MOTB 18

54.6K 2.5K 1.2K
                                    

#MOTB18

Days flew like a waterfall, sa ilang araw na iyon ay mas lumala ang sitwasyon sa aming bahay lalo pa't umabot ng dalawang linggong wala si Daddy. Mommy was throwing words as knives everytime we're gonna cross paths at home but I'd just cry it in my room. Hindi rin siya pumapayag na hindi kami magkakasabay kumain, she also stopped working and everynight she's calling Daddy just to piss him off.

Those bad days, I realized that Tatty was right. I need to study for my own knowledge and future, I continued my home classes. It was stressful.

"Annunzio, I'm starting to count days of your come back!" sambit ko habang nagdidilig ng halaman sa veranda.

Habang si Statice ay naglalabas ng mga damit sa dryer, nilalagay niya iyon sa basket. We're washing our clothes individually, ngayon ay sinasabay niya ang akin at ako ang bahala sa pagdidilig ng orchids ni Mommy na halos uhaw na nitong mga nakaraang araw.

Tumango si Annunzio. "Good, I started counting it too."

"Kasama mo si Ledoux pauwi?"

"Yes, we're gonna have our break there." medyo alanganin niyang sambit.

I shrugged the confusion about it. Nitong nakaraan ay pansin ko na may pag-aalangan siya sa bawat sinasabi tungkol sa pagbalik dito pero baka excited lang siya.

Tinapat ko ang camera kay Statice na lumabas ng veranda. Buhat ang basket ng mga damit, may kinuha lang siyang libro sa rocking chair at pinatong iyon sa damitan. She never glanced at my cellphone. Humagikgik ako at nag made face nang talikuran na ako ni Statice, pumasok ulit sa mansyon.

"Sa tingin mo, kailan mo siya papakasalan? 19 na siya at 20 ka, siguro dapat makasal na kayo dahil masyadong sumusungit si Tatty." sambit ko at sinabit ang hose, pinunas ko sa apron ang kamay ko bago sumunod sa loob.

Humalakhak si Annunzio. "I'm not yet done studying."

"Puwede ka namang mag-aral kahit kasal na kayo. You know, she needs to have a child."

His eyes broadened, umubo siya at matalim akong tiningnan.

"You should really stop taking out what you're reading from the book, Em."

Ngumuso ako. "Mas masaya raw pag may anak na, Zio. Iyon ang nabasa ko, kung magkakababy si Tatty—"

"She's already my baby, no need a real baby. Wala pa iyan sa isip kaya huwag mo ring isipin." natatawa niyang sinabi.

My day was lighter than the other days without talking to Zio, or Rekta. Naging abala na kasi si Rekta sa sariling pag-aaral, he failed some subjects this sem because of absence. Ewan ko ba kasi kung bakit siya maraming nililiban sa eskwelahan, hindi naman siya nagsasabi ng problema kaya hindi ko na rin tinatanong. Baka pribado iyon at hindi ko kailangan makiamoy.

Inabala ko ang sarili sa pag-aaral ng mga lessons sa library,  pagtapos ay sa social media naman. Sa library ako nagtatambay at nanonood ng movie pag may natipuhan sa mga titles na binigay sa akin ni Rikz at Annunzio, natapos ko na ang librong binabasa at ang iba'y nakatambak sa kuwarto. Ayaw ko munang basahin dahi baka maubos ko sila at wala na akong mabasa sa susunod.

I got curious about Rekta's doing today kaya binisita ko ang Instagram niya since that's his only account to share something, it was also needed for promotion of the brand he's modeling. Ang pinakahuli ay iyong kumpletong picture namin noong birthday ko, we were together in the middle while his arm was around my neck. My brows rumpled when I saw Clair's name, she liked the photo! I tried to visit her account but it's private.

Wala rin akong nakitang bago sa account ni Rekta kaya sa page ng clothing line ako tumungo, the latest post was their behind the scene video, natutuwa akong panoorin iyon palagi. Inaayusan ng buhok si Rekta ng isang stylist at ang isa pa ay nagkakabit ng neck tie niya, he wasn't looking at the camera but just busy fiddling with his cellphone. Puro highlights lang ang pinakita at sa huli ay babaeng modelo na ang nag-aayos sa kanyang neckt tie, they're wearing the same design and color but different style. The girl was wearing a deep neck maroon dress with gold flowers on the lower part, same with Rekta's suit.

Veiled Diaries #2: Mask of The BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon