MOTB 24

55.2K 2.6K 1K
                                    

#MOTB24

Rekta and I have been fighting over pretty little things for the past weeks, hindi ko na maintindihan ang ibang pinagtatalunan namin pero naiinis ako sa kanya dahil mas inuuna niya pa ang problema ni Alas kaysa sa akin, sa amin. Ang mga pangako niyang pagpunta sa akin ay hindi nagagawa sa buwang sumunod dahil sa pagbabantay niya kay Alas na madalas nag-iinom at lumalabas ng hating gabi. It's stressing him out.

"Rekta, nakakailang pangako ka na sa akin! Kung hindi mo naman pala magagawa, sana hindi ka na lang nangangako!" iritado kong sinabi habang magkausap kami sa cellphone.

He sighs. "Bryleigh, please. Pagod ako sa school, huwag muna tayong magtalo ngayon."

Suminghap ako.

"Ano? Pati pag-uusap hindi mo na rin magagawa ngayon?!"

"We will talk but I don't want an argument." he said tiredly.

Uminit ang mukha ko sa inis.

"Pagod ka dahil sa kakasunod mo sa kapatid mo! May sarili siyang buhay at isip, bakit hindi mo siya hayaan?"

Suminghap siya. "You don't understand, Alas is drinking somewhere late at night and I'm fucking scared about her situation everytime 'coz she doesn't want anyone even our parents near her except me. I need to be with her all the time to make her safe."

My eyes heated in tears.

"Kung ganoon, siya na lang ang nobyahin mo!" sigaw ko sa kanya. "Nawawalan ka na ng kuwenta sa akin, puro ka Alas! Ayaw ko na! Ako na lang lagi ang umiintindi sa relasyong ito!"

"Bryleigh! Fuck!" he hissed. "Can you at least consider the situation here? You're fine! We can talk like this, we're both fine but my sister is not! No one can handle her even herself! She's so drunk every fucking night, and it's not safe for her to be out alone! Hindi mo ba naiintindihan 'yon?"

I gasped out and tears started rolling down, humikbi ako. I'm so fucking frustrated, I am missing him and I'm so pissed off about our situation these past weeks. Palagi kaming nag-aaway, hindi lang naman iyon ang kinaiinis ko sa kanya. Madalas din kasi siyang mapaaway tuwing gabi kapag kasama si Alas, I don't know if this is right to tell but Alas is like a blade around him. Siya pa ang nagpapahamak kay Rekta, hindi man lang naisip na may mga nag-aalala sa kanya at nadadamay sa problema niya!

I sobbed and wiped my tears. I heard his heavy breathing over the line.

"Come on..." he whispered softly. "Please, stop crying. Hindi naman 'to aabot ng taon, Bryleigh. I just need your patience for now."

Mas lalo akong hinila ng emosyon doon.

Tama siya, hindi na nga ito aabot ng taon dahil maghihiwalay na kami pagtungtong ko ng tamang edad at dalawang buwan na lang iyon! I want to spend all the months with him while I'm still in this chapter of my life where we could still have this relationship and I don't know who can't understand who! Kung ang sitwasyon niya ba o ang sitwasyon ko. Bakit kasi palaging si Alas? Ako ang girlfriend niya! Kung sasabihin ko ba sa kanyang may taning na ang relasyon namin ay ako naman ang pipiliin niya? Ilang araw lang kaming magkasama sa isang buwan! Dalawa? Apat? Iyon lang pero hindi pa namin magawa lalo na ngayon na mas iniisip niya ang problema ng kapatid kaysa sa akin! He doesn't even know I'm hurting!

"Rekta, sa isang buwan halos dalawang araw lang tayong nagkikita at hindi mo pa magawa. One more thing that you're always getting yourself in danger because of your sister! Palagi kang nakikipag-away sa bar dahil sa kanya, bakit hindi mo siya gisingin sa pinaggagawa niya? It's not your obligation-"

"It is my obligation to protect my sister," iritado niyang putol at bumuntong hininga para kumalma. "I just need patience, your patience. Hindi ba tayo puwedeng mag-usap ng ganito?"

Veiled Diaries #2: Mask of The BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon