Chapter 33

11 2 0
                                    

Third person's POV

"Ibabalik niyo na ba kami sa bansa namin?" Tanong ni Espen

"Isang taon rin kayong pinahanap ng magulang niyo saamin. Kailangan niyo ng umuwi sainyo." Sabi ni Samantha

"Alam ko." Sabi ni Espen at nag iwas ng tingin "Sinabi mo na ba sakanila 'to?"

"Hindi pa kami nagsasabi pero kung ayaw niyo talagang umuwi wala kayong magagawa dahil kami na mismo ang maghahatid sainyo." Sabi ni Samantha

"Hindi na kailangan. Madali akong kausap." Sabi ni Espen "Kailangan ko na bang umuwi ngayon?"

"Tinawagan namin ang mga magulang niyo." Sabi ni Einna "Hindi pa sila nakakauwi sa Sweden kaya baka saamin muna kayo ngayon."

"Hindi kami tatakas kung ayon man ang nasa isip niyo.." Sabi ni Espen "Kung gusto niyo ibigay pa namin ang address namin sainyo. Wag kayong mag alala, alam namin kung gaano kagago ang mga magulang namin. Alam niyo naman sigurong katulong ako sa mga katarantaduhan ng tatay ko.. Alam ko kung gaano siya kahirap banggain.   Even if i'm his child he could kill me." Peke siyang tumawa

"Wow. Ngayon lang tayo nakaharap ng prinsesa na pala mura at akala mo si Samantha." Natatawang sabi ni Rose

"Shut up." Sabi ni Samantha "Ano ang pinupunto mo, Prinsesa?"

"Give me one week." Sabi ni Espen "After one week uuwi na ako sa Sweden." Nag iwas siya ng tingin sakanila

"Ano naman ang gagawin mo?" Sabi ni Samantha

"Kailangan mo pa bang itanong 'yan?" Sabi ni Espen

"Malamang. Malay ba namin kung tumakas na pala kayo." Nakangiwing sabi ni Samantha "Matalino ka, Prinsesa, pero hindi mo ako mapapaikot."

"Kung tatakas man ako kanina ko pa kayo nilabanan." Inis na sabi ni Espen

"Ano nga ang gagawin mo?" Nakakunot noong sabi ni Samantha

Dahan dahang lumapit si Espen kay Samantha "Makikipaghiwalay lang ako kay Nathan." Halos pumiyok na sabi ni Espen

"Huh?!" Gulat na sabi ni Luis at Patricia

"Hindi--" Sabi ni Patricia at lalapitan sana si Espen pero hinawakan siya ng tao nila Samantha "Bitawan mo ko!"

"Sabi mo iiwan mo lang siya saglet--" Sabi ni Luis

"Stop!" Sigaw ni Espen kaya natigil sila "This is my plan--"

"But your plan is so stupid, Bea!" Inis na sigaw ni Patricia "Bitawan mo nga sabi ako!"

"Bitawan niyo siya." Sabi ni Samantha

"Alam mo, dapat hindi mo na sinagot si Nathan kung hindi ka rin pala lalaban!" Inis na sabi ni Patricia "Alam kong alam mo na na ganito yung mangyayare! You are so damn smart but stupid sometimes! Hindi mo ba naisip yung mararamdaman ni Nathan?!"

"You know what? I'm out of here." Inis na sabi ni Luis

"Nathan is so damn in love with you!" Inis na sabi ni Patricia "Tapos iiwan mo lang siya sa ere? Hindi mo ba naisip na pagod na nga siya pero kinkkita ka pa rin niya dahil baka magtampo ka?! Si Nathan ikaw laging iniisip pero ikaw napakaselfish mo!" Halos tumili nasabi ni Patricia "If i were you.. I will tell him the truth para alam niya yung nangyayare!" At umalis

Gustong umiyak ni Espen pero hindi niya kaya dahil maraming tao. Bumuntong hininga siya para labanan ang iyak niya. Napayuko siya at napakuyok ng kamao.. Nang may sumubok na humawak sakanya sinubukan niyang baliin ang buto nito.

"Wag niyo kong hawakan!" Sigaw ni Espen

KINABUKASAN hindi ako natulog sa bahay. Doon ko muna pinatulog si Rounzel para may kasama si Patricia para kapag may mangyare man nandoon siya. Hindi kasi marunong makipaglaban si Patricia, hindi siya naturuan ng ganon. Ngayon nandito ako kila Jaycee.

Back at OneWhere stories live. Discover now