Introduction

179 2 1
                                    

Ano bae?! 'Bat dito na naman dumaan ang jeep? Nakakainis talaga ang traffic tuwing Friday kaya lagi na lang sa SM dumadaan ang jeep. Nakalagay kuno Blumentritt via Dimasalang eh hindi naman dumadaan ng Dimasalang. Ang layo tuloy ng nilalakad ko. Haler! Nagbabayad kaya ako ng tama.

Umuulan pero ang init. Grabe na talaga ang panahon. Tapos yung katabi mo pa ngayon ay feeling close. Biruin mo nakasandal sa balikat ko at ang sarap ng tulog. Mukha ba akong unan? Close ba kami?

"Para po."

Tuloy pa rin yung sasakyan.

"Para po."

Tuloy pa rin.

"Ma, para raw po," sabi nung nakasakay sa may unahan

PRENO... tapik-tapik sa katabi ko... Naalimpungatan pa si kuya? Naks. Type yata ako nito eh. May pasandal-sandal pang nalalaman. Sumisimple. LOLjks. Pabayaan n'yo na ako sa pantasya ko.

Nagising din s'ya.

Hayst! Ano ba 'to lalakad na naman ako. Kung makareklamo kala mo ang layo eh. Pero medyo malayo naman talaga. Pagod ka na nga galing sa iskul, maglalakad ka papuntang sakayan tapos maglalakad ka pa rin papuntang bahay dahil nag-iba ng ruta ang jeep.

Sige daan muna tayong SM. Gutom na rin kasi ako at 'di pa naghahapunan. Seven pm kasi ang uwian ko at biscuit lang mineryenda ko kanina pang 5:30. So? Ang sinasabi ko lang naman ay gutom na ako.

Lakad-lakad... Pasok ng mall...

Heto ako isang estudyante, kagagaling lang sa school tapos naka-uniform pa. Mapagkakamalan nga akong bulakbol.

Diretso sa KFC... Peborit ko kumain dito. Matagal akong kumain kaya inaabot ako ng 30 minutes. Pero medyo mabilis na yan. Madalas inaabot akong isang oras.

After kumain diretso sa supermarket para 'di na mag-grocery sa weekends. After grocery uwian na. Kung mabigat ang dala ko magta-tricycle ako. Kung magaan lang naman ay maglalakad na lang. Medyo malapit lang naman eh saka 'di naman delikado.

At 'yan ang life ko every Friday. S'yanga pala ako si Fatima Arguelles Marigmen, 20 years old, 5th year Accountancy student. At ito ang love story ko. XD

_______________________________
AUTHOR'S CORNER
Guys, I've made some revisions to the flow of LSK. You may read the revised edition if you want (this is the revised edition). Yung mga susunod kasing chapter baka magulat kayo dahil hindi tugma sa nabasa niyo na. Just sayin'. Anyways, happy reading. I may not be confident on writing but I really enjoy doing this story so...I hope you like it. Thanks. :D

Love Story KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon