MOTB 7

59.1K 2.4K 675
                                    

#MOTB7

I lived the whole week hating my siblings, soon to be partner in life. I avoided Annunzio and Statice at home, malaki ang mansyon at madalas magtambay si Statice sa balkonahe ng pangalawang palapag upang magbasa at minsan ding wala dahil nasa eskuwelahan habang si Annunzio naman ay madalas makisama sa aming mga pinsan pagtapos ng klase nilang lahat. Nangangabayo sa rancho, iniwasan ko ang mga lugar nila.

Tuwing pagkatapos ng klase sa library kasama ang aking home professor ay diretso akong lumalabas ng mansyon para tumakas. Hindi ako gaanong napapansin ni Mommy dahil abala siya sa naging problema ng kumpanya sa Batangas. Dad's handling a company around Villa Terrazas and he's more better than Mom's way to handle us here. Tatlong araw na si Mommy sa Batangas kaya nakakatakas ako, minsan kasama si Clair at mas madalas na kasama si Rekta sa unang tatlong araw na wala si Mommy. We know each other's number so... it started there.

I bit my lips, sinulyapan ko ang guro na nag-aayos ng kanyang mga gamit. I stayed on my chair and unlocked my cellphone to text.

Ako: Nasa usual place ka?

I'm talking about the Acacia tree where we've been spending days in. Doon kami palagi nagpapalipas ng oras, kung minsan ay sa falls kasama sila Clair at ang mga kaibigan. Iyon lang ay umaalis din ako dahil hindi ko talaga feel ang hangin pag kasama si Olivah, mas gusto ko pang mag-isa roon sa lilim ng punong Acacia habang pinapanood ang nag-aani ng mga pananim.

Rekta: I'm going back to Manila now. Why?

My heart faltered a beat.

"Embry, don't forget the lessons today and we'll have a quiz tomorrow."

I smiled at Ms. Alcantara, she's my home professor for years now.

"Okay, thank you." I said sincerely, she just nodded with a smile before exiting our library.

Bumuntong hininga ako at sumandal sa back rest ng sofa, inangat ko ang cellphone para makapagreply kay Rekta.

Ako: Uuwi na kayo?

Rekta: They went back home three days ago for classes. Ako lang ang uuwi ngayon.

Ako: Ha? Magkakaiba ba kayo ng schedule ng classes? Bakit hindi ka nila kasabay?

Rekta: Didn't attend my classes for days. I needed rest. How 'bout you? You done with home class?

Ako: Katapos lang. Ihahatid ka ng driver nila Venz?

Nakakapagtaka naman iyon, puwede palang lumiban sa klase ng ilang araw? Kahit homeschooled ako ay alam kong malaking kawalan ang ilang araw na pagliban sa klase dahil regular school naman sila Annunzio kaya may alam pa rin ako tungkol doon.

Rekta: Dad fetched me earlier today. Wala pa rin ang Mommy mo?

Ako: Wala pa rin, mabuti at umalis na kayo. Makakapagpalipas ako ng libre sa falls ngayon.

Rekta: It's still a free place, anyone can reach it and see you with your Pikachu underwear.

Namilog ang mga mata ko, halos mapatayo ako sa inuupuan ko habang unti-unting nasusunog ang mukha sa sobrang kahihiyan. What the hell, Rekta? Do you really need to mention it now? It's so awkward and I didn't even expect he'd remember that!

Ako: I hate you! Don't text me again, you dumbass! You're embarrassing me!

Rekta: Hahaha. I just said it to remind you not to swim naked in free places like that.

Ako: It was just almost! You're killing my mood today.

Rekta: Basta, pinaalalahanan lang kita.

Veiled Diaries #2: Mask of The BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon