MOTB 48

74.8K 2.4K 955
                                    

#MOTB48

"Twins birthday will be scheduled." Inocencia said sadly.

"Anong nangyari?"

Sumampa siya sa stool at tumungga ng tubig sa jar, iyon din ang tinunggaan ni Rekta kanina! Hayaan na nga, hindi naman niya alam at hindi naman bad breath iyon. He went out with Jace for a grocery, kasama sana talaga ako kaso bigla namang dumating si Inocencia.

"Nagkalagnat sila, kumakahol na nga si Bhaltie sa pag-ubo. Hetong si Mareng Carisse, pinaadmit na ang dalawa sa ospital. Hindi naman daw malala sabi ng doktor at normal lang na lagnat. Putsa! Noon pag nagkakalagnat ako, walang nag-aalala sa akin sa punto na ipapaospital pa ako. Hay, bu-life."

I smiled slightly. I don't know what to say, alam ko kasi ang naging buhay niya noon base sa naikuwento ni Statice. Hindi naman palakuwento si Inocencia tungkol sa nakaraan pero mahirap iyong hindi siya naalagaan ng nanay niya at nagdalagang walang ama.

"But look at you now, you're very worried about your children."

"Oo nga, e. Akala ko pa naman mamanahin ko ang pagiging petmalu lodi ni Mama pagdating sa pagpapalaki sa akin." humagalpak siya at nag sign of the cross. "May your soul stay in peace, Ma. Pero sobrang bait kong ina ngayon kumpara kay Mama."

Ngumiwi ako at natawa, tinunggaan ko rin ang jar na ininuman niya at napailing.

"Actually, ako rin."

I don't really know it seems like too different, Mommy as my mother and me as a mother. Noon, ramdam kong mahal kami ni Mommy pero hindi niya iyon pinapakita madalas. Marahil gusto niya kaming maging disente sa lahat. But while looking now, I couldn't afford to see Jace in my situation when I was younger. I want to give him all the freedom I didn't experience as a kid. However I'm thankful that Mommy raised us well with proper manners inside the tradition. I love Mommy. Without her, I wouldn't be here... I wouldn't know Rekta, I wouldn't know Venturi, I wouldn't know the life and I wouldn't have Jace. It's all thanks to Mom.

Suminghap siya at winaksi ang palad.

"Jusko, be. Alam ko 'yan! Si Mareng Izabeth mukhang istrikta na walang puso, e. Pero, badtrip pa rin ako sayo. Bakit ka hinayaan ni Mareng Izabeth na magrainbow na buhok? Mukha kang inahin ng mga sisiw tuwing fiesta! Nakakahiya naman, inunahan mo pa ang Ati-atihan."

Humagalpak ako sa tawa. My hair isn't totally rainbow! Sa ilalim lang iyon tuwing nahahawi ang ibabaw kong buhok na kulay abo naman, it was really a nice and happy color for the last time. Months from now, I'll get it back to black.

"Para namang kasalanan 'to!"

Bumungisngis siya at humilig sa lamesa.

"O, change topic. Musta naman kayo ni EB? Nadiligan ka na ba like a flower in the vase?"

"EB?"

"Short for Engineer Bakat! Seryoso ako, bakat talaga lagi 'yang jowa mo at parang boner everytime. Huwag mong pagsuotin noong short na medyo sakat, jusko baka malaglag ang panty ng madaanan niyan. Imbes na ikaw lang ang malalag-lagan ng panty, e. Damay pa iba! Nag titan gel ba 'yan? Bet mo daksi?"

Uminit ang mukha ko pero humagalpak ako sa tawa.

"Ang manyak mo, Ate. Pati boyfriend ko pala, binababaan mo ng tingin! Hindi ko nga napapansin iyon—"

Tinusok niya ang ilong ko at hindi naniwala.

"Utong mo pink, este utot! Pabebe ka ng taon! Sa araw-araw mong kasama 'yan, hindi mo napapansin? Pagtingin pa lang sa mukha noon, bababaan talaga agad ng tingin 'yan! Kaya siguro kinuhang model ng brief 'yan dahil mabebenta talaga kasi proven and tested, stretchable ang tela pag siya ang may suot."

Veiled Diaries #2: Mask of The BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon