MOTB 33

50.6K 2.1K 765
                                    

#MOTB33

Daddy and Annunzio got into a critical accident, hindi ko alam kung saan hahanapin si Statice dahil wala siya sa Spain nang araw na iyon at hindi ko alam kung kailan pa siya nawawala sa bansa. I didn't think twice, I immediately thought of asking Abuela Emma's help to get home that day too and she didn't fail me. Sa biyaheng halos isang araw na rin ay halos nababaliw ako, alam ni Abuela ang nangyari at alam kong hindi siya sumasagot dahil seryoso iyong aksidente kaya lalo akong nag-aalala. Wala akong kaalam-alam kung paano at saan iyon nangyari pero kailangan ako ni Mommy sa tabi niya.

Sa haba ng biyahe ay wala akong nagawa kundi ang umiyak lamang dahil sa pagkataranta. Kinakabahan ako sa bawat oras na umaandar, kinabukasan ng tanghali ako nakarating ng Pilipinas. Wala pa ring balita mula kay Mommy, alam kong natataranta siya kaya naiintindihan ko.

Abuela Emma informed me about the hospital, it was outside Villa Terrazas. Si Silvanus ang sumundo sa akin sa airport, sa sasakyan ay panay ang text at tawag ko kay Statice pero nakapatay ang cellphone niya. I don't really know what's happening now, it's giving me shivers and anxiety.

Kinagat-kagat ko ang kuko habang sinusubukan ulit tawagan si Statice.

"Silvanus, a-anong lagay nila D-Daddy?" hindi na ako nakapagpigil.

He gazed at me and sighed.

"I don't know yet, kakauwi ka lang din galing Manila kanina. Hindi ko pa alam pero ang dinig ko kay Mommy, they're both in a critical condition." he said straightly.

It sent me shivers. "A-Ano bang nangyari?"

"Car accident." he answered. "The car's break was intentionally broken, I don't really know. Iyan lang ang narinig ko, naguguluhan pa ako."

Fuck, what? Is this related to the fucking business of this family!?

My heart is twisting painfully. Muli kong sinubukan tawagan si Statice pero wala pa rin iyong linya, ano bang nangyayari ngayon? Nabablangko na ako sa mga importanteng taong tinatawagan ko na hindi sumasagot sa lahat ng frustration ko!

Sa ospital ay naabutan namin sila Mommy at ang dalawang tiyuhin na kasama niya sa lounge. She's wearing a gray fitted dress, hair was all up in a clean ponytail and a bee wayfarers on her eyes. Wala siyang make na kadalasang suot sa mukha, her lips were pale and tears are streaming down her cheeks while talking with Uncle Sid. The whole scene is heavy for me because of her pale face and tears.

Suminghap ako at kahit nanginginig sa takot ay tumakbo na ako para makalapit sa kanila. Nang makita ako ni Mommy ay agad nanginig ang labi niya, I hugged her immediately. This is the first time we saw each other again in person because I don't wanna have a connection with them for the past three years but I was seeing her whenever Statice' video calling with her. She let me have my married life independently, marying Venturi was like a key of freedom.

"M-Mommy, kumusta sila?" I asked, crying silently.

"In the ICU, they got into another operation awhile back and still... unstable. I-I don't know what's happening. I can't still believe this." she said with broken voice. "N-Nasaan si Statice?"

"H-Hindi ko matawagan, I don't know how to contact her now. Wala siyang sinasagot sa mga texts ko at wala rin sa tawag. Nakapatay ang cellphone niya."

"Oh my God." iyon ang tanging singhap niya at hindi makapaniwala, sinapo niya ang mukha at saka umiyak ulit doon.

Sabi nila Uncle ay hindi pa umuuwi si Mommy simula kahapon, they checked us in some hotel near the hospital that day. Wala akong nagawa kundi ang pilitin si Mommy na manatili muna roon at kahit alam kong maarte siya pagdating sa mga hotel ay hindi siya nagprotesta, Mommy rarely checks in a hotel. She doesn't even want a condo unit to stay, gusto niya ay bahay kaya hindi ko alam kung saang parte na kami ng mundo may bahay tuwing nagbabakasyon sila ni Daddy o pag may business trip.

Veiled Diaries #2: Mask of The BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon