Chapter 2

20 6 0
                                    

"Balita ko ipapalabas na daw next month yung palabas ng bebe mo a?" Sabi ni Patricia sakin

"Tsh. Wala naman akong pera." Sabi ko at umupo sa upuan saka itinaas ang tuhod ko

Nandito kami sa bahay na inuupahan namin ngayon at kumakain. Dahil isang taon na kaming ganto ni Patricia, sanay na kami sa mga ulam na mura lang. Katulad ngayon dahil sardinas lang ang ulam namin.

"Nako, Be--" Sabi niya

Dinuro ko siya "Tawagin mo kong Bea, hahambalusin talaga kita."

Umirap siya "Tayo lang naman dalawa ang nandito ha? At saka, kung gusto mong mapanood magkakaroon naman na tayo ng sixty thousand sa isang araw dahil sa offer ni baklang Edren satin."

"I'm glad our voice is good." Sabi ko at sumubo

"Oh, akala ko ba bawal magsalita ng english?" Natatawang sabi niya

"Can't take it anymore, Pat." Nakangusong sabi ko

Tumawa siya "See, i can't take it anymore too, Bea. Kulang na lang magsalita na rin tayo sa lenggwahe natin."

Tumayo ako at nilagay ang plato ko sa lababo. "Sige, kapag nandito tayo pwede natin gawin kahit ano. No rules."

Natigilan ako ng tumili siya at lumapit sakin para yakapin ako. Natawa naman ako sa ginawa niya.

"Dahil dyan, ako ang maghuhugas ng plato." Sabi niya

"Yeah yeah. Matutulog na ko." Sabi ko

"Magpahinga ka muna saglet." Sabi niya "Katatapos lang natin kumain e."

Tumango tango ako sakanya at pumunta na sa taas. Pagkapunta ko sa kwarto napatingin ako sa poster ni Nathan. Napangiti ako dahil naiisip ko kung paano ang magiging reksyon ko kapag nasa harap ko na siya. Pakiramdam ko titili ako at yayakapin siya ng mahigpit na mahigpit tapos magpapasignature ako sakanya.

Omg!

Tapos kapag nagdate kami kakantahan niya ako at merong mga candles sa gilid na pahugis puso. Nandoon kami sa gitna at nag uusap at tatanungin niya ako kung pwede ba akong maging girlfriend at sasabihin ko...

"Yes! Yes! Yes!" Sigaw ko

Napapikit ako at humiga sa kama habang nakayakap sa unan. Nawala ang ngiti sa aking labi ng bigla na lang pumunta si Patricia na may hawak pang plato. Kumunot ang noo ko sakanya at umupo.

"Ano?" Sabi ko

Ngumiwi siya "Ah! Alam ko na. Nababaliw ka na naman doon sa Nathan 'no?"

"E ano naman?" Mataray na sabi ko at nilapitan ang poster ni Nathan "Ang gwapo gwapo.."

"Shunga! Di magiging kayo niyan! Doon ka na lang sa costumer natin na nanliligaw sayo." Sabi niya at ngumiwi

"Sino-- ah! Yung kagabe?" Sabi ko

"Sino pa nga ba?" Sabi niya

"Nako, kung ganon lang rin naman pala ang mukha-- pwede na!" Sabi ko

Natigilan ako ng batukan niya ako "Hoy babae, sinasabi ko sayo-- wag ka sa itsura tumingin dapat sa ugali! Alam mo naman mga tao ngayon bibihira na lang ang nagseseryoso. Jusko kapag ikaw nakabingwit ng gwapo pero masama ugali patay ka-- i mean-- nevermind."

"Basta. Wala akong magugustuhan kundi si Nathan lang." Nakangiting sabi ko

Sumeryoso ang mukha niya "Wala talaga!"

KINABUKASAN ganon na naman ang ginawa namin ni Patricia. Nagising kami ng alas onse tapos nagstay lang saglet sa bahay at pumasok na sa school ng 2:30. Maaga kami ngayon para maaga rin kami makapunta sa restaurant mamaya dahil birthday ni Edren. Mag iinuman daw kaming lahat pagsinara na niya ang restaurant niya.

"Tsk! Badtrip talaga yung prof natin na 'yon!" Inis na sabi ni Patricia

"Hayaan mo na." Sabi ko "Pagtulungan na lang natin 'yon."

"Leche talaga siya! Hmp!" Sabi niya

"Bakla!" Tawag samin ni Kiray ng makita kami

"Bakit ka nandito sa labas ng resrto?" Tanong ko

"Hay nako, 'te. Ang boring doon! Wala pa kasing kumakanta." Sabi ni Kieay at tinapon yung yosi

Dinuro ni Patricia si Kiray habang nakangiti "Ah! Alam ko na. Gusto mong hatiaan ka namin doom sa sixty thousand 'no? Pasensya na, hindi namin magagawa 'yon dahil hahatian pa namin sila Paolo."

Pinalo ni Kiray ang daliri ni Patricia "Gaga! Hindi ako manghihingi sainyo dahil kay Baklang Edren ako hihingi 'no! At saka, try niyo kayang pumasok doon sa loob? Tignan niyo lang kung hindi kayo maboring."

"Pasok na nga tayo." Sabi kay Patricia at tumingin kay Kiray "Pasok na kami."

"Sige lang, 'te. Enjoy!" Sabi niya

Pagkapasok ko loob mukha ngang boring dahil puro magpapartner ang nandito. Napatingin ako sa stage at nakita kong hindi nakaset up ang mga gitara namin doon. Yung drums lang at dalawang mic ang naiwan doon. Kumunot ang noo ko at pinuntahan si Edren na nakaupo sa long table.

"Akala ko ba mamayang madaling araw pa?" Sabi ko nang mapansing nag iinom na sila

"Maaga na lang tayo magsara, girl." Sabi niya

"Pahingi!" Sabi ni Patricia

Hinawakan ko ang braso niya at bumulong "Don't drink too much."

Tumango siya at ngumiti sakin saka umupo sa tabi nila Paolo. Ako naman ay umupo sa tabi ni Edren. Nasa gilid lang ng stage yung pinagdikit dikit na table namin kaya naman hindi masyadong naririnig nung mga costumers. Napatingin ako kay Edren ng bigyan ako ng San Mig.

"Nasaan si Kiray?" Tanong ni Edren

"Nasa labas nagyoyosi." Sabi ko "Nasaan na sila Ami?"

"Syempre nandoon sa kitchen. Mga ten isarado na natin 'tong restaurant." Sabi niya

Tumango tango ako at uminom na ng alak. Pagkalapag ko ng bote nakita ko si Patricia na tuwang tuwa na naman dahil may alak na naman siyang iniinom. Ngayon lang kasi namin nagagawa 'to. Nang bumalik si Kiray mas lalong umingay dahil nag aasaran sila nila Edren. Hindi ko alam kung malakas lang ba trip ni Patricia o ayaw talaga niya kay Kiray.

Habang patagal nang patagal marami na rin akong naiinom kaya nagpasyahan ko ng tumigil dahil wala na namang magaasikaso kay Patricia. Last kasi na inom niyan sinukahan niya ako sa damit, ako naman hindi ko alam ang gagawin ko.

"Uy, bebe oh." Turo ni Kiray

Napatingin kaming lahat sa kapapasok lang na limang lalake. Kumunot ang noo ko dahil medyo nahihilo na ko. Onti na lang ang tao at wala pa rin sila Ami dahil may mga costumers pa. Hindi namin masara. Napatingin ako ng mabuti sa limang magwagwapong lalakeng 'yon at nakita ko doon yung nakahoody kagabe.

Bat parang.. Mas gumwapo siya ngayon?

Back at OneWhere stories live. Discover now