil bumalik na ako sa wisyo, nagtanong na ko sa mga naglalakad kung nasaan ako. Mabuti na lang at alam ko ang lugar pero medyo malayo 'to sa resto ni Edren.

Habang naglalakad ako nakasalubong ang kilay ko. Malapit na ko sa resto pero hindi pa rin mawala sa isip ko yung hinayupak na 'yon. Anong tingin niya sakin GRO? Hindi porket gwapo siya e makukuha niya ang kabataan ko. Ni wala pa nga akong nagiging boyfriend e.

Habang naglalakad ako ay napatingin ako sa familiar na kotse. Kumunot ang noo ko at hindi na nagdalawang isip na pumasok pa sa loob. Wala ng mga costumers pero mas lalo atang dumami ang bisita ni Edren. Tinaas ni Paolo ang kamay niya.

"Uy! Espen!" Sabi niya "Tara!"

Ngumiti ako sakanila at ininom ang kape ko habang naglalakad papalapit. Uupo na sana ako sa tabi ni Edren ng bigla kong nakita yung lalakeng nagpapicture sakin nung gabe. Nakangiti siya sakin at ininom ang alak niya habang ako ay nakakunot ang noo.

"A-anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sakanila

"Inaya kasi kami ni Edren." Sabi nung nagpapicture sakin at napansin ang kape ko "Oh. So you're not going to drink?"

"Madaya naman 'to! Nagkape ka na agad, girl? Mag iinuman pa tayo!" Sabi ni Edren

"Pasensya na, ayoko na kasing uminom-- wait, nasaan si Pat?" Tanong ko

"Inuwi ko na kanina sainyo. Ang bilis talagang tamaan nung baklang 'yon." Sabi ni Kiray

"K-kung ganon.. U-uuwi na rin ako." Sabi ko at nagtama ang tingin namin nung nakahoody na may hawak na bote

Nandito na siya agad? Nakakotse nga pala siya..

"Ano ba, girl? Hindi ka na nga iinom tapos uuwi ka na agad?" Tanong ni Edren "Magtatampo na ko sayo onti na lang."

"A-ah. S-sige, d-dito muna ako." Sabi ko at umupo sa tabi nung nagpapicture sakin

No choice na ko. Sa tabi na lang niya ang may space.

"Inom ka, 'te?" Tanong ni Kiray "Inom ka na!"

"A-ayoko na. Nagkape na ko e." Nakangiting sabi ko

"Mga pogi magpakilala kayo kay Espen!" Sabi ni Edren

Ngumiti sakin yung katabi nung mahaba buhok "Hey, i'm Caleb Bartolome."

Ngumiti naman sakin yung mahaba yung buhok "I'm Kenshin Lim."

Sunod naman ay yung katabi nung Kenshin "Elliott Magalona, pretty."

Sunod naman ay yung katabi nung nakipagpicture sakin "Sup, i'm Alex Suarez."

Tumingin sakin yung nakipagpicture sakin "I'm Luis Miller, lady."

"Hi." Nakangiting sabi ko

"Ang bobongga ng mga pangalan, di ba?" Nakangiting sabi ni Kiray

"Y-yeah.. A-at yung mga apelyido.." Natitigilang sabi ko

Shit! I know Miller!

Tumayo si Caleb at tinuro yung nakahoody na kasama ko kanina "And that is Nate."

Bumulong sakin si Luis "Sorry, hindi talaga pala kibo ang isang 'yan."

Really? E ano yung kanina?

"So.. Anong pangalan mo?" Tanong ni Elliott

Back at OneWhere stories live. Discover now