Chapter 18

25 3 1
                                    

Nakita kong natigilan sila kaya nagsalita na ko.

"Hindi pa naman ako maliligo." Sabi ko at umupo ulit

"Juice?" Sabi ni Luis

Kinuha ko yung binibigay niya "Thanks."

"Ayan na si Nate!" Sabi ni Patricia

Kahit na ayokong tumingin napatingin pa rin ako. Napatulala ako dahil may abs siya at kompleto 'yon. Umiling iling ako saka nag iwas ng tingin at uminom.

"San ka ba galing, bro?" Tanong ni Caleb

"May binili lang." Sabi ni Nate nung makalapit

"Paano mo naman nalaman na nandito kami?" Sabi ni Patricia

"Kapag kasi nandito sila Caleb, dito sila laging nakatambay. I mean-- kami." Sabi niya

"Maliligo ka na?" Tanong ni Edren

"Oo. Bakit?" Nakangiting sabi ni Nate

"Ayan! Para makaligo na si Espen! Ikaw lang ata hinihintay niyan e." Sabi ni Edren

Nagsalubong ang kilay ko "Wala akong hinihintay."

Natakot naman agad siya pero tumawa ng mahina "Eto naman. Parang mangangain ka na naman, girl e."

"Totoo, Nate! Ikaw lang hinihintay niyan." Sabi ni Patricia at tumingin sakin "Nandito na si Nate kaya maligo ka na."

Nakasalubong ang kilay na tumayo ako "Wala akong hinihintay."

Naglakad ako papalayo sakanila, habang naglalakad ako hinubad ko ang t-shirt ko saka pumunta sa medyo malalim na parte ng dagat. Tinignan ko sila at nakita kong tumatawa si Patricia kaya mas lalo akong napasimangot.

Ano na naman kayang sinabi nung babaeng 'yon?

Third person's POV

"Wala akong hinihintay." Sabi ni Espen saka tumayo

Nakatingin silang lahat sa likod ni Espen. Si Espen naman naghubad ng t-shirt habang naglalakad kaya napatulala silang lahat. Si Patricia naman ay nakangisi habang nakatingin sa kaibigan.

"Wow." Sabi ni Mariane

"Akala ko chubby." Natatawang sabi ni Luis

"Ang sexy ni bakla oh." Sabi ni Kiray

"Ganda ni girl 'no? Perfect na perfect na." Sabi ni Edren

Napawi naman ang ngiti ni Patricia kaya napakunot ang noo nila.

"Okay ka lang, girl?" Tanong ni Edren

"Nawala na yung abs niya." Sabi ni Patricia at napangiwi

"Abs? May abs siya, 'te?" Sabi ni Kiray

"Kasasabi ko lang, di ba?" Sabi ni Patricia "Tsh. Ang tamad kasi."

ILANG minuto lang at umahon na si Espen. Pagkaahon niya lumapit siya kay Patricia at kinuha ang damit niya.

"Isusuot mo uli 'yan?" Tanong ni Patricia

"Bakit?" Sabi niya at tuluyang sinuot ang damit

"Pwede ka namang magtwo piece dito a--" Sabi ni Patricia

"Wala ako sa mood." Sabi ni Espen at tinalikuran sila

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Luis

"Maglalakad lakad lang." Sabi ni Espen

"Sasamahan ka na daw ni Nate." Sabi ni Caleb at tinulak si Nate kay Espen

"Hindi na. Kaya ko naman." Sabi ni Espen at tumalikod uli

Back at OneWhere stories live. Discover now