MOTB 5

58.5K 2.5K 614
                                    

#MOTB5

Pagkatapos kong magbihis ay tumakbo na ako sa kagubatan, alam ko naman ang pasikot patungong maisan. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Venz pero nakalayo na ako, my lips quivered. Niyakap ko ang aking sarili habang bumabagal na ang paglakad nang malamon ng kasukalan, muli akong kumuha ng sangang nakakalat sa daanan at iyon ang pinanghati ko sa mga damong matataas upang makadaan ng mas maayos.

Bakit kasi nagpunta pa sila roon? Sa kanila ba ang falls? Palagi na lang silang nandoon, nakita pa tuloy nila akong walang saplot kundi bra at panty! Ngayon hindi na puro ang katawan ko dahil nakita na ng maraming lalaki, nakakabuwisit naman. Masama ang loob ko sa nangyari pero wala nang magagawa roon, kailangan kong alisin sa isip ko kaysa dumagdag pa sa frustration ko buong araw.

Narating ko ang lugar na parati kong pinaglilipasan ng oras, pumili ako ng mas magandang puno ng Acacia at doon ako nahiga sa mga tuyong dahon. Unti-unti ng nababasa ang tela ng damit ko dahil sa basang panloob, hindi ko rin ginamit ang tuwalya dahil natataranta na akong makapagbihis kanina.

I sighed. "Haaay..."

I don't know what to do with Tatty and Zio, how can I make them stop? It is so disgusting and I'm disappointed about them, kailangan kong tanungin si Statice kung paano niya nagawang gustuhin ang sariling kapatid. I thought she was better than everyone in our place, I always look up to her because she's stiff and cold. She's just waiting for her fate, iyon pala si Annunzio lang ang hinihintay niya? Hindi ako makapaniwala.

And Mom?

Suminghot ako at pinigilan ang paninikip ng ilong ko dahil sa pagkirot ng puso.

How can she do that thing to my siblings? Baka magulat na lang ako na may aampunin ulit siya at para sa akin na iyon. Ayaw ko siyang pangunahan dahil wala akong karapatan, lumaki akong nasa mga magulang ang karapatan para sa sariling kagustuhan at doon din ako mamamatay. I can't hate her. I suddenly remember Annunzio's words last night, he said he'll die as my brother as well... then why would he marry Statice? Kung ganoon, para sa akin lang iyon dahil si Statice ang magiging asawa niya at ako ang kapatid nila habang buhay.

Nagulat ako sa kaluskos, napatingin agad ako sa pinagmulan at namataan ko si Rekta na napaupo malapit sa tabi ko, hinihingal pa habang bumabawi ng kalmante. Mabilis akong napaupo sa gulat, my breathing faltered at the sight of him.

"What are you doing here?" I asked shockingly with my wide eyes.

"I did not expect a snake here." he said. He said "not" literally and that's too attractive to hear in that accent.

Umirap ako, hingal na hingal pa rin siya. I suddenly want to tap his back, baka ako pa ang may kasalanan kung mawalan siya ng hininga rito.

"May hika ka ba?" I asked innocently, umusog ako palapit sa kanya at binaba ang mukha para tingnan siya habang nakayuko roon at naghahabol ng hininga.

He blinked his eyes and glanced at me while calming his breath slowly, bigla siyang napaayos ng upo roon at tumikhim.

"I don't." tipid niyang iling habang nakatingin sa akin. "You okay now?"

Umatras ako hanggang sa makasandal sa puno, pinagdikit ko ang mga binti ko at tinago sa aking dress ang mga hita. I nodded a bit.

"I'm fine but you're all really bad. Hindi man lang kayo nagparamdam na magpupunta roon, hindi ko alam na magkakaroon pala ng tao. Akala ko masosolo ko ang Talon ngayong araw." umirap ako.

His thick brows furrowed. "How would we know you're there?"

Ngumuso lang ako at suminghap.

"And that's a free place where anybody can come anytime, you shouldn't just swim naked."

Veiled Diaries #2: Mask of The BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon