MOTB 9

53.4K 2.5K 632
                                    

#MOTB9

I keep running through the tall grasses, hindi ko pinansin ang mga galos ng talahib sa aking balat at panay bagsakan ang mga luha ko.

I hate Clairvaux, I hate her so much for shaming me in front of her friends. Alam ko naman na wala akong kaibigan at siya'y marami, nagkaroon ako ng kausap dahil nakilala ko sila sa pamamagitan niya. She let me know them but I didn't let that blind me to the point I'd shame her using words can hurt her because she's thicker than anyone else there kaya ganito na lang ang pait na nararamdaman ko dahil kailanman ay hindi ko inasahang mapagsasalitaan niya ako ng ganoon.

She's just too blinded, parang hindi ko siya kilala. Friendship poisoned her mind and vision, Olivah was having a wrong idea about our family and her words aren't even tolerable for me to hear. Well, let's say it isn't a wrong idea but there's a hole! Hanggang kailan ko ba ipapaliwanag na hindi naman kami lahat magkakadugo kaya puwede kami? It just happened that we all have the same surnames but there's nothing wrong at all! We can't call it incest because some partners and arrangements aren't blood related! How come they call it incest?

Hindi ba narinig ni Clairvaux iyon? Ganoon siya kabingi sa mga salita ni Olivah, ang masasakit na salita ay ginagawa niyang lambing dahil magkaibigan sila.

Lalo akong napahikbi nang madapa ako sa gitna ng aking pag-iisip, hindi agad ako nakatayo. Humikbi ako, padabog na hinampas ang mga lupa at mga damo.

"Bryleigh!" tawag ni Rekta mula sa likuran, mabilis niya akong nadaluhan at alam kong nakita niya ang pagkadapa ko.

"Umalis ka na!" sigaw ko sa kanya. "Magsama-sama kayo! Isama n'yo si Clairvaux, wala siyang kuwenta!"

Wala siyang kuwentang kapamilya! Paano niya nagawa sa akin iyon? I grew up defending her from anyone who was hating us! Sana naisip niya na magkaibigan din naman kami at hindi lang magpinsan! It feels like a best friend just betrayed me and I was hurting alone.

"Shhh..." he hushed softly, he scrooch down to reach my arm and support me to stand up but I hit his chest.

Nabahiran agad ng dumi ang shirt niya mula sa kamay ko pero wala akong pake, matalim ko lang siyang tiningnan habang siya'y inabala ang sarili sa pagtingin ng aking tuhod.

Bumuntong hininga siya at marahang pinagpag ang tuhod kong malupa, may sugat ako roon dahil sa batong maliliit na nasadlakan.

"Come on, let's clean you up." he said simply, never minding what I said. He was all serious with a little line on his forehead.

Suminghot ako at papahiran sana ang mga luha sa pisngi ngunit naunahan na niya iyon ng kanyang malinis na kamay, pagkatayo ay nakapulupot na ang isa niyang braso sa aking baywang para sa alalay. I was glaring at him while he lifted his hand again to catch the tears on my cheeks, napangiwi ako sa pagbanat ng tuhod ko dahil sa sugat na humapdi. Nawala tuloy ang masama kong tingin sa kanya.

"Umalis ka na sabi, e! Ang kulit mo!"

Ngumuso siya at umismid.

"Ang kulit mo rin."

Binitiwan niya ang baywang ko at lumipat siya sa harapan ko na nakatalikod. Namilog ang mga mata ko nang umangkla ang mga braso niya sa magkabilang likuran ng aking hita at agad akong naangat sa kanyang likuran, I gasped nervously in fear that I'd fall so I immediately wrap my arms around his neck and bolted in irritation.

"What the heck!" tili ko sabay hampas ng isang palad sa kanyang balikat.

He chuckled roughly and stood up easily while I'm piggy back riding on him.

"Huwag ka na maingay, dito ako nakasalubong ng ahas last month." he said and copied a snake's hiss like it would scare me.

Nagtagis ang bagang ko habang naiisip na para akong batang nakapasan sa kanya, mabuti na lang at hindi maikli ang short ko. Hanggang sa ibabaw lamang ng aking mga tuhod, I gasped again when he fixed me on his back for a better hold of me. Napakapit ako lalo sa kanyang leeg, he smells nice! Iyon ang una kong nalanghap pagkahampas ng hangin habang naglalakad na siya dala ako.

Veiled Diaries #2: Mask of The BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon