MOTB 20

61.8K 2.9K 1.6K
                                    

#MOTB20

"Hanggang dito lang talaga?" Annunzio asked.

"Oo, dito lang. Sige na!" nanunulak kong sinabi.

Tumawa siya at napailing, hinawakan niya ang ulo ko at nagkatinginan kami.

"No kissing yet, alright?"

Kumunot ang noo ko. "Ha? Bakit?"

His eyes broadened at me, yumuko siya para pumantay sa akin.

"You planning to kiss, huh?" he reviled in disbelief.

"Uhm, hindi naman." kagat labi kong sambit.

Marahang pinitik niya ang labi ko. "No kissing, Embry. Promise me."

"Is it bad?"

"No, but you're not yet for something like that. Just enjoy your time with him, hindi naman kailangan ang kiss doon."

Bumusangot ako at tumango.

"Promise me." he chided.

"Yeah..." I rolled my eyes and nodded.

Tumuwid na siya at pinasadahan ng tingin ang lugar.

"Okay, I gotta go now."

"Date kayo ni Atis today?"

He puckered his lips. "We're gonna walk around while waiting for your home time."

"Basta, huwag kang susulpot dito bigla dahil baka mahiya si Rekta. I'm gonna text you."

"Alright, alright." tawa niya habang tumatango.

I smiled sweetly and waved my hand, tumakbo na ako sa kahabaan ng maisan patungo sa aming parating pinagpapalipasan ng oras ni Rekta. He's already waiting for me, hindi na sana ako magpapahatid kay Annunzio kaso ay mapilit siya at gustong malaman kung saan ang lugar na lagi naming pinagtatambayan. It's either on the falls, Delagarzas' garden or at Acacia tree near the lake.

My heart is in an extreme rush, I feel so excited to see Rekta again after two weeks. Noong nakaraang magkausap kami tungkol sa gusto ko siyang maging boyfriend, hindi siya nakapunta dahil abala sa academics kaya ngayong weekend ulit ang pangako niya. Akala ko nga hindi totoo, hindi na ako naniniwala sa kanya dahil ayaw kong umasa pero bigla siyang nagtext na nasa Villa Terrazas na siya kaninang umaga.

Nawala naman agad ang tampo ko dahil makikita ko siya, dapat good mood. Minsan na nga lang kami nagkikita, pangit kung sisirain pa ang araw namin. Bukas uuwi ulit siya ng Manila, e. Tapos magbibilang na naman ako ng ilang araw para sa pagkikita namin, nakakasawa kayang magbilang.

Pagkatawid ng maisan ay tinungo ko agad ang hanay ng mga puno pero hindi ko siya roon natagpuan kundi sa dulo pa kung saan ang lawa, he's sitting on the flat stone while throwing tiny rocks in the lake. I saw his Adidas duffel bag on the big roots of some tree near him, kumunot ang noo ko.

Dito ba siya dumiretso? Hala, ang tagal ko pa namang maligo at magbihis! Kanina pa siyang alas otso rito?

I suppressed my smile, kinapitan ko ang leather strap ng backpack ko. Nilabas ko ang cellphone at nanalamin muna sa screen noon, my hair is in a pigtail with a barrette on the left side. Si Zio ang nakaisip nito, siya rin ang nag-ayos. He let me wear a denim jumper skirt below my knees and a white undershirt paired with cream lacey sandals.

Napangiwi ako, mukha yata akong bata sa aking buhok! I inhaled deeply and looked at Rekta again. He looks so clean wearing a black shirt and a gray sweatpants, he looked way more mature than me! Nakakainis si Zio, bakit kasi niya pinigtail ang buhok ko!

Veiled Diaries #2: Mask of The BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon