Chapter 10

17 6 0
                                    

"Mom--" Tawag ni Luis kay Tita Rov pero napatingin agad siya sakin

Ngumiti ako sakanya "Hi, Luis."

"Sinasabi ko na nga ba.." Inis na sabi ni Luis sakin

"Luis, this is Espen. Cousin mo siya." Nakangiting sabi ni Tito Louie

"I know." Sabi ni Luis

"Bakit ka nga pala nandito, anak? I thought uuwi na kayo?" Tanong ni Tita Rov

"Nagpaalam ako kay Mariane na sasama akong uminom kila Caleb. Magpapaalam na rin ako sayo." Sabi ni Luis

"Of course pwede kang uminom." Nakangiting sabi ni Tita Rov

"And.. Kasama ko rin si Espen." Sabi ni Luis at tumingin sakin

"H-ha? Hin--" Sabi ko

"Great! Para magkabonding rin kayo." Nakangiting sabi ni Tira Rov

Ngumiti na lang rin ako "S-sige po."

Hinawakan ako sa kamay ni Luis "Alis na kami."

Mabilis niya kong hinila papunta sa kotse niya kaya wala rin akong nagawa kundi ang sumakay doon. Pinsan ko naman siya kaya alam kong wala siyang gagawin sakin at meron na siyang asawa.

Habang nasa kotse.

"Bakit hindi ka nagpakilalang pinsan pala kita?" Basag niya sa katahimikan

"Bakit naiinis ka sakin?" Pabalik kong tanong sakanya

"Sagutin mo muna ang tanong ko." Sabi niya

Bumuntong hininga ako "Nung una ay hindi kita maalala."

"A-ako rin." Sabi niya

"Kailan pa tayo huling nagkita.. Bata pa tayo non kaya hindi kita nakilala agad." Sabi ko

"Bakit ka nagtrabahong singer sa isang Resto at singer sa mga events?" Sabi niya

"Dahil wala akong pera. I need to study." Sabi ko

Naguguluhan niya akong tinignan saglet "S-study? Yeah, right, i understand--"

"Then thank you for your understanding." Sabi ko at tumingin sa malayo

"But i can't understand why are you still working 'cause you are rich! It's wierd you know." Sabi niya

"I'm not rich, okay? My parents are!" Tumaas ang boses ko

Napailing iling na lang siya at iniba ang topic "Magbibihis ka pa ba?"

"Oo." Sabi ko

Simula non ay wala ng umimik saaming dalawa. Nagugulat na lang ako minsan dahil alam niya kung saan papunta sa bahay. Ituturo ko na sakanya pero mukhang alam na alam na niya. Dahil alam niya tumigik siya mismo doon sa harap ng gate.

"How did you know where i live?" Tanong ko

"A friend of mine." Nakangiting sabi niya "Bilisan mo kanina pa sila nandoon."

Umiling iling na lang ako sakanya at pumasok na sa loob. Parang gumaan ata ang pakiramdam ko sakanya katulad nung mga bata pa kami. Habang nagbibihis ay naalala ko na naman si Nathan. Makikita ko na naman siya. Kailangan kong lumayo sakanya dahil baka mas lalo pang lumala ang tama ko sakanya.

Baka hanapin ko siya bukas. Haha!

Nang makarating kami sa Resto ni Edren hinakbayan ako ni Luis kaya napatingin ako sakanya. Ngumiwi siya.

"Bakit? Ngayon lang kita makakasama ulit." Sabi niya at binuksan na ang pinto

Tumingin ako sa mga kaibigan niya na nakatingin saakin lalong lalo na ang kaibigan ko. Nang papalapit na kami nahagip ko ang tingin ng pamilyar na lalake.

Back at OneWhere stories live. Discover now