MOTB 4

58.9K 2.5K 942
                                    

#MOTB4

Hindi ako pinatulog ng gabing iyon, pagkatapos ng dinner ay natulala ako sa kuwarto at nagmuni-muni ang isip ko kung saan. Tatty and Zio aren't that close, we're all civil to each other aside from Zio who doesn't treat us in a distant manner. He's in the middle, hindi siya close kay Tatty pero humahalo pa rin siya. Noon, hindi rin kami close pero parati niya akong inaalo tuwing napapagalitan kaya habang nagkakaedad ay unti-unti ko siyang kinasanayan.

Hindi kasi kami lumaking malaya, Mommy raised us so formal in a way we could not play with any kids outside the hacienda. Nasanay kami sa mga taong nakakasalamuha na alam naming mga kamag-anak dahil nasa iisang pamilya lamang, ganoon pa man ay hindi pa rin gaanong magkakalapit. Pili lamang, kagaya nila Clairvaux at iyong ilang pinsang babae na kalapit ko rin pero minsan lang nabibisita dahil abala sa kanilang sariling mundo ngayon.

Masasabi kong si Mommy ang pinakamahigpit na nakilala ko, sa mga ina na nakapaligid dito. Iyong mommy naman ni Clair ay hinahayaan siyang maglaro kung saan pero bawal siyang makipagkaibigan samantalang kay Mommy ay bawal lahat kaya kaming magkakapatid ay nawalan ng pag-asa na makakakilala pa ng ibang tao bukod sa aming malaking pamilya sa Villa Terrazas. Lumaki na akong naabutan si Statice na walang pakealam sa mundo, she's like waiting for her fate to come without minding how it will strike.

Honestly, I want to be like her because I wanna feel fearless about the incoming days for me but I can't. Nalulunod pa rin ako sa kaisipan at sama ng loob, hindi na nga dapat ako nasasaktan dahil iyon na ang kinalakihan ko pero nakakagambala pa rin ng damdamin iyon. Naiisip ko iyong ibang tao na nandidiri sa amin, sa aming tradisyon at tuwing makikita kami sa labas na magkakasama. Tingin nila basta magkasama sa amin ay magkarelasyon na kahit magkamag-anak.

Naupo ako sa maliit na swing sa aming back yard, sinigurado kong tulog na sila Mommy bago bumaba at magpahangin sa labas. Marahan kong inugoy ng paa ang aking sarili at saka tiningala ang kalangitan, the stars are shining adorably with the moonlight.

Sana ayos lang ang mga kapatid ko, sana rin magbago ang isip ni Mommy tungkol sa kanilang dalawa. Kahit ako ay hindi iyon masisikmura, mahirap tanggapin lalo pa't pinaniwala nila kaming tunay na magkakapatid. Kung ganoon ang plano ni Mommy, dapat naisip niya na mahirap tanggapin iyon para kay Statice at Annunzio. Sana naisip niya ang mararamdaman nilang dalawa kung sila ang ipagkakasundo, if I were Statice I'd surely do something to stop it but thinking about Statice? She won't break a rule, baka hayaan na lang niya iyon.

My phone beeped on my thigh, nangunot ang noo ko at napatingin doon.

Annunzio: Can't sleep? 

Napakurap-kurap ako at tumingin sa paligid, naaninag ko siyang nakaupo sa madilim na parte sa aming back yard. He was sitting on the bench near the tree, I waved my hand and smiled at him. Tumayo na siya para lumapit sa akin habang nakatingin sa may mansyon, I saw the closing door like someone just got in but I think it's just the wind.

"Bakit hindi ka pa natutulog, Embry?" he asked as he took the other swing beside me to sit, hinawakan niya ang kadena ng aking duyan at inugoy iyon ng marahan.

I inhaled and turned to him. "Hindi pa ako inaantok."

"I'm sorry about the dinner earlier, hindi ko agad naisip nandoon ka at nasabi ko ang lahat."

Napakurap-kurap ako.

"A-Ayos lang. Hindi rin ako makapaniwala p-pero... kapatid pa rin kita, Kuya."

His lips puckered with a light smile while looking at me, napansin ko ang pamumula lalo ng kanyang labi. His hair is disheveled by the air tonight, he's just wearing a simple white shirt and a gray board shorts. Hindi pa rin ako makapaniwala na hindi siya kaisa sa amin, ampon na kapatid ni Mommy ang ina niya. He's an Azcon but not a Zobel because his father is an outlander. Hindi naman naiiba ang mukha ni Annunzio, he has that natural look of a Zobel like Daddy. Madilim ang aura at disente.

Veiled Diaries #2: Mask of The BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon