MOTB 43

60.8K 2.5K 1.6K
                                    

#MOTB43

Naging mabilis ang aming mga araw, I'm taking care of Jace at home only. Kung lalabas man kaming dalawa ay para mamasyal lang at mag grocery, parating tumutungo si Tatty sa unit namin dahil nabuburyo sa kanila kapag wala si Zio. He already went home yesterday but still driving Tatty and Zac to have time with Jace at home, ang ending ako ang nag-aalaga sa dalawang bata habang si Tatty ay petiks at pabasa-basa lang ng libro.

"I'm going out with Jace,"

"Great, uuwi na rin kami ni Zac maya-maya."

"Shall I drive you home?" I asked nicely.

Hanggang ngayon kasi ay ayaw niyang magmaneho kahit marunong na, mas gusto niyang maging reyna na pinagsisilbihan. Kakainis.

"Zio will come, anong oras ka aalis?"

I shrugged. "Anytime."

"Saan ka pupunta? Nagtatanong lang ako, wala naman akong pake sayo." tanong at depensa niya na tila alam ang sasabihin ko.

I gasped in disbelief. "We're gonna meet someone, I think."

Hindi naman sigurado iyon at kahit anong oras naman ay puwede naming i-meet kung magtetext sa akin.

"You think? Hindi ka pa sure?"

"Hindi pa, hindi pa naman nagtetext."

"For business?"

"Oo." I answered straightly as I went to the kitchen, she followed me and sat down on the stool while I'm looking for something to eat in the fridge.

I know how to cook now, sa bawat araw na ginawa sa ilang taon ay iyong mga gawaing hindi ko nagawa noong teenage days ko pa ang mga pinag-aaralan kong gawain. Sa awa ng panahon ay natuto naman ako, hindi ko na kailangan ng iba kasambahay o katuwang sa bahay.

"Sifuentes?"

My face heated at her question.

"Huh? No! He's living in Villa Terrazas, paano ko kikitain sa Manila?"

Macky Sifuentes is a business man, but he's handling their plantation in Villa Terrazas now. Doon ko siya nakilala noong mga araw na lugmok ako pagtapos umalis ni Rekta patungong US. He's actually a gopd friend but Statice isn't right to match us, hindi ko iyon gusto sa ganoong paraan.

"Bawal bang bumiyahe papuntang Manila ang taong may gusto sayo? Or am I wrong because it's Prudence Villareal?"

"Seriously? May anak na iyong tao!"

Isa pa iyon, aksidenteng nagkaanak sa isang babaeng hindi niya gusto. Villareals are known play boys, I heard it from Fab. Bata pa lang siya ay kilala na niya ang mga iyon at nakita na ang reputasyon dahil nasa iisang eskuwelahan din. Prudence and I were texting but not right after I learned he has a child, that was years ago. Nakilala ko lang sa birthday nila Bhaltie, months after our texting stage.

Hindi naman ako nakakaramdam ng kakaiba sa lahat ng nakakausap ko at sumubok, hindi gaya noon kay Venturi o Rekta. Remembering way back, I was too shallow to think that affection could be taught so I tried to learn it slowly, natututunan naman siya dahil sa sukat ng panahon na makakasama mo ang tao ngunit iyon ay nasa isip kong matutunan kaya mababaw rin na konting paglayo ay tinatangay na ng hangin. Hindi magandang matutunan, mas maganda at masarap sa pakiramdam iyong wala sa isip pero kusa kang tinatangay sa mas malalim na pag-ibig.

"He's not yet married and no girlfriend."

I glared at her while pouring a juice in the glass.

"Alam mo ikaw, masyado ka rin! Parati mong sinasaway si Bistre sa pagmamatch na ganyan, tapos ngayon ikaw pa ang nangunguna! Anong breed na match maker ka?" iritado kong sinabi.

Veiled Diaries #2: Mask of The BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon